Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BIYERNES, NOBYEMBRE 18, 2022

SHARE THE TRUTH

 1,292 total views

Biyernes ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
o kayaย Paggunita sa Pagtatalaga sa mga Palasyong Simbahan nina Apostol San Pedro at San Pablo sa Roma

Pahayag 10, 8-11
Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131

O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa โ€˜min.

Lucas 19, 45-48

Friday of the Thirty-third Week in Ordinary Timeย (Green)

UNANG PAGBASA
Pahayag 10, 8-11

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Akoโ€™y si Juan, nangusap sa akin ang tinig na narinig kong nagsasalita mula sa langit, โ€œLumapit ka sa anghel na nakatuntong sa dagat at sa lupa at kunin mo ang hawak niyang kasulatang nakabukas.โ€ Nilapitan ko ang anghel at hiningi ang kasulatan. Ang wika niya sa akin, โ€œKunin moโ€™t kanin ito; mapait iyan sa sikmura ngunit sa bibig moโ€™y sintamis ng pulot-pukyutan.โ€ Inabot ko at kinain ang maliit na kasulatan. Matamis ngang tulad ng pulot-pukyutan, ngunit nang malunok ko naโ€™y pumait ang aking sikmura.

At sinabi niya sa akin, โ€œKailangang ipahayag mong muli ang mga hula tungkol sa ibaโ€™t ibang mga tao, bansa, wika, ay mga hari.โ€

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131

O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa โ€˜min.

Nagagalak na susundin yaong iyong kautusan,
higit pa sa pagkagalak na dulat na kayamanan.

O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa โ€˜min.

Ang buo mong kautusan sa akin ay umaaliw,
siyang gurong nagpapayo sa lahat kong suliranin.

O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa โ€˜min.

Higit pa sa gintoโ€™t pilak nitong buong sanlibutan,
ang mabuting idudulot ng bigay mong kautusan.

O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa โ€˜min.

O kay tamis na namnamin ang utos mong ibinigay,
matamis pa kaysa pulot yaong lasang tinataglay.

O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa โ€˜min.

Halos humihingal ako dahilan sa kasabikan,
na matamo yaong aking minimithing kautusan.

O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa โ€˜min.

ALELUYA
Juan 10, 27

Aleluya! Aleluya!
Ang tinig koโ€™y pakikinggan
ng kabilang sa โ€˜king kawan.
akoโ€™y kanilang susundan
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 19, 45-48

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, pumasok si Hesus sa templo at kanyang ipinagtabuyan ang mga nagtitinda. Sinabi niya sa mga ito, โ€œNasusulat: โ€˜Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan.โ€™ Ngunit ginawa ninyong โ€˜pugad ng mga magnanakaw.โ€™โ€

Araw-araw, si Hesus ay nagtuturo sa loob ng templo. Pinagsikapan ng mga punong saserdote, ng mga eskriba, at ng mga pangunahin ng bayan ng siyaโ€™y ipapatay. Subalit wala silang makitang paraan upang maisagawa ito, sapagkat taimtim na nakikinig sa kanya ang buong bayan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Sapat ang utos ng Panginoon, subalit nag-uumapaw ang kanyang awa. Manalanagin tayo sa Ama nang buong pananalig sa kanyang karunungan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, panatilihin mo kami sa iyong pamamaraan.

Ang Simbahang Katolika nawaโ€™y akayin ang kanyang mga miyembro sa daan ng katwiran at higit silang ilapit sa pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawaโ€™y matutong tumalikod sa kasalanan nang buong puso, habang nananatiling masunurin sa batas ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga hindi pa sumasampalataya nawaโ€™y makinig sa Salita ng Diyos at maakay sila sa kaligtasang walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, matatanda, nalulumbay at lahat ng nagdurusa nawaโ€™y huwag nating kaligtaang lingapin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawaโ€™y lumigaya sa buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, sinusuri mo ang puso ng bawat isa at alam mo ang mga nilalaman nito. Palakasin mo ang aming puso upang sumamba kami nang tunay at buong pusong makapaglingkod sa kapwa ang aming mga kamay sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

REAWAKENING

 1,281 total views

 1,281 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga โ€œpolitical observerโ€ sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More ยป

20-PESO RICE

 9,263 total views

 9,263 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigasโ€ฆ Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More ยป

Cyber terrorists?

 17,864 total views

 17,864 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishopsโ€™ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More ยป

Nakamamatay ang kurapsyon

 26,378 total views

 26,378 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.ย  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More ยป

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 38,588 total views

 38,588 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. โ€œIf you want peace, work for justice!โ€ Ito ang paalala ni

Read More ยป

Watch Live

RELATED READINGS

Linggo, Mayo 25, 2025

 219 total views

 219 total views Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K) Mga Gawa 15, 1-2. 22-29 Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8 Nawaโ€™y magpuri

Read More ยป

Sabado, Mayo 24, 2025

 625 total views

 625 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 1-10 Salmo 99, 2. 3. 5 Purihin ng lahat ang Dโ€™yos, parangalan

Read More ยป

Biyernes, Mayo 23, 2025

 1,230 total views

 1,230 total views Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 15, 22-31 Salmo 56, 8-9. 10-12 Sa gitna ng mga bansa sabihing โ€œDโ€™yos

Read More ยป

Huwebes, Mayo 22, 2025

 1,614 total views

 1,614 total views Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kayaย Paggunita kay Santa Rita ng Cascia, namamanata sa Diyos Mga Gawa 15, 7-21 Salmo

Read More ยป

Miyerkules, Mayo 21, 2025

 2,084 total views

 2,084 total views Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kayaย Paggunita kay San Kristofero Magallanes, pari at martir, at mga kasama, mga martir o

Read More ยป

LATEST NEWS

Scroll to Top