Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BIYERNES, DISYEMBRE 15, 2023

SHARE THE TRUTH

 6,491 total views

Biyernes ng Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

Isaias 48, 17-19
Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Mateo 11, 16-19

Friday of the Second Week of Advent (Violet)

UNANG PAGBASA
Isaias 48, 17-19

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ganito ang sabi ng Banal ng Israel,
ng Panginoon mong sa iyo’y tumubos:
“Ako ang Panginoong iyong Diyos.
Tuturuan kita para ka umunlad,
papatnubayan kita saan ka man pumunta.
Kung sinusunod mo lang ang mga utos ko,
pagpapala sana’y dadaloy sa iyo,
parang ilog na di natutuyo ang agos.
Tagumpay mo sana ay sunud-sunod,
parang dating ng alon sa dalampasigan.
Ang lahi mo sana’y
magiging sindami ng buhangin sa dagat,
at tinitiyak kong
hindi sila mapapahamak.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Mapalad ang taong hindi naaakit niyong masasama,
upang sundan niya ang kanilang payo’t maling halimbawa;
hindi sumasama sa sinumang taong ang laging adhika’y
pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang Diyos na dakila.
Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral,
ang utos ng Poon siyang binubuhay sa gabi at araw.

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Ang katulad niya’y isang punongkahoy sa tabing batisan,
sariwa ang daho’t laging namumunga sa kapanahunan,
at anumang gawin ay nakatitityak na magtatagumpay.

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa ang kawangis,
siya’y natatangay at naipapadpad kung hangi’y umihip.
Sa taong matuwid ay Panginoon ang s’yang mag-iingat,
ngunit kailanman ang mga masama ay mapapahamak.

Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Ang Panginoo’y darating
siya’y ating salubungin
s’ya’y kapayapaan natin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 11, 16-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Sa ano ko nga ihahambing ang mga tao ngayon? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa at sumisigaw sa kanilang mga kalaro, ‘Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw! Nanambitan kami, ngunit hindi kayo tumangis!’ Sapagkat naparito si Juan na nag-aayuno at di umiinom ng alak, at sinasabi nila, ‘Inaalihan siya ng demonyo!’ Naparito rin ang Anak ng Tao, na kumakain at umiinom, at sinasabi naman nila, ‘Masdan ninyo ang taong ito! Matakaw at naglalasing, kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan!’ Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay napatutunayang tama sa pamamagitan ng kanyang mga gawa.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Adbiyento
Biyernes

May pananampalatayang ilapit natin ang ating mga kahilingan sa Amang nagnanais na ang lahat ng tao ay magpaunlak sa kanyang paanyaya sa piging ng buhay na walang hanggan sa Langit.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ilapit mo kami sa iyo.

Ang Simbahan dito sa lupa nawa’y magpatuloy sa paglago at manghikayat ng higit na maraming mga tao sa piging ng Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mayayaman at gayundin ang mahihirap nawa’y hindi humanap ng mga dahilan upang maiwasan ang tawag ng Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y tumugon nang tapat sa panawagan na magsisi sa kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y magtalaga ng ating mga sarili sa pagtataguyod ng layunin ng Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mamuhay sa tahanan ng Panginoon at magdiwang sa piging ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, inaanyayahan mo kami upang makasama mo sa iyong Kaharian. Sa aming pananalangin para sa aming kapwa, tulungan mo kaming maisama sila sa piging na inihanda ng iyong Anak na si Jesu-Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 6,110 total views

 6,110 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 11,865 total views

 11,865 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 19,128 total views

 19,128 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 27,113 total views

 27,113 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 34,648 total views

 34,648 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

LUNES, HULYO 22, 2024

 78 total views

 78 total views Kapistahan ni Santa Maria Magdalena Awit ni Solomon 3, 1-4a o kaya 2 Corinto 5, 14-17 Salmo 62, 2, 3-4, 5-6, 8-9 Aking kinasasabikan, Panginoon, ikaw lamang. Juan 20, 1-2. 11-18 Feast of Saint Mary Magdalene (White) UNANG PAGBASA Awit ni Solomon 3, 1-4a Pagbasa mula sa Awit ni Solomon Gabi-gabi, sa higaan ang mahal

Read More »

LINGGO, HULYO 21, 2024

 508 total views

 508 total views Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Jeremias 23, 1-6 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Efeso 2, 13-18 Marcos 6, 30-34 Sixteenth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Jeremias 23, 1-6 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Parurusahan ng Panginoon ang mga namumunong walang

Read More »

SABADO, HULYO 20, 2024

 888 total views

 888 total views Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Apolinario, obispo at martir o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Mikas 2, 1-5 Salmo 9, 22-23. 24-25. 28-29. 35 Poon, huwag pabayaan ang mga nahihirapan. Mateo 12, 14-21 Saturday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial

Read More »

BIYERNES, HULYO 19, 2024

 1,556 total views

 1,556 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Isaias 38, 10. 11. 12abkd. 16 Buhay ko’y ‘yong iniligtas, pag-iral ko’y walang wakas. Mateo 12, 1-8 Friday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Noong

Read More »

HUWEBES, HULYO 18, 2024

 1,970 total views

 1,970 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong luklukan, lahat ay ‘yong minamasdan. Mateo 11, 28-30 Thursday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Read More »

MIYERKULES, HULYO 17, 2024

 2,569 total views

 2,569 total views Miyerkules ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod sa kanyang hirang na lingkod. Mateo 11, 25-27 Wednesday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 10, 5-7. 13-16 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang

Read More »

MARTES, HULYO 16, 2024

 2,799 total views

 2,799 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Bundok del Carmen Zacarias 2, 14-17 Lucas 1, 46-47. 48-49. 50-51. 52-53. 54-55 D’yos ay Makapangyarihan, Banal ang kanyang pangalan. o kaya Mahal na Birheng Maria, Ina ng Anak ng Ama. Mateo 12, 46-50 Memorial of Our Lady of Mount Carmel (White) UNANG PAGBASA Zacarias 2, 14-17

Read More »

LUNES, HULYO 15, 2024

 3,303 total views

 3,303 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 1, 10-17 Salmo 49, 8-9. 16bk-17, 21 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Mateo 10, 34 – 11, 1 Memorial of St. Bonaventure, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang

Read More »

LINGGO, HULYO 14, 2024

 3,141 total views

 3,141 total views Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Amos 7, 12-15 Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa. Efeso 1, 3-14 Marcos 6, 7-13 Fifteenth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Amos 7, 12-15 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos Noong mga araw na iyon, hinarap ni Amasias, ang

Read More »

SABADO, HULYO 13, 2024

 3,306 total views

 3,306 total views Sabado ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Enrico o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Isaias 6, 1-8 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika. Mateo 10, 24-33 Saturday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

BIYERNES, HULYO 12, 2024

 3,253 total views

 3,253 total views Biyernes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 14, 2-10 Salmo 50, 3-4. 8-9. 12-13. 14 at 17 Pupurihin ko kailanman ang dakila mong pangalan. Mateo 10, 16-23 Friday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 14, 2-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas Ito ang sinasabi

Read More »

HUWEBES, HULYO 11, 2024

 3,590 total views

 3,590 total views Paggunita kay San Benito, abad Oseas 11, 1-4. 8k-9 Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16 Poon kami’y ‘yong iligtas at tanglawan ng ‘yong sinag. Mateo 10, 7-15 Memorial of St. Benedict, Abbot (White) Mga Pagbasa mula sa Huwebes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Oseas 11, 1-4. 8k-9 Pagbasa mula

Read More »

MIYERKULES, HULYO 10, 2024

 3,320 total views

 3,320 total views Miyerkules ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 10, 1-3. 7-8. 12 Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Hanapin ang Poon lagi, sa harap n’ya manatili. Mateo 10, 1-7 Wednesday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 10, 1-3. 7-8. 12 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas Ang

Read More »

MARTES, HULYO 9, 2024

 3,693 total views

 3,693 total views Martes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin Zhao Rong, pari at martir, at mga Kasama, mga martir Oseas 8, 4-7. 11-13 Salmo 113 B, 3-4. 5-6. 7ab-8. 9-10 Israel na bayan ng D’yos, papurihan mo s’yang lubos. Mateo 9, 32-38 Tuesday of the Fourteenth Week in

Read More »

LUNES, HULYO 8, 2024

 4,258 total views

 4,258 total views Lunes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 2, 16. 17b-18, 21-22 Salmo 144, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Pag-ibig ng D’yos ay ganap, sa tanan s’ya’y nahahabag. Mateo 9, 18-26 Monday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 2, 16. 17b-18, 21-22 Pagbasa mula sa aklat ni propeta

Read More »
Scroll to Top