Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, OKTUBRE 2, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,530 total views

Paggunita sa mga Banal na Anghel na Tagatanod

Zacarias 8, 1-8
Salmo 101, 16-18. 19-21. 29 ay 22-23

Panginoo’y mahahayag
kapag Sion ay natatag.

Mateo 18, 1-5. 10

Memorial of the Guardian Angels (White)

UNANG PAGBASA
Zacarias 8, 1-8

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Zacarias

Sinabi sa akin ng Panginoon, “Ganito ang sabihin mo: Sabik na sabik na akong ipadama sa Jerusalem ang aking pagmamahal at ang poot ko’y nag-aalab laban sa mga dumuhagi sa kanya. Babalik ako sa Jerusalem at maninirahan uli roon. Ito’y tatawaging Lungsod ng Katotohanan at ang bundok na itinalaga sa akin ay tatawaging Banal na Bundok. Hahaba ang buhay ng mga taga-Jerusalem. Marami na uling makikitang matatandang babae’t lalaking nakatungkod na naglalakad sa mga plasa at lansangan. Ang mga lansangan ay mapupuno ng mga batang naglalaro. Aakalain ng mga natira sa Israel na mahirap itong mangyari. Sabihin mong sa akin ay walang hindi mangyayari. Ang mga anak ng aking bayan na natapon sa mga lupain sa silangan at kanluran ay ililigtas ko at muling ibabalik sa Jerusalem. Sila ay magiging bayan ko at ako ang magiging Diyos nila. Ako at sila’y mananatiling tapat sa aming tipanan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 101, 16-18. 19-21. 29 at 22-23

Panginoo’y mahahayag
kapag Sion ay natatag.

Ang lahat ng bansa sa Poon ay takot,
maging mga hari sa buong sinukob.
Kung iyong itayong pamuli ang Sion,
ika’y mahahayag doon, Panginoon.
Daing ng mahirap ay iyong diringgin,
di mo tatanggihan ang kanilang daing.

Panginoo’y mahahayag
kapag Sion ay natatag.

Ito’y matititik upang matunghayan,
ng sunod na lahing di pa dumaratal;
ikaw nga, O Poon, ay papupurihan.
Mula sa itaas, luklukan mong banal,
ang lahat sa lupa’y iyong minamasdan.
Iyong dinirinig ang pagtataghuyan
ng mga bilanggong ang hatol ay bitay,
upang palayain sa hirap na taglay.

Panginoo’y mahahayag
kapag Sion ay natatag.

At ang mga anak ng ‘yong mga lingkod,
mamumuhay namang panatag ang loob;
magiging matatag ang kanilang angkan,
sa pag-iingat mo, sila ay tatagal.
Anupa’t ang iyong ngala’y mahahayag,
sa Sion, O Poon, ika’y ibabansag;
pag ang mga bansa ay nagsasama-sama
sa banal na lungsod upang magsisamba.

Panginoo’y mahahayag
kapag Sion ay natatag.

ALELUYA
Salmo 102, 21

Aleluya! Aleluya!
Ang Panginoo’y purihin
ng lahat n’yang mga anghel
na tapat at masunurin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 18, 1-5. 10

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong sandaling iyon, lumapit kay Hesus ang mga alagad at nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” Tinawag ni Hesus ang isang bata, pinatayo sa harapan nila, at sinabi, “Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang tumatanggap sa isang batang ganito dahil sa akin ay ako ang tinatanggap.

“Ingatan ninyo na huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: sa langit, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng aking Ama.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Manalangin tayo sa Ama upang maging karapat-dapat tayo na maging kanyang mga anak.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Walang hanggang Ama, nananalig kami sa iyo.

Ang Simbahan nawa’y maging tunay na instrumento ng pagpapalalim ng pananampalataya ng mga bata, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng gobyerno nawa’y magpakita ng tunay na malasakit para sa kasiguruhan ng mas mabuting kinabukasan ng lahat ng bata. Maging ligtas nawa ang mga bata sa lahat ng uri ng pang-aabuso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang nawa’y magturo sa kanilang mga anak ng tamang panuntunan na dapat pahalagahan at itaguyod ang kanilang edukasyon at pagsasanay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, tulad ng mga bata, nawa’y magkaroon ng pananalig sa Diyos Ama na nagmamalasakit sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y maakay muli sa tahanan ng Diyos Ama sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama pakinggan mo ang panalangin ng iyong mga anak na nananalig sa iyo. Bigyan mo kami ng kaloobang tulad ng sa bata sapagkat para sa mga tulad nila ang iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 68,973 total views

 68,973 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 76,748 total views

 76,748 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 84,928 total views

 84,928 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 100,550 total views

 100,550 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 104,493 total views

 104,493 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Sabado, Abril 19, 2025

 477 total views

 477 total views Ang Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay Genesis 1, 1-2, 2 o kaya Genesis 1, 1. 26-31a Salmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at

Read More »

Biyernes, Abril 18, 2025

 775 total views

 775 total views Biyernes Santo sa Pagpapakasakit ng Panginoon Isaias 52, 13-53, 12 Salmo 30, 2 at 6. 12-13. 15-16. 17 at 25 Ama, sa mga

Read More »

Huwebes, Abril 17, 2025

 1,064 total views

 1,064 total views Huwebes Santo sa Paghahapunan ng Panginoon Exodo 12, 1-8. 11-14 Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18 Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap.

Read More »

Miyerkules, Abril 16, 2025

 1,338 total views

 1,338 total views Miyerkules Santo Isaias 50, 4-9a Salmo 68, 8-10. 21bkd-22. 31 at 33-34 Poon, ako’y iyong dinggin sa panahong ‘yong ibigin. Mateo 26, 14-25

Read More »

Martes, Abril 15, 2025

 1,773 total views

 1,773 total views Martes Santo Isaias 49, 1-6 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan. Juan 13, 21-33.

Read More »

Lunes, Abril 14, 2025

 1,852 total views

 1,852 total views Lunes Santo Isaias 42, 1-7 Salmo 26, 1. 2. 3. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Juan 12, 1-11 Monday of Holy

Read More »

Linggo, Abril 13, 2025

 2,082 total views

 2,082 total views Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ng Panginoon (K) Lucas 19, 28-40 Isaias 50, 4-7 Salmo 21, 8-9. 17-18a. 19-20. 23-24 D’yos ko! D’yos

Read More »

Sabado, Abril 12, 2025

 2,320 total views

 2,320 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 37, 21-28 Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na

Read More »

Biyernes, Abril 11, 2025

 2,851 total views

 2,851 total views Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 20, 10-13 Salmo 17, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 7 Sa kahirapa’y humibik, at ako’y

Read More »

Huwebes, Abril 10, 2025

 2,909 total views

 2,909 total views Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 17, 3-9 Salmo 104, 4-5. 6-7. 8-9 Nasa isip ng Maykapal ang tipan

Read More »

Miyerkules, Abril 9, 2025

 3,136 total views

 3,136 total views Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 3, 14-20. 91-92. 95 Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56 Purihin at

Read More »

Martes, Abril 8, 2025

 3,285 total views

 3,285 total views Martes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Bilang 21, 4-9 Salmo 101, 2-3. 16-18. 19-21 Dinggin mo ang aking dasal, pagsamo

Read More »

Lunes, Abril 7, 2025

 3,660 total views

 3,660 total views Lunes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 13, 1-9. 15-17. 19-30. 33-62 o kaya Daniel 13, 41k-62 Salmo 22, 1-3a. 3b-4.

Read More »

Linggo, Abril 6, 2025

 3,613 total views

 3,613 total views Ikalimang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda (K) Isaias 43, 16-21 Salmo 125, 1-2ab. 2kd-3. 4-5. 6 Gawa ng D’yos ay dakila kaya

Read More »

Sabado, Abril 5, 2025

 3,761 total views

 3,761 total views Sabado sa Ika-4 na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 11, 18-20 Salmo 7, 2-3. 9bk-10. 11-12 Panginoon, aking Diyos, pag-asa ko

Read More »
Scroll to Top