Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, AGOSTO 24, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,916 total views

Kapistahan ni Apostol San Bartolome

Pahayag 21, 9b-14
Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 17-18

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

Juan 1, 45-51

Feast of St. Bartholomew, Apostle (Red)

UNANG PAGBASA
Pahayag 21, 9b-14

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Wika ng anghel sa akin, “Halika, at ipakikita ko sa iyo ang Babaing makakaisang-dibdib ng Kordero.” Nilukuban ako ng Espiritu, at inihatid ako ng anghel sa ibabaw ng isang napakataas na bundok. Ipinakita niya sa akin ang Jerusalem, ang Banal ng Lungsod, na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos. Nagliliwanag ito dahil sa kaningningan ng Diyos; kumikislap na gaya ng hiyas na haspeng sinlinaw ng kristal. Ang pader nito’y makapal at mataas at may labindalawang pinto, bawat isa’y may bantay na anghel. Nakasulat sa mga pinto ang pangalan ng labindalawang lipi ng Israel. Tatlo ang pinto ng bawat panig: tatlo sa silangan, tatlo sa timog, tatlo sa hilaga, at tatlo sa kanluran. Ang pader ng lungsod ay may labindalawang saligang-bato at nakasulat dito ang pangalan ng labindalawang apostol ng Kordero.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 17-18

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

Magpupuring lahat sa iyo, O Panginoon, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
at ibababalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

Dakila mong gawa’y upang matalastas ng lahat ng tao,
mababatid nila ang kadikalaan ng paghahari mo.
Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan, hindi magbabago.

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa;
kahit anong gawin ay kalakip doon ang habag at awa.
Siya’y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao
sa sinumang taong pagtawag sa kanya’y tapat at totoo.

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

ALELUYA
Juan 1, 49b

Aleluya! Aleluya!
Guro, Anak na Butihin
ng Diyos Amang masintahin,
ika’y hari ng Israel.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 1, 45-51

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, hinanap ni Felipe si Natanael, at sinabi rito, “Natagpuan namin si Hesus na taga-Nazaret, ang anak ni Jose. Siya ang tinutukoy ni Moises sa kanyang sinulat sa Kautusan, at gayun din ng mga propeta.” “May nagmumula bang mabuti sa Nazaret?” Tanong ni Natanael. Sumagot si Felipe, “Halika’t tingnan mo.”

Nang malapit na si Natanael ay sinabi ni Hesus, “Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya’y hindi magdaraya!” Tinanong siya ni Natanael, “Paano ninyo ako nakilala?” Sumagot si Hesus, “Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.” “Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!” wika ni Natanael. Sinabi ni Hesus, “nanampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakikita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!” At sinabi niya sa lahat, “Tandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Agosto 24
San Bartolome

Sa ating pagpaparangal sa Apostol na isang lalaking hindi makagagawa ng panlilinlang, lumapit tayo sa Ama nang may pagtitiwala, binubuksan sa pamamagitan ng panalangin ang ating mga puso.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, basbasan mo kami na iyong hinubog sa pamamagitan ng pananampalataya ng mga apostol.

Ang Simbahan nawa’y maging bukas sa mga pagkilos ng Espiritu lalo na sa mga samahang pinagyayaman ang pananampalataya ng Bayan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y maging karapat-dapat sa karangalan at dignidad sa pamamagitan ng kanilang tapat at ulirang pagtupad sa tungkulin, manalangin tayo sa Panginoon.

Magkaroon nawa ng mga programa para sa paghubog sa mga kabataan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng tulong sa paglilingkod ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong tapat sa Panginoon nawa’y makabahagi sa kaluwalhatian ng Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, habang ipinararating namin sa iyo ang mga panalanging ito sa tulong ni San Bertolome, tulungan mo kaming magmahal sa iba at magtiwala sa iyong mga pagpapala sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Hindi sagot ang pag-unfriend

 3,784 total views

 3,784 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay memes tungkol sa pag-aresto kay dating Pangulong Duterte? Mabilis na nagbigay ang mga netizens ng kani-kanilang opinyon sa nangyaring pag-aresto sa dating presidente. Naging mas lantad ang malaking pagkakaiba ng

Read More »

Katarungang abot-kamay

 24,617 total views

 24,617 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang mahihirap o kaya’y katatakutan ang mayayaman. Humatol kayo batay sa katuwiran.” Isinasaad ng ating pananampalataya na nais ng Diyos na igawad natin ang katarungan lalo na sa mga umaabuso sa

Read More »

Truth Vs Power

 41,602 total views

 41,602 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter. Noon, sa kabila ng kasinungalingan…anuman ang sasabihin ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ay katotohanan…hinahangaan natin siya na mga botanteng Pilipino…sinusunod natin anuman ang kanyang utos. Sinasabi nga ng News

Read More »

Heat Wave

 50,887 total views

 50,887 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng nagbabagong klima sa lahat ng panig ng mundo? Ang mainit na panahon na ating kagagawan dahil sa walang habas na pagsira sa kalikasan. Paulit-ulit na ipinapaalala sa ating mananampalataya ng

Read More »

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 62,996 total views

 62,996 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month sa taóng ito. Sinasalamin nito ang hangarin ng kasalukuyang administrasyon na matamasa ng kababaihan ang kanilang mga karapatan, na ang mga oportunidad na ibinibigay sa mga lalaki ay nakakamit din

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Huwebes, Marso 20, 2025

 94 total views

 94 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Lucas 16, 19-31 Thursday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jeremias 17, 5-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Sinabi ng Panginoon, “Parurusahan ko ang

Read More »

Miyerkules, Marso 19, 2025

 97 total views

 97 total views Dakilang Kapistahan ni San Jose, Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birhen 2 Samuel 7, 4-5a. 12-14a. 16 Salmo 88, 2-3. 4-5. 27 at 29 Lahi niya’y walang wakas, kailanma’y hindi lilipas. Roma 4, 13. 16-18. 22 Mateo 1, 16. 18-21. 24a o kaya Lucas 2, 41-51a Solemnity of Saint Joseph, Spouse of the

Read More »

Martes, Marso 18, 2025

 95 total views

 95 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Mateo 23, 1-12 Tuesday of the Second Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 1, 10. 16-20 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Mga pinuno

Read More »

Lunes, Marso 17, 2025

 93 total views

 93 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 9, 4b-10 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin. Lucas 6, 36-38 Monday of the Second Week in Lent (Violet) UNANG PAGBASA Daniel 9, 4b-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel Panginoon, dakila at makapangyarihang Diyos

Read More »

Linggo, Marso 16, 2025

 109 total views

 109 total views Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Genesis 15, 5-12. 17-18 Salmo 26, 1. 7-8. 9abk. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Filipos 3, 17 – 4, 1 o kaya Filipos 3, 20 – 4, 1 Lucas 9, 28b-36 Second Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 15,

Read More »

Sabado, Marso 15, 2025

 2,524 total views

 2,524 total views Sabado sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 26, 16-19 Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Mateo 5, 43-48 Saturday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 26, 16-19 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Ngayon

Read More »

Biyernes, Marso 14, 2025

 2,886 total views

 2,886 total views Biyernes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 18, 21-28 Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Mateo 5, 20-26 Friday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Ezekiel 18, 21-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Sinasabi ng Panginoon: “Kung ang isang

Read More »

Huwebes, Marso 13, 2025

 3,691 total views

 3,691 total views Huwebes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ester 4, 17 n. p-r. aa-bb. gg-hh Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 7k-8 Noong ako ay tumawag, tugon mo’y aking tinanggap. Mateo 7, 7-12 Thursday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Ester 4, 17 n. p-r. aa-bb. gg-hh Pagbasa mula sa aklat ni

Read More »

Miyerkules, Marso 12, 2025

 4,036 total views

 4,036 total views Miyerkules sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jonas 3, 1-10 Salmo 50, 3-4. 12-13. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat. Lucas 11, 29-32 Wednesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jonas 3, 1-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jonas Sinabi ng Panginoon kay Jonas: “Pumunta ka

Read More »

Martes, Marso 11, 2025

 4,459 total views

 4,459 total views Martes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 55, 10-11 Salmo 33, 4-5. 6-7. 16-17. 18-19 Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan. Mateo 6, 7-15 Tuesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 55, 10-11 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sinasabi ng Panginoon: “Ang ulan at

Read More »

Lunes, Marso 10, 2025

 3,862 total views

 3,862 total views Lunes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Levitico 19, 1-2. 11-18 Salmo 18. 8. 9. 10. 15 Espiritung bumubuhay ang salita ng Maykapal. Mateo 25, 31-46 Monday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Levitico 19, 1-2. 11-18 Pagbasa mula sa aklat ng Levitico Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin

Read More »

Linggo, Marso 9, 2025

 4,534 total views

 4,534 total views Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Deuteronomio 26, 4-10 Salmo 90, 1-2. 10-11. 12-13. 14-15 Poon ko, ako’y samahan sa dusa at kahirapan. Roma 10, 8-13 Lucas 4, 1-13 First Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 26, 4-10 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni

Read More »

Sabado, Marso 8, 2025

 4,516 total views

 4,516 total views Sabado kasunod ng Miyerkules ng Abo Isaias 58, 9b-14 Salmo 85, 1-2. 3-4. 5-6 Ituro mo ang ‘yong loob nang matapat kong masunod. Lucas 5, 27-32 Saturday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 58, 9b-14 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sinasabi ng Panginoon: “Kung titigilan ninyo ang pang-aalipin at pagsuway sa

Read More »

Biyernes, Marso 7, 2025

 4,860 total views

 4,860 total views Biyernes kasunod ng Miyerkules ng Abo Isaias 58, 1-9a Salmo 50, 3-4. 5-6a. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat. Mateo 9, 14-15 Friday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 58, 1-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Ikaw ay sumigaw nang ubos-lakas, ang sala ng

Read More »

Huwebes, Marso 6, 2025

 5,157 total views

 5,157 total views Huwebes kasunod ng Miyerkules ng Abo Deuteronomio 30, 15-20 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Lucas 9, 22-25 Thursday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 30, 15-20 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao, “Nasa inyo ngayon ang kapasyahan. Kayo ang

Read More »
Scroll to Top