Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, DISYEMBRE 14, 2023

SHARE THE TRUTH

 5,600 total views

Paggunita kay San Juan de la Cruz, pari at pantas ng Simbahan

Isaias 41, 13-20
Salmo 144, 1 at 9. 10-11. 12-13ab

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Mateo 11, 11-15

Memorial of St. John of the Cross, Priest and Doctor of the Church (White)

Mga Pagbasa mula sa
Huwebes ng Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

UNANG PAGBASA
Isaias 41, 13-20

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

“Ako ang Panginoong inyong Diyos
at siyang nagpapalakas sa inyo,
Ako ang may sabing:
‘Huwag kayong matatakot at tutulungan ko kayo.’”
Sinabi pa ng Panginoon,
“Israel, mahina ka man at maliit,
huwag kang matakot,
tutulungan kita,
Ako, ang Diyos ng Israel, ang magliligtas sa iyo.
Gagawin kitang tulad ng panggiik,
bago at matalim ang kanyang ngipin,
at ang mga bundok at burol
ay iyong gigiikin
at duduruging tila alikabok.
Itatahip sila, tatangayin ng hangin,
pagdating ng bagyo ay pakakalatin;
magdiriwang dahil sa akin na inyong Diyos,
pupurihin ninyo ako at dadakilain.
Pag ang aking baya’y
inabot ng matinding uhaw,
na halos matuyo
ang kanilang lalamunan,
akong Panginoon ang gagawa ng paraan;
akong Diyos ng Israel ay di magpapabaya.
Sa tigang na burol
ay magkakailog,
sa gitna ng lambak
masaganang tubig ay bubukal;
aking gagawin
na ang disyerto ay maging tubigan;
sa tuyong lupain
ay may mga batis na masusumpungan.
Ang mga disyerto’y
pupunuin ko ng akasya’t sedro,
kahoy na olibo at saka ng mirto;
kahoy na sipre, alerses at olmo.
At kung magkagayon,
makikita nila at mauunawa,
na ang nagbalangkas at lumikha nito
ay ang Panginoon, ang Banal ng Israel.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 1 at 9. 10-11. 12-13ab

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari, aking ihahayag,
di ko titigilan magpakailanman ang magpasalamat.
Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi;
sa kanyang nilikha, ang pagtingin niya ay mamamalagi.

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Magpupuring lahat sa iyo, o Panginoon, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihan ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
at ibabalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Dakila mong gawa’y upang matalastas ng lahat ng tao,
mababatid nila ang kadakilaan ng paghahari mo.
Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan, hindi magbabago.

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

ALELUYA
Isaias 45, 8

Aleluya! Aleluya!
Pumatak na waring ulan
nawa’y umusbong din naman
ang Manunubos ng tanan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 11, 11-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao: “Sinasabi ko sa inyo: sa mga isinilang, walang lumilitaw na higit na dakila kay Juan Bautista; ngunit ang pinakaaba sa mga taong pinaghaharian ng Diyos ay dakila kaysa kanya. Mula nang mangaral si Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng Diyos ay nagdaranas ng karahasan at inaagaw ng mararahas. Sapagkat ang mga propeta at Kautusan ay nagpahayag tungkol sa paghahari ng Diyos hanggang sa dumating si Juan. Kung maniniwala kayo, siya ang Elias na darating. Ang may pandinig ay makinig!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Adbiyento
Huwebes

Pinuri ni Jesus si Juan Bautista dahil sa pag-akay nito sa mga tao upang lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng pangangaral ng pagsisisi sa kasalanan. Manalangin tayo para sa lahat ng tao sa buong mundo at maging sa kanilang mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng pagpapatawad, dinggin mo kami.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y patuloy na manawagan sa mga tao na talikuran ang makasalanang pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lalaki at babaeng binigyan ng katungkulan nawa’y pangibabawin ang katarungan sa lahat ng pagkakataon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha at nagdadalamhati nawa’y marinig ang Mabuting Balita ng kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang laging piliin ang maging mabuti at umiwas sa lahat ng anyo ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mananampalatayang yumao na ay makaranas nawa ng pagliligtas ng Diyos sa kanyang Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, pakundangan sa inyong pag-ibig, dinggin mo ang aming mga panalangin at gawin mo kaming katulad ni Juan Bautista, na walang takot at mapagkumbabang saksi sa mga aral ng iyong Anak sa buong mundo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SINGIL SA KURYENTE

 45,080 total views

 45,080 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 47,290 total views

 47,290 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 120,669 total views

 120,669 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 133,359 total views

 133,359 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 159,545 total views

 159,545 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Hunyo 15, 2026

 2,537 total views

 2,537 total views Lunes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Hari 21, 1-16 Salmo 5, 2-3. 5-6. 7 Panginoon, ako’y dinggin, pagbigyan sa aking

Read More »

Linggo, Hunyo 14, 2026

 2,537 total views

 2,537 total views Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Exodo 19, 2-6a Salmo 99, 2. 3. 5 Lahat tayo’y kanyang bayan, kabilang sa kanyang kawan. Roma

Read More »

Sabado, Hunyo 13, 2026

 5,308 total views

 5,308 total views Paggunita sa Kalinis-linisang Puso ng Birheng Maria Mga Panaghoy 2, 2. 10-14. 18-19 Salmo 73, 1 – 2. 3-5a. 5b-7. 20-21 Iyong laging

Read More »

Biyernes, Hunyo 12, 2026

 7,387 total views

 7,387 total views Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus (A) Deuteronomio 7, 6-11 Salmo 102, 1-2. 3-4. 6-7. 8 at 10 Pag-ibig mo’y walang hanggan

Read More »

Huwebes, Hunyo 11, 2026

 8,455 total views

 8,455 total views Paggunita kay San Bernabe, apostol Mga Gawa 11, 21b-26; 13, 1-3 Salmo 97, 1. 2-3ab, 3kd-4, 5-6 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top