Lunes, Mayo 19, 2025

SHARE THE TRUTH

 2,553 total views

Lunes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 14, 5-18
Salmo 113 B, 1-2. 3-4. 15-16

Dapat nating papurihan
ang pangalan ng Maykapal.

Juan 14, 21-26

Monday of the Fifth Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 14, 5-18

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, kumilos agad ang mga Hentil at ang mga Judio, kasama ng kanilang mga pinuno, laban sa mga apostol; binalak nilang lapastanganin at batuhin sila. Subalit nang malaman ito ng mga apostol sila’y tumakas patungo sa Listra at Derbe, mga lungsod ng Licaonia, at sa lupaing nasa palibot. At doon nila ipinangaral ang Mabuting Balita.

Sa Listra, may isang lalaking di makalakad, sapagkat siya’y lumpo mula sa pagkabata. Nakaupo siya’t nakikinig sa pangangaral ni Pablo. Nang makita ni Pablo na ang lumpo’y may pananampalataya upang mapagaling, tinitigan niya ito, at malakas na sinabi, “Tumayo ka nang tuwid!” At lumukso ang lalaki at nagpalakad-lakad. Nang makita ng taong-bayan ang ginawa ni Pablo, sumigaw sila sa wikang Licaonia, “Nanaog sa atin ang mga diyos sa anyong tao!” Tinawag nilang Zeus si Bernabe, at Hermes naman si Pablo, sapagkat siya ang tagapagsalita. Nasa pagpasok ng lungsod ang templo ni Zeus. Nang marinig ng saserdote nito ang nangyari, nagdala siya sa pintong lungsod ng mga torong may kuwintas na bulaklak upang ihandog niya at ng taong bayan sa mga apostol. Nang malaman ito nina Bernabe at Pablo, hinapak nila ang kanilang mga damit at patakbong pumagitna sa mga tao. Sumigaw sila, “Mga ginoo, huwag ninyong gawin iyan. Mga tao rin kaming tulad ninyo! Ipinangaral namin sa inyo ang Mabuting Balita upang talikdan ninyo ang mga bagay na ito na walang kabuluhan, at manumbalik kayo sa tunay na Diyos na siyang gumawa ng langit, ng lupa, at ng lahat ng naroroon. Nang nakalipas na mga panahon, hinayaan niyang sundin ng lahat ng bansa ang kani-kanilang kagustuhan. Gayunma’y nagbigay siya ng sapat na katibayan upang makilala ninyo siya sa pamamagitan ng kabutihang ginagawa niya sa inyo: binibigyan niya kayo ng ulan mula sa langit at ng masaganang ani sa takdang panahon. Binubusog niya kayo ng pagkain at pinuspos ng kagalakan ang inyong mga puso.” Sa kabila ng mga pananalitang ito, nahirapan pa rin sila ng pagpigil sa mga tao sa paghahandog sa kanila.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 113 B, 1-2. 3-4. 15-16

Dapat nating papurihan
ang pangalan ng Maykapal.

o kaya: Aleluya.

Tanging sa ‘yo lamang, Poon, ang dakilang karangalan,
hindi namin maaangkin, pagkat ito’y iyo lamang;
dahilan sa ika’y tapat at wagas ang pagmamahal.
Ganito ang laging tanong sa amin ng mga bansa:
“Nasaan ba ang inyong Diyos?” ang palaging winiwika.

Dapat nating papurihan
ang pangalan ng Maykapal.

Ang Diyos nami’y nasa langit, naroon ang Diyos namin,
at ang kanyang ginagawa ay kung ano ang ibigin.
Ginawa sa ginto’t pilak ang kanilang mga diyos,
sa kanila’y mga kamay nitong tao ang nag-ayos.

Dapat nating papurihan
ang pangalan ng Maykapal.

Pagpalain sana kayo, pagpalain kayong lubos,
pagpalain ng lumikha ng langit at sansinukob.
Panginoon ang may-ari ng buong sangkalangitan,
samantalang ang daigdig ay sa tao ibinigay.

Dapat nating papurihan
ang pangalan ng Maykapal.

ALELUYA
Juan 14, 26

Aleluya! Aleluya!
Espiritu’y magtuturo
ng aral at pagkukuro
ni Hesus na ating Guro.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 14, 21-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya, at ako’y lubusang magpapakilala sa kanya.” Tinanong siya ni Judas, hindi ang Iscariote, “Panginoon,” bakit po sa amin lamang kayo magpapakilala nang lubusan at hindi sa sanlibutan?” Sumagot si Hesus, “Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kami’y sasakanya at mananahan sa kanya. Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad sa aking mga Salita. Hindi akin ang salitang narinig ninyo, kundi sa Amang nagsugo sa akin.

“Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito samantalang kasama pa ninyo ako. Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalaala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Lunes

Buong pagtitiwalang itaas natin ang ating mga puso sa Diyos Ama na gumagabay sa atin sa pamamagitan ng kanyang Salita.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, panatilihin Mo kami sa iyong pag-ibig.

Ang Simbahan nawa’y isabuhay ang diwa ng Ebanghelyo at isagawa ang kalooban ng Diyos sa kanyang paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y magsikap na itaguyod ang katarungan at karangalan ng tao lalo na ng mga mahihina at mahihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang isang pamayanan, nawa’y itaguyod at tulungan natin ang bawat isa sa pamamagitan ng pag-ibig at kabutihang ipinakita sa atin ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may karamdaman sa kanilang katawan, pag-iisip, at kaluluwa nawa’y makatagpo ng ganap na paggaling, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y makapasok sa lugar na inihanda ni Kristo para sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Amang makapangyarihan, dinggin mo ang aming mga panalangin at buksan ang aming mga puso upang tanggapin at ibigin ang aming mga kapatid na nangangailangan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 13,437 total views

 13,437 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 28,081 total views

 28,081 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 42,383 total views

 42,383 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 59,085 total views

 59,085 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 104,909 total views

 104,909 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Watch Live

RELATED READINGS

Linggo, Hunyo 22, 2025

 21 total views

 21 total views Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon (K) Genesis 14, 18-20 Salmo 109, 1. 2. 3. 4 Ika’y paring walang hanggan

Read More »

Sabado, Hunyo 21, 2025

 1,623 total views

 1,623 total views Paggunita kay San Luis Gonzaga, namanata sa Diyos 2 Corinto 12, 1-10 Salmo 33, 8-9. 10-11. 12-13 Magsumikap tayong kamtin ang Panginoong butihin.

Read More »

Biyernes, Hunyo 20, 2025

 2,543 total views

 2,543 total views Biyernes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) 2 Corinto 11, 18. 21b-30 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7 Mat’wid ay tinutulungan sa lahat

Read More »

Huwebes, Hunyo 19, 2025

 4,855 total views

 4,855 total views Huwebes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Romualdo, abad 2 Corinto 11, 1-11 Salmo 110, 1-2. 3-4. 7-8

Read More »

Miyerkules, Hunyo 18, 2025

 2,148 total views

 2,148 total views Miyerkules ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) 2 Corinto 9, 6-11 Salmo 111, 1-2. 3-4. 9 Mapalad s’ya na may takot sa

Read More »

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 16,424 total views

 16,424 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Scroll to Top