Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, HULYO 1, 2024

SHARE THE TRUTH

 3,030 total views

Lunes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Amos 2, 6-10. 13-16
Salmo 49, 16bk-17. 18-19. 20-21. 22-23

Tinig ng D’yos dapat dinggin
kahit ng ayaw pumansin.

Mateo 8, 18-22

Monday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Amos 2, 6-10. 13-16

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos

Ito ang sabi ng Panginoon: “Nagkasalang paulit-ulit ang mga taga-Israel. Sila’y tiyak na parurusahan ko, sapagkat dahil sa suhol, pinarusahan nila ang mga walang sala at ipinagbiling alipin ang di makabayad, kahit sa halaga ng isang pares na sandalyas. Niyuyurakan nila ang mga walang kaya at ipinagtutulakan ang mahihirap. Nakikipagtalik ang mag-ama sa iisang babaing nagbibili ng aliw anupa’t nalalapastangan ang aking banal na pangalan. Hinihigan nila sa tabi ng alinmang dambana ang balabal na sangla ng isang may utang. Sa templo ng kanilang Diyos ay nag-iinuman sila ng alak na binili ng salaping inagaw sa mga dukha. Nagawa pa nila ito sa akin matapos kong lipulin ang mga Amoreo, mga taong sintatangkad ng punong sedro at sintitigas ng punong ensina, na pinuksa kong lahat alang-alang sa kanila.

“Inilabas ko kayo mula sa Egipto, pinatnubayan sa ilang sa loob ng apatnapung taon at ibinigay sa inyo ang lupain ng mga Amoreo. Kaya, pahihirapan ko kayo, gaya ng kariton na di makalakad sa bigat ng dala. Hindi makatatakas ang matutuling tumakbo; manghihina pati ang matitipuno at di maililigtas ng mga kawal maging ang kanilang sarili. Walang tatamaan ang mga manunudla, di makaliligtas ang matuling tumakbo at di rin makatatakas ang mga nakakabayo. Ang pinakamatapang na mandirigma ay hubad na tatakas sa araw na iyon.” Ang Panginoon ang nagsabi nito.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 49, 16bk-17. 18-19. 20-21. 22-23

Tinig ng D’yos dapat dinggin
kahit ng ayaw pumansin.

Bakit ninyo inuusal yaong aking mga utos?
At bakit ang paksa ninyo ay sa tipan natutungod?
Pag kayo ay tinutuwid, agad kayong napopoot,
at ni ayaw na tanggapin yaong aking mga utos.

Tinig ng D’yos dapat dinggin
kahit ng ayaw pumansin.

Ang makitang magnanakaw ang nagiging kaibigan,
at kung sinong mapang-apid siya ninyong kasamahan.
Mabilis ang inyong dila sa masamang sasabihin;
sa inyo ay bale wala ang gawang magsinungaling.

Tinig ng D’yos dapat dinggin
kahit ng ayaw pumansin.

Handa ninyong paratangan maging tunay na kapatid,
at kay daming kapintasang sa kanila’y nasisilip.
Kahit ito ay ginawa hindi kayo alumana,
kaya naman ang akala, kayo’t ako’y magkaisa;
ngunit ngayon, panahon nang kayo’y aking pagwikaan
upang inyong maunawa ang ginawang kamalian.

Tinig ng D’yos dapat dinggin
kahit ng ayaw pumansin.

Kaya ngayo’y dinggin ito, kayong ako’y hindi pansin,
kapag ako’y di dininig, kayo’y aking wawasakin;
wala kayong aasahang magliligtas sa hilahil.
Ang parangal na nais ko na sa aki’y ihahain,
ay handog ng pagsalamat, pagpupuring walang maliw;
akin namang ililigtas ang lahat na masunurin.

Tinig ng D’yos dapat dinggin
kahit ng ayaw pumansin.

ALELUYA
Salmo 94, 8ab

Aleluya! Aleluya!
Dinggin ninyong lahat ngayon
ang tinig ng Panginoon
sa loob na mahinahon.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 8, 18-22

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus ang makapal na tao sa kanyang paligid, iniutos niya sa mga kasama na maghandang tumawid sa ibayo. Nilapitan siya ng isang eskriba at sinabi sa kanya, “Guro, susunod po ako sa inyo saan man kayo pumaroon?” Sumagot si Hesus: “May mga lungga ang mga asong-gubat, at may mga pugad ang mga ibon, ngunit ang Anak ng Tao’y wala man lamang matulugan o mapagpahingahan.” Isa naman sa mga alagad ang nagsabi sa kanya, “Panginoon, maaari po bang umuwi muna ako upang ipalibing ang aking ama?” Ngunit sinabi sa kanya ni Hesus, “Sumunod ka sa akin, at ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Iluhog natin ang ating mga pangangailangan sa Diyos Ama, kung saan naroon ang kanyang Anak na nauna na sa atin at tumatawag sa atin na sundan siya. Manalangin tayo nang may pananalig sa biyaya sa pagtanggap sa pagtawag na ito.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, bigyan Mo kami ng biyaya na sundan ang iyong anak.

Ang mga pinuno ng Simbahan at yaong mga nagpapahayag ng Salita ng Diyos nawa’y maging masigasig sa kanilang pagsunod kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating komunidad sa araw-araw nawa’y mapanibago sa pananampalataya sa Salita ng Diyos na tumatawag sa atin sa isang mabuting buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nawalan ng pag-asa dahil sa mga pagkakasala nawa’y mapagtanto na kasa-kasama natin si Kristo, ang ating pinuno, at pinapasan ang ating mga suliranin, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga pinahina ng pagkakasakit at karamdaman nawa’y mapanatag sa kasiyahan ng Diyos dulot ng kalinga at pagtulong ng kanilang mga kapamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga namayapa nawa’y makasunod kay Kristo at makapasok sa walang katapusang presensya ng Diyos sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos Ama, sa aming pagnanais na sumunod sa yapak ng iyong Anak, gawin mo kaming iisa sa isip at puso sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 1,412 total views

 1,412 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 32,551 total views

 32,551 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 38,138 total views

 38,138 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 43,654 total views

 43,654 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 54,775 total views

 54,775 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 118 total views

 118 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More »

Martes, Nobyembre 5, 2024

 417 total views

 417 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More »

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 715 total views

 715 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 899 total views

 899 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Matakot kayo sa

Read More »

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 1,165 total views

 1,165 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day) (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More »

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 1,323 total views

 1,323 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All Saints (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Ako’y si Juan, at nakita kong

Read More »

Huwebes, Oktubre 31, 2024

 1,460 total views

 1,460 total views Huwebes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 6, 10-20 Salmo 143, 1. 2. 9-10 Ang Poon ay papurihan, siya ang aking sanggalang. Lucas 13, 31-35 Thursday of the Thirtieth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Efeso 6, 10-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Sa wakas,

Read More »

Miyerkules, Oktubre 30, 2024

 1,665 total views

 1,665 total views Miyerkules ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 6, 1-9 Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 13kd-14 Ang Poong Diyos ay tapat, pangako n’ya’y magaganap. Lucas 13, 22-30 Wednesday of the Thirtieth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Efeso 6, 1-9 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga anak,

Read More »

Martes, Oktubre 29, 2024

 1,830 total views

 1,830 total views Martes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 5, 21-33 Salmo 127, 1-2. 3, 4-5 Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos. Lucas 13, 18-21 Tuesday of the Thirtieth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Efeso 5, 21-33 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga

Read More »

Lunes, Oktubre 28, 2024

 1,908 total views

 1,908 total views Kapistahan nina Apostol San Simon at San Judas Efeso 2, 19-22 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig. Lucas 6, 12-19 Feast of Sts. Simon and Jude, Apostles (Red) UNANG PAGBASA Efeso 2, 19-22 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, hindi na

Read More »

Linggo, Oktubre 27, 2024

 2,312 total views

 2,312 total views Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Jeremias 31, 7-9 Salmo 125, 1-2ab. 2kd-3. 4-5. 6 Gawa ng D’yos ay dakila kaya tayo’y natutuwa. Hebreo 5, 1-6 Marcos 10, 46-52 Thirtieth Sunday in Ordinary Time (Green) Prison Awareness Sunday UNANG PAGBASA Jeremias 31, 7-9 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Ito ang sinasabi ng

Read More »

Sabado, Oktubre 26, 2024

 2,548 total views

 2,548 total views Sabado ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Efeso 4, 7-16 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 13, 1-9 Saturday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on

Read More »

Biyernes, Oktubre 25, 2024

 2,685 total views

 2,685 total views Biyernes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 4, 1-6 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 12, 54-59 Friday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Efeso 4, 1-6 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga

Read More »

Huwebes, Oktubre 24, 2024

 2,867 total views

 2,867 total views Huwebes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Claret, obispo Efeso 3, 14-21 Salmo 32, 1-2. 4-5. 11-12. 18-19 Awa’t pag-ibig ng Diyos sa sangkalupaa’y lubos. Lucas 12, 49-53 Thursday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Anthony Mary Claret, Bishop (White) UNANG

Read More »

Miyerkules, Oktubre 23, 2024

 3,029 total views

 3,029 total views Miyerkules ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya San Juan Capistrano, pari Efeso 3, 2-12 Isaias 12, 2-3. 4bkd. 5-6 May galak tayong sumalok sa batis ng Manunubos. Lucas 12, 39-48 Wednesday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. John of Capistrano, Priest (White) UNANG PAGBASA Efeso 3,

Read More »
Scroll to Top