Lunes, Abril 28, 2025

SHARE THE TRUTH

 6,203 total reads

Lunes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

o kaya Paggunita kay San Pedro Chanel, pari at martir
o kaya Paggunita kay San Luis Maria ng Montfort

Mga Gawa 4, 23-31
Salmo 2, 1-3. 4-6. 7-9

Mapalad ang may tiwala
sa Panginoong Dakila.

Juan 3, 1-8

Monday of the Second Week of Easter (White)

or Optional Memorial of St. Peter Chanel, Priest and Martyr (Red)
or Optional Memorial of St. Louis Mary de Montfort, Priest (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 4, 23-31

Pagbasa mula sa aklat ng Mga Gawa ng Apostol

Noong mga araw na iyon, nang mapalaya na sina Pedro at Juan, sila’y nagpunta sa mga kasamahan nila at ibinalita ang sinabi ng mga punong saserdote at ng matatanda ng bayan. Nang marinig ito, sama-sama silang nanalangin sa Diyos. Sinabi nila, “Kayo po ang lumikha ng langit, ng lupa, ng dagat at ng lahat ng nasa mga ito! Kayo po ang nagsalita sa pamamagitan ng aming nunong si David na inyong lingkod nang sabihin niya, sa patnubay ng Espiritu Santo:

‘Bakit galit na galit ang mga Hentil,
at ang mga tao’y nagbabalak nang walang kabuluhan?
Nahahandang lumaban ang mga hari sa lupa,
at nagtitipon ang mga pinuno
laban sa Panginoon at sa kanyang Hinirang.’

“Nagkatipon sa lungsod na ito sina Herodes at Poncio Pilato, kasama ang mga Hentil at ang buong Israel, laban sa iyong banal na Lingkod na si Hesus, ang iyong Hinirang. Isinagawa nila ang lahat ng bagay na dapat mangyari na itinakda mo noon pa. At ngayon, Panginoon, pinagbabantaan nila kami. Tulungan mo ang iyong mga alipin na mapaingaral nang buong tapang ang iyong Salita. Iunat mo ang iyong kamay upang magpagaling, at loobin mo na sa pangalan ng iyong banal na Lingkod na si Hesus ay makagawa kami ng mga kababalaghan.” Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang pinagtitipunan nila. Silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at buong tapang na nangaral ng Salita ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 2, 1-3. 4-6. 7-9

Mapalad ang may tiwala
sa Panginoong Dakila.

o kaya: Aleluya!

Bakit nagbabalak itong mga bansa na sila’y mag-alsa?
Anong kabuluhan ng lahat ng itong binabalak nila?
Mga hari nila ay naghihimagsik at nagkakaisa,
na ang Panginoon at ang kanyang hirang ay bakahin nila.
“Pagsikapan nating tayo ay lumaya sa pagkaalipin,
at ating igupo ang pamahalaang sumakop sa atin.”

Mapalad ang may tiwala
sa Panginoong Dakila.

Sa trono ng langit, nagtawa ang Poon nang iyo’y sabihin,
at sila’y kinutya sa kanilang balak na mahirap gawin.
Sa galit ng Diyos, sila’y buong bagsik na pinangusapan,
sa tindi ng poot, yaong mga hari ay nahintakutan;
at tungkol sa akin ay kanyang sinabi:
“Sa bundok kong mahal, sa tuktok ng Sion,
aking iniluklok ang haring marangal.”

Mapalad ang may tiwala
sa Panginoong Dakila.

Ganito ang sabi ng lingkod ng Poon na hari sa Sion:
“Aking ihahayag ang ipinag-utos nitong Panginoon,
‘Ikaw ang anak kong pinakamamahal, at magmula ngayon,
Ako namang ito ang giliw mong ama sa habang panahon.
Hingin mo sa akin ang lahat ng bansa, at ibibigay ko,
anumang narito sa buong daigdig ay magiging iyo;
pamahalaan mo ng kamay na bakal ang lahat ng ito,
tulad ng palayok, durugin mo sila sa mga kamay mo.’”

Mapalad ang may tiwala
sa Panginoong Dakila.

ALELUYA
Colosas 3, 1

Aleluya! Aleluya!
Kayong kay Kristo nabuhay
ay sa langit nakalaan
upang kay Kristo pumisan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 3, 1-8

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

May isang Pariseo at pinuno ng mga Judio, na nagngangalang Nicodemo. Isang gabi, siya’y nagsadya kay Hesus. “Rabi,” sabi niya, “nalalaman po naming kayo’y isang gurong mula sa Diyos, sapagkat walang makagagawa ng mga kababalaghang ginagawa ninyong malibang sumasakanya ang Diyos.” Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: maliban na ipanganak na muli ang isang tao, hindi siya paghaharian ng Diyos.” “Paano pong maipapanganak na muli ang isang tao kung matanda na siya? Makapapasok pa ba siya sa tiyan ng kanyang ina para ipanganak uli?” tanong ni Nicodemo. “Sinasabi ko sa inyo,” ani Hesus, “maliban na ang tao’y ipanganak sa tubig at sa Espiritu, hindi siya paghaharian ng Diyos. Ang ipinanganak sa laman ay laman, at ang ipinanganak sa Espiritu ay espiritu. Huwag kayong magtaka sa sinabi ko sa inyo, ‘Lahat ay kailangang ipanganak na muli.’ Umiihip ang hangin kung saan ibig at naririnig ninyo ang ugong nito, ngunit hindi ninyo alam kung saan nanggagaling at kung saan naparoroon. Gayun din ang bawat ipinanganak sa Espiritu.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Lunes

Sa pamamagitan ng ating Binyag sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, tayo ay naging mga anak ng Diyos. Bilang mga tagapagmanang kasama ni Kristo, makalalapit tayo sa ating Ama nang may pagtitiwala.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, dinggin Mo ang Iyong mga anak.

Ang Simbahan sa lupa nawa’y mabuklod upang maging salamin ng ganap na pagkakaisa ng Santatlo, ang kaisahan ng pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga binyagang Kristiyano nawa’y lumago sa kanilang pamumuhay bilang Kristiyano, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga alipin ng takot nawa’y maging malaya bilang mga anak ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga walang pananampalataya nawa’y sikapin nating mahikayat sa pananampalataya at pagpapabinyag, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kapatid nating namayapa nawa’y muling mabuhay sa kaluwalhatian ng Banal na Santatlo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, sa aming pag-aalay ng mga pananalangin, loobin mong makaisa kami ng Espiritu na nananahan sa iyong mga anak at kay Kristo na iyong Anak na aming Tagapagligtas at Panginoon, na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 41,290 total reads

Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka ng 96-pesos sa isang araw o katumbas ng 14,634 pesos sa isang buwan. Ito ang poverty threshold ng gobyerno para sa family of five na matugunan ang pangangailangan sa pagkain, non-food requirements tulad ng bayarin sa bahay, transportasyon,edukasyon, tubig, kuryente at healthcare. Pinagluluko ba tayo ng gobyerno ni PBBM?

Paano ka mabubuhay sa 96-pesos sa loob ng isang araw? Sa pamasahe pa lang, kulang na ang nasabing halaga, paano ang pagkain mo? Magtitiis ka na lang sa “langhap sarap” kasabay ng buntong-hininga. Ang mahirap sa magagaling at matatalinong Department of Planning and Economy  Development, dukha ka na nga, gagawin pa tayong bobo o hindi man lang marunong magbilang at magkuwenta?

Kahit anong gawin mong aritmitik sa 96-pesos na kita sa loob ng isang araw, hindi ka mabubuhay! Paano nasasabi ng DepEV daily cost of living ang 96-pesos? Ano ang kanilang naging batayan?

Ang reyalidad Kapanalig, maging sa isang street dweller ay hindi magkakasya ang nobenta y sais pesos. Kung 96-pesos ang poverty threshold ng administrasyong Marcos, wala nang mahihirap na mga Pilipino.

Tinagurian ng IBON Foundation ang poverty threshold ng pamahalaan na “problematic, outdated at unrealistic o hindi makatotohanan. Ang problema ng administrasyong Marcos, binabalewala nito ang laganap na kahirapan o karukhaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga “band-aid solutions” sa halip na resolbahin ang ugat ng kahirapan tulad ng sistimatikong korapsyon sa pera ng taumbayan.

Ang nakakalungkot at nakaka-highblood, tinagurian tayong “mayayabang” ng mismong gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas kaya walang naiipon at naghihirap sa buhay.

Walang karapatan si BSP Gov.Eli Remolona Jr., na tawagin tayong mga Pilipino na mayayabang! Bakit?

Napakalaki ng pinapasahod natin sa walang modong gobernador ng B-S-P. Kapanalig, batay sa Commission on Audit report sa salaries and allowances o (ROSA) ng mga opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa taong 2025, sila ang may pinakamalaking sahod sa lahat ng kawani ng pamahalaan.

Bakit sila pinagpala? Sa report ng COA, si BSP GOV. Eli Remolona Jr. ay tumatanggap ng nakakalulang  ₱52.756 milyong-pisong total compensation kabilang na ang basic salary, bonuses, incentives, at allowances. Napakalakas pa ng loob ng opisyal na ito para tapak-tapakan tayong mga nagpapasahod sa kanya. Ang dalawang Senior Assistant Governor ng BSP na sina Johnny Noe Ravalo at Edna Villa, ₱30.588 million at ₱30.520 million ang kinikita kada taon.

Tumatanggap naman ang Monetary Board Members ng B-S-P na kinabibilangan ni budget secretary Benjamin Diokno at Romeo Bernardo, Rosalia De Leon, Jose Querubin, at Walter Wassmer tumataginting na ₱29.852 million hanggang ₱30.199 million; ang Deputy Assistants at senior assistant governors na sina Chuchi Fonacier, Mamerto Tangonan, Bernadette Romulo Puyat, Zeno Ronald Abenoja, Arifa Ala, at Lyn Javier ay tumatanggap ng ₱28.82 million kada taon. Akalain mo, yung 96-pesos na poverty threshold ng administrasyong Marcos ay negative percent sa kinikita ng mga opisyal na ito? Ano ba ang espesyal nilang trabaho, bakit natin sila pinapasahuran ng napakalaki?

Kapanalig, basura man ang turing sa atin ng kapwa, tayo ay biyaya para sa Diyos tulad ng sinasabi ng  Luke 6:20 – “And he lifted up his eyes on his disciples, and said, Blessed be ye poor: for yours is the kingdom of God.” Sinasabi din ng James 2:5 – “Hearken, my beloved brethren, Hath not God chosen the poor of this world rich in faith, and heirs of the kingdom which he hath promised to them that love him?”

Sumainyo ang Katotohanan.

PAGLALAKBAY SA DAAN NG KAPAYAPAAN

 5,472 total reads

Ang kapayapaan ay hindi kawalan ng problema, kundi ang kakayahang manatiling panatag sa kabila ng mga unos ng buhay. Nagsisimula ito sa pagtanggap, pagpapatawad, at pagtitiwala sa Diyos sa mga bagay na hindi natin kayang baguhin. Sapagkat hindi man laging tahimik ang ating paligid, maaari pa ring magkaroon ng katahimikan ang ating puso kapag ipinauubaya natin sa Kanya ang ating mga pangamba. At sa kapayapaang ating natatagpuan, nawa’y maging daan din tayo upang mapanatag ang puso ng iba.

OUTSMARTED

 7,558 total reads

Gospel Reading for November 06, 2026 – Luke 16: 1-8

OUTSMARTED

Jesus said to his disciples, “A rich man had a steward who was reported to him for squandering his property. He summoned him and said, ‘What is this I hear about you?Prepare a full account of your stewardship, because you can no longer be my steward.’ The steward said to himself, ‘What shall I do, now that my master is taking the position of steward away from me? I am not strong enough to dig and I am ashamed to beg. I know what I shall do so that, when I am removed from the stewardship, they may welcome me into their homes.’ He called in his master’s debtors one by one. To the first he said, ‘How much do you owe my master?’ He replied, ‘One hundred measures of olive oil.’ He said to him, ‘Here is your promissory note. Sit down and quickly write one for fifty.’ Then to another he said, ‘And you, how much do you owe?’ He replied, ‘One hundred measures of wheat.’ He said to him, ‘Here is your promissory note; write one for eighty.’ And the master commended that dishonest steward for acting prudently. For the children of this world are more prudent in dealing with their own generation than the children of light.”

————

Satan is as sly as sly can be. He teaches those who allow him to influence them the wily ways that can often outsmart even those who are good.

Although Jesus teaches us to forgive those who wrong us, he never taught us that the wrong they do should be tolerated. Otherwise, he would not have used such strong words against the scribes, Pharisees, and chief priests. Neither would he have driven out the merchants and money changers from the Temple.

Let us also not make the mistake of thinking that because the master in the parable commended the dishonest steward, Jesus was commending his dishonesty, too. Rather, Jesus was pointing out the steward’s shrewdness and resourcefulness. He was teaching us that Christians, who are children of the light, should be just as wise and resourceful in pursuing what is good and in building God’s Kingdom. We should never allow ourselves to be OUTSMARTED by the evil one.

“Be alert and of sober mind. Your enemy the devil prowls around like a roaring lion looking for someone to devour.” (1 Peter 5:8)

Sometimes, even the children of light who are supposed to expose evil become deceived because they grow complacent, thinking that being children of God makes them safe from the influence of the evil one. This is precisely why we must remain vigilant. No one is beyond temptation, even Jesus, the Son of God that he is, was tempted by Satan in the desert. No one should ever consider him/herself immune to sin. The moment we believe we are no longer vulnerable to evil may be the moment we become most vulnerable to it.

So, when the evil one tries to influence our minds by making us believe that doing things contrary to the teachings of Jesus is justifiable, we must remain alert and clear-minded. The devil will never lead us toward what is good because his purpose is to lead us away from God and destroy what God has created.

Lord Jesus, may your Spirit always grant us the wisdom and strength to make the right decisions in our daily lives. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 41,291 total reads

 41,291 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 111,962 total reads

 111,962 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 198,468 total reads

 198,468 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 241,500 total reads

 241,500 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 289,542 total reads

 289,542 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 11,539 total reads

 11,539 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 14,061 total reads

 14,061 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 16,146 total reads

 16,146 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 14,665 total reads

 14,665 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 15,764 total reads

 15,764 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top