Linggo, Mayo 18, 2025

SHARE THE TRUTH

 2,767 total views

Ika-5 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K)

Mga Gawa 14, 21b-27
Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab

Diyos ko at aking Hari,
pupurihin kitang lagi.

Pahayag 21, 1-5a
Juan 13, 31-33a. 34-35

Fifth Sunday of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 14, 21b-27

Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Noong mga araw na iyon: Nagbalik sina Pablo at Bernabe sa Listra, sa Iconio, at sa Antioquia ng Pisidia. Pinatatag nila ang kalooban ng mga alagad at pinagpayuhan na manatiling tapat sa pananampalataya. “Magdaranas muna tayo ng maraming kapighatian bago makapasok sa kaharian ng Diyos,” turo nila sa kanila. Sa bawat Simbahan, humirang sila ng matatandang mamamahala, at matapos manalangin at mag-ayuno, ang mga ito’y itinagubilin nila sa Panginoon na kanilang pinananaligan.

Tinahak nila ang Pisidia, at nakarating ng Panfilia. Ipinangaral nila sa Perga ang salita ng Diyos, at pagkatapos ay bumaba sila sa Atalia. Mula roon, naglayag silang pabalik sa Antiquia. Dito sila nagsimula ng gawaing ginanap nila matapos silang itagubilin sa pagkakalinga ng Diyos.

Pagdating doon, tinipon nila ang mga kaanib ng Simbahan at isinalaysay ang lahat ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila, at kung paanong binuksan niya ang daan upang makapanampalataya ang mga Hentil.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab

Diyos ko at aking Hari,
pupurihin kitang lagi.

o kaya: Aleluya!

Ang Panginoong D’yos ay puspos ng pag-ibig at lipos ng habag,
banayad magalit, ang pag-ibig niya’y hindi kumukupas.
Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi;
sa kanyang nilikha, ang pagtingi niya ay mamamalagi.

Diyos ko at aking Hari,
pupurihin kitang lagi.

Magpupuring lahat sa iyo, o Panginoon, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihan ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
at ibabalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.

Diyos ko at aking Hari,
pupurihin kitang lagi.

Dakila mong gawa’y upang matalastas ng lahat ng tao,
mababatid nila ang kadakilaan ng paghahari mo.
Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan, hindi magbabago.

Diyos ko at aking Hari,
pupurihin kitang lagi.

IKALAWANG PAGBASA
Pahayag 21, 1-5a

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Akong si Juan ay nakakita ng isang bagong langit at isang bagong lupa. Wala na ang dating langit at lupa; wala na rin ang dagat. At nakita ko ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem, bumababang galing sa langit buhat sa Diyos, gaya ng babaing ikakasal, gayak na gayak sa pagsalubong sa lalaking mapapangasawa niya. Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, “Ngayon, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Mananahan siyang kasama nila, at sila’y magiging bayan niya. Makakapiling nila nang palagian ang Diyos at siya ang magiging Diyos nila. At papahirin niya ang kanilang mga luha. Wala nang kamatayan, dalamhati, pag-iyak, at sakit sapagkat lumipas na ang dating mga bagay.” Pagkatapos ay sinabi ng nakaupo sa trono, “Ngayon, binabago ko ang lahat ng bagay!”

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 13, 34

Aleluya! Aleluya!
Bagong utos, ni Kristo,
mag-ibigan sana kayo
katulad ng pag-ibig ko.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 13, 31-33a. 34-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Pagkaalis ni Judas mula sa Huling Hapunan, sinabi ni Hesus, “Ngayo’y mahahayag na ang karangalan ng Anak ng Tao; at mahahayag din ang karangalan ng Diyos sa pamamagitan niya. At kung mahayag na ang karangalan ng Diyos, ang Diyos naman ang maghahayag ng karangalan ng Anak, at gagawin niya ito agad. Mga anak, kaunting panahon na lamang ninyo akong makakasama. Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo! Kung paanong inibig ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan kayo. Kung kayo’y mag-ibigan, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Ang tapat at isinasabuhay na pag-ibig sa kapwa ang siyang marapat maging tatak ng ating mga pamayanan at ng bawat isa sa atin. Sapagkat ito’y hindi madaling gawin, buong tiwala nating hilingin ang tulong ng Panginoon. Manalangin tayo:

Panginoon, turuan mo kaming magmahal!

Nawa patuloy na itaguyod ng Simbahan ang pagmamahal ni Kristo sa lahat ng mga pagpa- pahalaga. Manalangin tayo!

Nawa mabigyang-inspirasyon tayo ng Santo Papa at ng lahat ng pinuno ng Simbahan na isang buhay na naaayon kay Kristo. Manalangin tayo!

Nawa ang ating mga pamayanang Kristiyano ay maaaring umangat sa mga nangingibabaw na saloobin ng kawalang-interes, pagkamakasarili, at paghihiganti. Manalangin tayo!

Nawa mapatawad natin ang mga nagkasala sa atin at huwag magtanim ng sama ng loob at paghihiganti. Manalangin tayo!

Nawa’y hindi tayo magkulang sa pagpapakita ng mapagmahal na pagmamalasakit sa ating kapwa, lalo na sa mga maysakit, mahihirap, at mga nasa laylayan ng lipunan. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat: upang sa pamamagitan ng paggawa, ang bawa’t isa ay makapag kamit ng tunay na tagumpay, at bawa’t pamilya ay maitaguyod sa dangal
at ang lipunan ay lumago sa diwa ng tunay na pagkatao ayon sa kalooban ng Diyos. Manalangin tayo!

Panginoong Hesukristo, gawin mo kaming maawain, bukas-palad, at mapagpatawad, at sa gayo’y tumulad sa iyong isinilang, nabuhay, at namatay dahil sa pag-ibig sa amin, at ngayon ay patuloy na nagmamahal at nagmamalasakit magpakailanman. Amen!

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 67,094 total views

 67,094 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 110,702 total views

 110,702 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 193,605 total views

 193,605 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 205,656 total views

 205,656 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Mayo 15, 2026

 3,386 total views

 3,386 total views Paggunita kay San Isidro, magsasaka Mga Gawa 18, 9-18 Salmo 46, 2-3. 4-5. 6-7 Hari ng sangkalupaan D’yos na Makapangyarihan. Juan 16, 20-23a

Read More »

Huwebes, Mayo 14, 2026

 4,567 total views

 4,567 total views Kapistahan ni Apostol San Matias Mga Gawa 1, 15-17. 20-26 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8 Hinirang ng D’yos ay dinangal sa piling

Read More »

Miyerkules, Mayo 13, 2026

 6,836 total views

 6,836 total views Miyerkules sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1 Salmo 148, 1-2. 11-12ab. 12k-14a. 14bkd

Read More »

Martes, Mayo 12, 2026

 5,972 total views

 5,972 total views Martes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kina San Nereo at San Achiles, mga martir o kaya Paggunita kay San

Read More »

Lunes, Mayo 11, 2026

 5,984 total views

 5,984 total views Lunes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 11-15 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5-6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top