Linggo, Abril 20, 2025

SHARE THE TRUTH

 483 total reads

Araw ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K)

Mga Gawa 10, 34a. 37-43
Salmo 117, 1-2. 16ab-17. 22-23

Araw ngayon ng Maykapal
magalak tayo’t magdiwang.

Colosas 3, 1-4
o kaya 1 Corinto 5, 6b-8
Juan 20, 1-9
o kaya Lucas 24, 13-35

Easter Sunday of the Lord’s Resurrection (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 10, 34a. 37-43

Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Noong mga araw na iyon: Nagsalita si Pedro, “Alam ninyo ang nangyari sa buong Judea na nagsimula sa Galilea nang mangaral si Juan tungkol sa binyag. Ang sinasabi ko’y tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang Espiritu Santo at ang kapangyarihan bilang katunayan na siya nga ang Hinirang. Sapagkat sumasakanya ang Diyos, saanman siya pumaroon ay gumagawa siya ng kabutihan at nagpapagaling sa lahat ng pinahihirapan ng diyablo. Saksi kami sa lahat ng ginawa niya sa lupain ng mga Judio at sa Jerusalem. Gayunman, siya’y ipinako nila sa krus. Ngunit muli siyang binuhay ng Diyos sa ikatlong araw. Napakita siya, hindi sa lahat ng tao kundi sa amin lamang na noon pang una’y pinili na ng Diyos bilang mga saksi. Kami ang nakasama niyang kumain at uminom pagkatapos na siya’y muling mabuhay. Inatasan niya kaming mangaral sa mga tao at magpatotoo na siya ang itinalaga ng Diyos na maging Hukom ng mga buhay at mga patay. Siya ang tinutukoy ng mga propeta nang kanilang ipahayag na bawat mananalig sa kanya ay tatanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang pangalan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 117, 1-2. 16ab-17. 22-23

Araw ngayon ng Maykapal
magalak tayo’t magdiwang.

o kaya: Aleluya!

O pasalamatan
ang Panginoong Diyos, pagkat siya’y mabuti;
ang kanyang pag-ibig
ay napakatatag at mananatili.
Ang taga-Israel,
bayaang sabihi’t kanilang ihayag,
“Ang pag-ibig ng Diyos, ay hindi kukupas.”

Araw ngayon ng Maykapal
magalak tayo’t magdiwang.

Ang lakas ng Poon,
ang siyang nagdulot ng ating tagumpay
sa pakikibaka sa ating kaaway.
Aking sinasabing
di ako papanaw, mabubuhay ako
upang isalaysay
ang gawa ng Diyos na Panginoon ko.

Araw ngayon ng Maykapal
magalak tayo’t magdiwang.

Ang batong natakwil
ng nangagtatayo ng tirahang-bahay,
sa lahat ng bato’y higit na mahusay.
Ang lahat ng ito
ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos.
Kung iyong mamasdan ay kalugud-lugod.

Araw ngayon ng Maykapal
magalak tayo’t magdiwang.

IKALAWANG PAGBASA
Colosas 3, 1-4

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas

Mga kapatid:

Binuhay kayong muli, kasama ni Kristo, kaya’t ang pagsumakitan ninyo ay ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Kristo na nakaupo sa kanan ng Diyos. Isaisip ninyo ang mga bagay na panlangit, hindi ang mga bagay na panlupa, sapagkat namatay na kayo at ang tunay na buhay ninyo’y natatago sa Diyos, kasama ni Kristo. Si Kristo ang tunay na buhay ninyo, at pag siya’y nahayag, mahahayag din kayong kasama niya at makakahati sa kanyang karangalan.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
1 Corinto 5, 6b-8

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid:

Hindi ba ninyo alam ang kasabihang, “Napaaalsa ng kaunting lebadura ang buong masa?” Alisin ninyo ang lumang lebadura, ang kasalanan, upang kayo’y maging malinis. Sa gayon, matutulad kayo sa isang bagong masa na walang lebadura – at ganyan nga kayo. Sapagkat naihandog na ang ating Korderong Pampaskuwa – si Kristo. Kaya’t ipagdiwang natin ang Paskuwa, ngunit hindi sa pamamagitan ng tinapay na may lumang lebadura ng kasamaan at kahalayan, kundi sa pamamagitan ng tinapay na walang lebadura, sagisag ng kalinisan at katapatan.

Ang Salita ng Diyos.

AWIT TUNGKOL SA MABUTING BALITA

Purihin si Hesukristo
hain para sa tao.

Nagligtas na Kordero
nang makasundo tayo
ng Amang Lumikha nitong mundo.

Buhay at kamatayan
kapwa nagtunggalian
at ang nagtagumpay
“Pagkabuhay.”

Ano ba Maria,
ang ‘yong mga nakita?

Puntod ni Kristong nabuhay,
liwanag niya’t kaningningan.

Anghel na malinaw,
kumot at kasuotan.

Buhay si Kristong pag-asa
pupunta s’ya sa Galilea.

Kami’y sumasampalatayang
buhay kang talaga,
Hari ng ligaya,
magbasbas ka.

ALELUYA
1 Corinto 5, 7b-8a

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo’y inihain na
pamaskong maamong tupa.
Magsalo tayo sa kanya!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 20, 1-9

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Madilim-dilim pa nang araw ng Linggo, naparoon na si Maria Magdalena sa libingan. Naratnan niyang naalis na ang batong panakip sa pinto ng libingan. Dahil dito, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na mahal ni Hesus, at sinabi sa kanila, “Kinuha sa libingan ang Panginoon at hindi namin alam kung saan dinala!” Kaya’t si Pedro at ang nasabing alagad ay nagpunta sa libingan. Kapwa sila tumakbo ngunit si Pedro’y naunahan ng kasamang alagad. Yumuko ito at sumilip sa loob. Nakita niyang nakalagay ang mga kayong lino, ngunit hindi siya pumasok. Kasunod niyang dumating si Simon Pedro at tuloy-tuloy itong pumasok sa libingan. Nakita niya ang mga kayong lino, at ang panyong ibinalot sa ulo. Hindi ito kasama ng mga kayong lino, kundi hiwalay na nakatiklop sa isang tabi. Pumasok din ang alagad na naunang dumating; nakita niya ito at siya’y naniwala. Hindi pa nila nauunawaan ang nasasaad sa Kasulatan, na kailangang muling mabuhay si Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya:
Lucas 24, 13-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang Linggo ding iyon, ang dalawa sa mga alagad ay patungo sa isang nayong tinatawag na Emaus, may labing-isang kilometro ang layo sa Jerusalem. Pinag-uusapan nila ang mga pangyayari. Samantalang nag-uusap sila at nagtatanungan, lumapit si Hesus at nakisabay sa kanila. Siya’y nakita nila, ngunit hindi nakilala agad. Tinanong sila ni Hesus, “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo?” At tumigil silang nalulumbay. Sinabi ng isa na ang ngala’y Cleopas, “Kayo lamang po yata ang dayuhan sa Jerusalem na hindi nakaaalam sa mga bagay na katatapos pa lamang nangyari roon.” “Anong mga bagay?” tanong niya. At sumagot sila, “Tungkol kay Hesus na taga-Nazaret, isang propetang makapangyarihan sa gawa at salita, maging sa harapan ng Diyos at ng mga tao. Isinakdal siya ng aming mga punong saserdote at mga pinuno upang mahatulang mamatay, at siya ay ipinako sa krus. Siya pa naman ang inaasahan naming magpapalaya sa Israel. Hindi lamang iyan. Ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ito; nabigla kami sa ibinalita ng ilan sa mga babaing kasamahan namin. Maagang-maaga raw silang nagpunta sa libingan, at di nila natagpuan ang kanyang bangkay. Nagbalik sila at ang sabi’y nakakita raw sila ng isang pangitain – mga anghel na nagsabing buhay si Hesus. Pumunta rin sa libingan ang ilan sa mga kasama namin at gayun nga ang natagpuan nila, ngunit hindi nila nakita si Hesus.”

Sinabi sa kanila ni Hesus, “Kay hahangal ninyo! Ano’t hindi ninyo mapaniwalaan ang lahat ng sinabi ng mga propeta? Hindi ba’t ang Mesiyas ay kailangang magbata ng lahat ng ito bago niya kamtan ang kanyang marangal na katayuan?” At ipinaliwanag sa kanila ni Hesus ang lahat ng nasasaad sa Kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa sinulat ng mga propeta.

Malapit na sila sa nayong kanilang patutunguhan, at si Hesus ay waring magpapatuloy pa ng lakad. Ngunit siya’y pinakapigil-pigil nila. “Tumuloy na po kayo rito sa amin,” anila, “sapagkat palubog na ang araw at dumidilim na.” Kaya’t sumama nga siya sa kanila. Nang siya’y kasalo na nila sa hapag, dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos, saka pinaghati-hati at ibinigay sa kanila. Nabuksan ang kanilang paningin at nakilala nila si Hesus, subalit ito’y biglang nawala. At nawika nila, “Kaya pala gayun ang pakiramdam natin habang tayo’y kinakausap sa daan at ipinapaliwanag sa atin ang mga Kasulatan!”

Noon di’y tumindig sila at nagbalik sa Jerusalem. Naratnan nilang nagkakatipon ang Labing-isa at ang ibang mga kasama nila na nag-uusap-usap, “Muli ngang nabuhay ang Panginoon! Napakita kay Simon!” At isinalaysay naman ng dalawa ang nangyari sa daan, at kung paano nila siyang nakilala nang paghati-hatiin niya ang tinapay.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Pinupuspos tayo ng galak at pag-asa ng mensahe ng Pasko ng Pagkabuhay. Nadarama natin ang tapat na hangaring magpanibagong buhay na may katapatan, kalinisan, pagtatalaga at pag-ibig. Hingin natin sa Panginoon na ang lahat ng ito’y magkaroon ng katuparan habang idinadalangin natin:

Panginoon, dinggin Mo kami!

Upang ang sambayanan ng mga mananampalataya ay magbigay saksi sa muling pagkabuhay ni Kristo sa pamamagitan ng kanilang patuloy na pagbabagong-loob, manalangin tayo!

Upang ang Santo Papa, ating Obispo, at lahat ng ating mga pinunong espirituwal ay magtamo ng kasiyahan at kapayapaang buhat sa muling pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo!

Upang ang mga nasa madilim na libingan ng kasalanan ay makatagpo sa Muling Pagkabuhay ng lakas upang mamuhay nang tapat sa Ebanghelyo, manalangin tayo!

Upang ang mga nasisiraan ng loob sa di-masupil na karahasan, paniniil at paghihirap ay makatagpo sa Muling Pagkabuhay ng kinakailangang lakas ng loob upang magpatuloy sa pagtatatag ng isang matinong lipunan, manalangin tayo!

Upang tayong lahat ay makatanggap ng pagpapala ng Muling Pagkabuhay – isang malalim na pagpapanibago sa ating pagpapahalagang moral, panlipunan, pangkabuhayan at pulitikal na mga institusyon, manalangin tayo!

Ipanalangin natin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumahimik sandali.)
Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, ang kaningningan nawa ng Muling Pagkabuhay ni Kristo ang tumanglaw lagi sa aming mga buhay. At ang aming mga kaisipan, salita at gawain nawa ang magpatotoo sa bagong buhay na ipinagkaloob Mo sa amin. Isinasamo namin ito sa ngalan ni Hesukristong aming Panginoon.

Amen!

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 20,238 total reads

Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka ng 96-pesos sa isang araw o katumbas ng 14,634 pesos sa isang buwan. Ito ang poverty threshold ng gobyerno para sa family of five na matugunan ang pangangailangan sa pagkain, non-food requirements tulad ng bayarin sa bahay, transportasyon,edukasyon, tubig, kuryente at healthcare. Pinagluluko ba tayo ng gobyerno ni PBBM?

Paano ka mabubuhay sa 96-pesos sa loob ng isang araw? Sa pamasahe pa lang, kulang na ang nasabing halaga, paano ang pagkain mo? Magtitiis ka na lang sa “langhap sarap” kasabay ng buntong-hininga. Ang mahirap sa magagaling at matatalinong Department of Planning and Economy  Development, dukha ka na nga, gagawin pa tayong bobo o hindi man lang marunong magbilang at magkuwenta?

Kahit anong gawin mong aritmitik sa 96-pesos na kita sa loob ng isang araw, hindi ka mabubuhay! Paano nasasabi ng DepEV daily cost of living ang 96-pesos? Ano ang kanilang naging batayan?

Ang reyalidad Kapanalig, maging sa isang street dweller ay hindi magkakasya ang nobenta y sais pesos. Kung 96-pesos ang poverty threshold ng administrasyong Marcos, wala nang mahihirap na mga Pilipino.

Tinagurian ng IBON Foundation ang poverty threshold ng pamahalaan na “problematic, outdated at unrealistic o hindi makatotohanan. Ang problema ng administrasyong Marcos, binabalewala nito ang laganap na kahirapan o karukhaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga “band-aid solutions” sa halip na resolbahin ang ugat ng kahirapan tulad ng sistimatikong korapsyon sa pera ng taumbayan.

Ang nakakalungkot at nakaka-highblood, tinagurian tayong “mayayabang” ng mismong gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas kaya walang naiipon at naghihirap sa buhay.

Walang karapatan si BSP Gov.Eli Remolona Jr., na tawagin tayong mga Pilipino na mayayabang! Bakit?

Napakalaki ng pinapasahod natin sa walang modong gobernador ng B-S-P. Kapanalig, batay sa Commission on Audit report sa salaries and allowances o (ROSA) ng mga opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa taong 2025, sila ang may pinakamalaking sahod sa lahat ng kawani ng pamahalaan.

Bakit sila pinagpala? Sa report ng COA, si BSP GOV. Eli Remolona Jr. ay tumatanggap ng nakakalulang  ₱52.756 milyong-pisong total compensation kabilang na ang basic salary, bonuses, incentives, at allowances. Napakalakas pa ng loob ng opisyal na ito para tapak-tapakan tayong mga nagpapasahod sa kanya. Ang dalawang Senior Assistant Governor ng BSP na sina Johnny Noe Ravalo at Edna Villa, ₱30.588 million at ₱30.520 million ang kinikita kada taon.

Tumatanggap naman ang Monetary Board Members ng B-S-P na kinabibilangan ni budget secretary Benjamin Diokno at Romeo Bernardo, Rosalia De Leon, Jose Querubin, at Walter Wassmer tumataginting na ₱29.852 million hanggang ₱30.199 million; ang Deputy Assistants at senior assistant governors na sina Chuchi Fonacier, Mamerto Tangonan, Bernadette Romulo Puyat, Zeno Ronald Abenoja, Arifa Ala, at Lyn Javier ay tumatanggap ng ₱28.82 million kada taon. Akalain mo, yung 96-pesos na poverty threshold ng administrasyong Marcos ay negative percent sa kinikita ng mga opisyal na ito? Ano ba ang espesyal nilang trabaho, bakit natin sila pinapasahuran ng napakalaki?

Kapanalig, basura man ang turing sa atin ng kapwa, tayo ay biyaya para sa Diyos tulad ng sinasabi ng  Luke 6:20 – “And he lifted up his eyes on his disciples, and said, Blessed be ye poor: for yours is the kingdom of God.” Sinasabi din ng James 2:5 – “Hearken, my beloved brethren, Hath not God chosen the poor of this world rich in faith, and heirs of the kingdom which he hath promised to them that love him?”

Sumainyo ang Katotohanan.

PAGLALAKBAY SA DAAN NG KAPAYAPAAN

 3,944 total reads

Ang kapayapaan ay hindi kawalan ng problema, kundi ang kakayahang manatiling panatag sa kabila ng mga unos ng buhay. Nagsisimula ito sa pagtanggap, pagpapatawad, at pagtitiwala sa Diyos sa mga bagay na hindi natin kayang baguhin. Sapagkat hindi man laging tahimik ang ating paligid, maaari pa ring magkaroon ng katahimikan ang ating puso kapag ipinauubaya natin sa Kanya ang ating mga pangamba. At sa kapayapaang ating natatagpuan, nawa’y maging daan din tayo upang mapanatag ang puso ng iba.

OUTSMARTED

 5,480 total reads

Gospel Reading for November 06, 2026 – Luke 16: 1-8

OUTSMARTED

Jesus said to his disciples, “A rich man had a steward who was reported to him for squandering his property. He summoned him and said, ‘What is this I hear about you?Prepare a full account of your stewardship, because you can no longer be my steward.’ The steward said to himself, ‘What shall I do, now that my master is taking the position of steward away from me? I am not strong enough to dig and I am ashamed to beg. I know what I shall do so that, when I am removed from the stewardship, they may welcome me into their homes.’ He called in his master’s debtors one by one. To the first he said, ‘How much do you owe my master?’ He replied, ‘One hundred measures of olive oil.’ He said to him, ‘Here is your promissory note. Sit down and quickly write one for fifty.’ Then to another he said, ‘And you, how much do you owe?’ He replied, ‘One hundred measures of wheat.’ He said to him, ‘Here is your promissory note; write one for eighty.’ And the master commended that dishonest steward for acting prudently. For the children of this world are more prudent in dealing with their own generation than the children of light.”

————

Satan is as sly as sly can be. He teaches those who allow him to influence them the wily ways that can often outsmart even those who are good.

Although Jesus teaches us to forgive those who wrong us, he never taught us that the wrong they do should be tolerated. Otherwise, he would not have used such strong words against the scribes, Pharisees, and chief priests. Neither would he have driven out the merchants and money changers from the Temple.

Let us also not make the mistake of thinking that because the master in the parable commended the dishonest steward, Jesus was commending his dishonesty, too. Rather, Jesus was pointing out the steward’s shrewdness and resourcefulness. He was teaching us that Christians, who are children of the light, should be just as wise and resourceful in pursuing what is good and in building God’s Kingdom. We should never allow ourselves to be OUTSMARTED by the evil one.

“Be alert and of sober mind. Your enemy the devil prowls around like a roaring lion looking for someone to devour.” (1 Peter 5:8)

Sometimes, even the children of light who are supposed to expose evil become deceived because they grow complacent, thinking that being children of God makes them safe from the influence of the evil one. This is precisely why we must remain vigilant. No one is beyond temptation, even Jesus, the Son of God that he is, was tempted by Satan in the desert. No one should ever consider him/herself immune to sin. The moment we believe we are no longer vulnerable to evil may be the moment we become most vulnerable to it.

So, when the evil one tries to influence our minds by making us believe that doing things contrary to the teachings of Jesus is justifiable, we must remain alert and clear-minded. The devil will never lead us toward what is good because his purpose is to lead us away from God and destroy what God has created.

Lord Jesus, may your Spirit always grant us the wisdom and strength to make the right decisions in our daily lives. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 20,239 total reads

 20,239 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 92,149 total reads

 92,149 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 178,650 total reads

 178,650 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 221,684 total reads

 221,684 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 270,446 total reads

 270,446 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 11,010 total reads

 11,010 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 13,532 total reads

 13,532 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 15,617 total reads

 15,617 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 14,136 total reads

 14,136 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 15,235 total reads

 15,235 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top