Martes, Abril 29, 2025

SHARE THE TRUTH

 5,941 total views

Pagggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan

Mga Gawa 4, 23-27
Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5

Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.

Juan 3, 7b-15

Memorial of St. Catherine of Siena, Virgin and Doctor of the Church (White)

Mga Pagbasa mula sa
Martes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 4, 32-37

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng mga Apostol

Nagkaisa ang damdami’t isipan ng lahat ng sumasampalataya at di itinuring ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat. Ang mga apostol ay patuloy na gumagawa ng kababalaghan at nagpapatotoo sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus. At ibinuhos ng Diyos ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat. Walang nagdarahop sa kanila, sapagkat ipinagbibili nila ang kanilang lupa o bahay, at ang pinagbilhan ay ibinibigay sa mga apostol. Ipinamamahagi naman ito ayon sa pangangailangan ng bawat isa.

Gayon ang ginawa ni Jose, isang Levitang taga-Chipre, kaya’t Bernabe ang itinaguri sa kanya ng mga apostol, ibig sabihi’y “Matulungin.” Ipinagbili niya ang kanyang bukid at ibinigay sa mga apostol ang pinagbilhan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 92, 1ab. 1k2. 5

Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.

o kaya: Aleluya.

Panginoo’y naghahari, na ang suot sa katawan
ay damit na maharlika at batbat ng kalakasan.

Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.

Ang sandigan ng daigdig, matatag ang pinatungan
kahit ano ang gawin pa’y hindi ito magagalaw.
Ang trono mo ay matatag simula pa noong una.
Bago pa ang ano pa man, likas ikaw’y naroon na.

Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.

Walang hanggan, Panginoon, ang lahat ng tuntunin mo,
sadyang banal at matatag ang sambahang iyong templo.

Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.

ALELUYA
Juan 3, 15

Aleluya! Aleluya!
Ang Anak ng Tao’y dapat
na itampok at itaas
upang lahat ay maligtas.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 3, 7b-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Huwag kayong magtaka sa sinabi ko sa inyo, ‘Lahat ay kailangang ipanganak na muli.’ Umiihip ang hangin kung saan ibig at naririnig ninyo ang ugong nito, ngunit hindi ninyo alam kung saan nanggagaling at kung saan naparoroon. Gayun din ang bawat ipinanganak sa Espiritu.’ “Paano pong mangyayari ito?” tanong ni Nicodemo. Sumagot si Hesus, “Guro pa naman kayo sa Israel ay hindi ninyo nauunawaan ang mga bagay na ito? Tandaan ninyo: ang aming nalalaman ang sinasabi namin, at ang aming nasaksihan ang pinatototohanan namin, ngunit hindi ninyo tinatanggap ang aming patotoo. Kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang sinasabi ko tungkol sa mga bagay sa sanlibutang ito, paano ninyo paniniwalaan kung ang sabihin ko’y tungkol sa mga bagay sa langit? Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa langit – ang Anak ng Tao.

“At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayun din namin kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Martes

Manalangin tayo sa Diyos Ama, na sa pamamagitan ng kanyang Espiritu, ay muling nabuhay si Kristo at siya ring magbibigay ng buhay sa ating mga mortal na katawan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng langit at lupa, pagpalain Mo kami.

Ang mga ginawaran ng katungkulan nawa’y pukawin ng Espiritu sa pagtupad ng kanilang pamumuno ayon sa diwa ng pag-ibig at paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang patuloy na panibaguhin sa Espiritu ang ating mga sarili at lumago tungo sa kaganapan ng pag-ibig ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa lahat ng nakikiisa sa pagdiriwang ng Eukaristiyang ito, nawa’y matulungan natin ang isa’t isa nang may pag-ibig na nagpapahayag sa Santatlo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maipagamot at mabigyan ng lunas sa pamamagitan ng kabutihang-loob ng kanilang pamilya at mga kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y magdiwang sa maluwalhating Muling Pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, ibuhos mo ang iyong Espiritu sa aming mga puso upang baguhin ang aming buhay sa pamamagitan ng buhay na kaloob sa amin ng Muling Pagkabuhay ni Kristo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 2,754 total views

 2,754 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 31,105 total views

 31,105 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 98,835 total views

 98,835 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 121,986 total views

 121,986 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 191,924 total views

 191,924 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Hulyo 23, 2026

 614 total views

 614 total views Huwebes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Brigida ng Sweden, namanata sa Diyos Jeremias 2, 1-3. 7-8.

Read More »

Miyerkules, Hulyo 22, 2026

 2,304 total views

 2,304 total views Kapistahan ni Santa Maria Magdalena Awit ni Solomon 3, 1-4a o kaya 2 Corinto 5, 14-17 Salmo 62, 2, 3-4, 5-6, 8-9 Aking kinasasabikan,

Read More »

Martes, Hulyo 21, 2026

 4,112 total views

 4,112 total views Martes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Lorenzo ng Brindisi, pari at pantas ng Simbahan Mikas 7,

Read More »

Lunes, Hulyo 20, 2026

 5,575 total views

 5,575 total views Lunes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mikas 6, 1-4. 6-8 Salmo 49, 5-6. 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin

Read More »

Linggo, Hulyo 19, 2026

 6,442 total views

 6,442 total views Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Karunungan 12, 13. 16-19 Salmo 85, 5-6. 9-10. 15-16a Poon, ikaw ay mabuti sa lahat ng

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top