Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, NOBYEMBRE 21, 2022

SHARE THE TRUTH

 2,114 total views

Paggunita sa Pagdadala sa Mahal na Birhen sa Templo

Pahayag 14, 1-3. 4b-5
Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

Lucas 21, 1-4

Memorial of The Presentation of the Blessed Virgin Mary (White)

Mga Pagbasa mula sa
Lunes ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Pahayag 14, 1-3. 4b-5

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Akong si Juan ay tumingin, at naroon ang Kordero na nakatayo sa Bundok ng Sion, kasama ang sandaa’t apatnapu’t apat na libong tao. Nakasulat sa kanilang noo ang pangalan ng Kordero at ang pangalan ng kanyang Ama. At narinig ko ang isang tinig mula sa langit na parang ugong ng isang mabilis na talon at dagundong ng kulog. Ang tinig narinig ko’y parang tugtugan ng mga manunugtog ng alpa. Sila’y umaawit ng isang bagong awit sa harap ng trono, at ng apat na nilalang na buhay, at ng dalawampu’t apat na matatanda. Walang makaunawa sa awit na yaon kundi ang sandaa’t apatnapu’t apat na libo na tinubos sa sanlibutan. Ito ang mga sumunod sa Kordero saanman siya magtungo. Sila’y tinubos mula sa buong sangkatauhan bilang mga unang handog sa Diyos at sa Kordero. Hindi sila nagsinungaling kailanman. Wala silang anumang kapintasan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

Ang buong daigdig, lahat ng naroon,
may-ari’y ang Diyos, ating Panginoon;
ang mundo’y natayo at yaong sandiga’y
ilalim ng lupa, tubig kalaliman.

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

Sino ang marapat umahon sa burol,
sa burol ng Poon, sino ngang aahon?
Sino’ng papayagang pumasok sa templo,
sino’ng tutulutang pumasok na tao?
Siya, na malinis ang isip at buhay,
na hindi sumamba sa diyus-diyusan;
tapat sa pangako na binibitiwan.

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

Ang Panginoong Diyos, pagpapalain siya,
ililigtas siya’t pawawalang-sala.
Gayun ang sinumang lumalapit sa Diyos
silang lumalapit sa Diyos ni Jacob.

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

ALELUYA
Mateo 24, 42a. 44

Aleluya! Aleluya!
Lagi tayong magtanod
sapagkat di natin talos
ang pagbabalik ni Hesus.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 21, 1-4

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, nang tumingin si Hesus, nakita niya ang mayayamang naghuhulog ng kanilang kaloob sa lalagyan nito sa templo. Nakita rin niya ang isang dukhang babaing balo na naghulog ng dalawang kusing. Ang wika ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: ang dukhang balong iyon ay naghulog nang higit kaysa kanilang lahat. Sapagkat bahagi lang ng di na nila kailangan ang kanilang ipinagkaloob, ngunit ibinigay ng balong iyon na dukhang-dukha ang buo niyang ikabubuhay.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Nobyembre 21
Ang Pagdadala kay Maria sa Templo

Sa araw na ito, sa paggunita natin sa Pagdadala kay Maria sa Templo, hilingin natin sa Ama na ipagkaloob sa atin ang biyaya ng pagiging bukas-loob sa pag-aalay ng ating buhay sa Diyos.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, baguhin Mo kami upang maging katulad ni Maria, aming ina.

Ang paglilingkod ng mga lalaki at babae nawa’y ialay ng Simbahan bilang karapat-dapat na handog sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng sumasampalataya kay Kristo nawa’y dinggin ang tinig ng Diyos na nananawagan sa lahat upang maging banal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang halimbawa ni Maria nawa’y magningning sa pamamagitan ng buhay ng mga taong itinalaga sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y maramdaman ang presensya ni Kristo sa pamamagitan ng ating nakapagpapasiglang presensya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y maging karapat-dapat ang kanilang sakripisyo sa pamamagitan ng ating matuwid na pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, ipagkaloob mo na kami, tulad ni Maria, ay tumugon ng pagsang-ayon sa iyong kalooban at tuparin ito sa aming mga buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,433 total views

 6,433 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,417 total views

 24,417 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,354 total views

 44,354 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,547 total views

 61,547 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,922 total views

 74,922 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Hulyo 21, 2025

 595 total views

 595 total views Lunes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Lorenzo ng Brindisi, pari at pantas ng Simbahan Exodo 14,

Read More »

Linggo, Hulyo 20, 2025

 1,685 total views

 1,685 total views Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Genesis 18, 1-10a Salmo 14, 2-3ab. 3kd-4ab. 5 Sino kayang tatanggapin sa templo ng Poon natin?

Read More »

Sabado, Hulyo 19, 2025

 2,710 total views

 2,710 total views Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Exodo 12, 37-42 Salmo 135, 1

Read More »

Biyernes, Hulyo 18, 2025

 3,461 total views

 3,461 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Exodo 11, 10-12. 14 Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18 Sa Panginoong tumubos kalis ng inumi’y

Read More »

Huwebes, Hulyo 17, 2025

 3,463 total views

 3,463 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Exodo 3, 13-20 Slamo 104, 1 at 5. 8-9. 24-25. 26-27 Nasa isip ng Maykapal

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top