Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LINGGO, OKTUBRE 23, 2022

SHARE THE TRUTH

 286 total views

Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Sirak 35, 15b-17. 20-22a
Salmo 33, 2-3. 17-18. 19 at 23

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

2 Timoteo 4, 6-8. 16-18
Lucas 18, 9-14



Thirtieth Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Sirak 35, 15b-17. 20-22a

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Ang Panginoon ay Diyos ng katarungan,
wala siyang itinatanging sinuman.
Hindi siya kumikiling kaninuman laban sa mahirap,
sa halip, agad niyang dinirinig ang naaapi.
Lagi niyang dinirinig ang daing ng ulila,
at ang pagsusumamo ng balong nagsasaysay ng nangyari sa kanya.
Kinalulugdan ng Diyos ang naglilingkod sa kanya nang buong puso,
ang panalangin nito’y agad nakaaabot sa langit.
Ang dalangin ng mapagpakumbaba ay lumalampas sa mga ulap at hindi tumitigil hanggang di dumarating sa kinauukulan,
hindi humihinto hanggang di pinapansin ng Kataas-taasan,
at iginagawad ang katarungan sa nasa Katuwiran.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 2-3. 17-18. 19 at 23

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Panginoo’y aking laging pupurihin
sa pasasalamat di ako titigil.
Aking pupurihin kanyang mga gawa
kayong naaapi, makinig, matuwa!

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Nililipol niya yaong masasama
hanggang sa mapawi sa isip ng madla.
Agad dinirinig daing ng matuwid
inililigtas sila sa mga panganib.

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Tumutulong siya sa nasisiphayo
ang walang pag-asa’y hindi binibigo
Mga lingkod niya’y kanyang ililigtas,
sa napakukupkop, siyang lumilingap.

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

IKALAWANG PAGBASA
2 Timoteo 4, 6-8. 16-18

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal ko, ako’y iaalay na; dumating na ang oras ng pagpanaw ko sa buhay na ito: puspusan akong lumaban sa paligsahan. Natapos ko na ang dapat kong takbuhin. Nanatili akong tapat sa pananampalataya. Kakamtan ko na ang korona ng pagtatagumpay. At sa Araw na yaon, ang Panginoon na siyang makatarungang hukom, ang magpuputong sa akin ng korona, hindi lamang sa akin, kundi sa lahat ng nananabik sa muli niyang pagparito.

Walang sumama sa akin nang una akong humarap sa hukuman. Pinabayaan nila akong mag-isa. Patawarin nawa sila ng Diyos. Ngunit pinatnubayan ako ng Panginoon at binigyan ng lakas upang maipahayag sa mga Hentil ang salita; naligtas ako sa tiyak na kapahamakan. Ang Panginoon ang magliligtas sa akin sa lahat ng kasamaan at siya rin ang maghahatid sa akin sa kanyang kaharian sa langit. Purihin nawa siya magpakailanman. Amen.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
2 Corinto 5, 19

Aleluya! Aleluya!
Pinagkasundo ni Kristo
ang Diyos at mga tao;
kaya’t napatawad tayo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 18, 9-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus ang talinghagang ito sa mga taong ang tingin sa sarili’y matuwid at humahamak naman sa iba. “May dalawang lalaking pumanhik sa templo upang manalangin: ang isa’y Pariseo at ang isa nama’y publikano. Tumindig ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito: ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo pagkat hindi ako katulad ng iba – mga magnanakaw, mga magdaraya, mga mangangalunya – o kaya’y katulad ng publikanong ito. Makalawa akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinikita.’ Samantala, ang publikano’y nakatayo sa malayo, hindi man lamang maktingin sa langit, kundi dinadagukan ang kanyang dibdib, at sinasabi: ‘O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!’ Sinasabi ko sa inyo: ang lalaking ito’y umuwing kinalulugdan ng Diyos, ngunit hindi ang isa. Sapagkat ang sinumang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



PANALANGIN NG BAYAN
Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Di man tayo karapat-dapat ngunit pinasisigla ng pagtanggap ng Panginoon sa kolektor ng buwis, pakumbaba nating idulog sa Kanya ang mga kahilingan ng sangkatauhan, lalo na ng mga misyonero. Manalangin tayo:

Masuyong Ama, kaawaan Mo kami!

Para sa Santo Papa, mga Obispo, pari, at relihiyoso: Makita nawa nila ang patuloy na pangangailangan ng Simbahang magpatotoo kay Kristong mahabagin, na nang dahil sa kanyang habag at pagpapatawad, ibinalik tayo sa Ama. Manalangin tayo!

Para sa mga pinuno ng mga bansa: Tugunan nawa nila nang buong dunong at kababaang-loob ang krisis na bunga ng pagiging makasarili, at makilala nawa nila ang kanilang mga sariling pagkukulang at kapabayaan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng mga misyonerong pari, mga relihiyoso, at boluntaryong layko sa mga misyon: Nawa, maging matatag silang tagapaghatid ng Ebanghelyo at magpatotoo rito sa kanilang pamumuhay nang ayon sa mga pagpapahalagang kanilang ipinahahayag. Manalangin tayo!

Para sa mga bagong bokasyong pangmisyon: Nawa, bukas-loob na tugunin ng kabataan ngayon ang panawagan ni Kristong magpahayag ng kanilang pananampalatayang Katoliko sa lahat ng tao. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat na natitipon dito: Makita nawa natin ang ating mga sarili bilang mga taong tuwinang nangangailangan ng pagbabago. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumahimik sandali.)
Manalangin tayo!

Panginoon, malaking di-hamak ang Iyong pag-ibig sa amin kaysa aming pagkakasala. Ipagkaloob Mo nawa sa amin ang kababaang-loob na makilala ang aming mga pagkukulang at pangangailangan sa Iyong awa’t pagpapatawad. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 4,353 total views

 4,353 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 20,939 total views

 20,939 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 22,309 total views

 22,309 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 30,002 total views

 30,002 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 35,506 total views

 35,506 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Watch Live

Related Post

Lunes, Abril 28, 2025

 470 total views

 470 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pedro Chanel, pari at martir o kaya Paggunita kay San Luis Maria

Read More »

Linggo, Abril 27, 2025

 880 total views

 880 total views Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K) Mga Gawa 5, 12-16 Salmo 117, 2-4. 22-24. 25-27a Butihing Poo’y purihin pag-ibig n’ya’y walang

Read More »

Sabado, Abril 26, 2025

 1,172 total views

 1,172 total views Sabado sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 13-21 Salmo 117, 1 at 14-15. 16ab-18. 19-21 Pinupuri

Read More »

Biyernes, Abril 25, 2025

 1,492 total views

 1,492 total views Biyernes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 1-12 Salmo 117, 1-2 at 4. 22-24. 25-27a Batong

Read More »

Huwebes, Abril 24, 2025

 1,927 total views

 1,927 total views Huwebes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 11-26 Salmo 8, 2a at 5. 6-7. 8-9 Maningning

Read More »

Miyerkules, Abril 23, 2025

 2,444 total views

 2,444 total views Miyerkules sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 1-10 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 D’yos ay

Read More »

Martes, Abril 22, 2025

 2,689 total views

 2,689 total views Martes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 36-41 Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22 Awa’t

Read More »

Lunes, Abril 21, 2025

 3,013 total views

 3,013 total views Lunes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 14. 22-33 Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10.

Read More »

Sabado, Abril 19, 2025

 3,822 total views

 3,822 total views Ang Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay Genesis 1, 1-2, 2 o kaya Genesis 1, 1. 26-31a Salmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at

Read More »

Biyernes, Abril 18, 2025

 4,011 total views

 4,011 total views Biyernes Santo sa Pagpapakasakit ng Panginoon Isaias 52, 13-53, 12 Salmo 30, 2 at 6. 12-13. 15-16. 17 at 25 Ama, sa mga

Read More »

Huwebes, Abril 17, 2025

 3,870 total views

 3,870 total views Huwebes Santo sa Paghahapunan ng Panginoon Exodo 12, 1-8. 11-14 Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18 Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap.

Read More »

Miyerkules, Abril 16, 2025

 4,085 total views

 4,085 total views Miyerkules Santo Isaias 50, 4-9a Salmo 68, 8-10. 21bkd-22. 31 at 33-34 Poon, ako’y iyong dinggin sa panahong ‘yong ibigin. Mateo 26, 14-25

Read More »

Martes, Abril 15, 2025

 4,471 total views

 4,471 total views Martes Santo Isaias 49, 1-6 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan. Juan 13, 21-33.

Read More »

Lunes, Abril 14, 2025

 4,502 total views

 4,502 total views Lunes Santo Isaias 42, 1-7 Salmo 26, 1. 2. 3. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Juan 12, 1-11 Monday of Holy

Read More »

Linggo, Abril 13, 2025

 4,727 total views

 4,727 total views Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ng Panginoon (K) Lucas 19, 28-40 Isaias 50, 4-7 Salmo 21, 8-9. 17-18a. 19-20. 23-24 D’yos ko! D’yos

Read More »
Scroll to Top