MARTES, NOBYEMBRE 21, 2023

SHARE THE TRUTH

Loading

Paggunita sa Pagdadala sa Mahal na Birhen sa Templo

2 Macabeo 6, 18-31
Salmo 3, 2-3. 4-5. 6-7

Ako’y itinataguyod
ng aking Panginoong D’yos.

Lucas 19, 1-10

Memorial of the Presentation of the Blessed Virgin Mary (White)

Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
2 Macabeo 6, 18-31

Pagbasa mula sa Ikalawang aklat ng Macabeo

Noong mga araw na iyon, may isang matanda at iginagalang na guro ng Kautusan. Siya si Eleazar. Nakatuwaan nilang siya ay pakanin ng baboy, kaya’t pinilit siyang magbuka ng bibig. Sa pag-iwas niyang makapitan ng kasamaan, pinili na niya ang mamatay na marangal. Kaya’t ang pagkaing pilit na isinubo ay kanyang iniluwa. Pagkatapos, siya na ang kusang lumapit sa inihandang pagpaparusahan sa kanya. Ipinakita niya na dapat maglakas-loob ang sinuman na tumangging kumain ng pagkaing labag sa kautusan, kahit ito’y mangahulugan ng kanyang kamatayan.

Ang mga napag-utusang magbigay kay Eleazar ng pagkaing labag sa Kautusan ay dati na niyang mga kakilala. Kaya’t dahil sa pagmamalasakit nila kay Eleazar, kinausap nila siya nang lihim. Pinapaghanda nila siya ng karneng hindi ipinagbabawal, at ipinayo na magkunwari siyang ang karneng baboy na ibibigay sa kanya ang kakanin niya, ngunit ang totoo, ang dala niya ang kanyang kakanin. Sa paraang ito, maliligtas siya sa kamatayan.

Subalit ang kagandahang-loob na ito ay magalang niyang tinanggihan. Buo na ang kanyang pasiya. Matanda na siya at maputi na ang kanyang buhok. Naalaala niyang sapul pagkabata’y naging tapat siya sa Kautusan ng Diyos. Kaya’t sumagot siya, “Patayin na ninyo ako ngayon din. Sa gulang kong ito’y hindi na dapat magkunwari pa. Ano na lang ang sasabihin ng mga kabataan kung hindi ako mananatiling tapat? Hindi ba sasabihin nila na kung kailan ko inabot ang siyamnapung taon ay saka ko pa tinalikdan ang aking relihiyon! Kung ako’y magtaksil para lamang madugtungan ng kaunti ang aking buhay, para ko na ring iniligaw ang mga kabataan at binigyang-kahihiyan ang aking katandaan. Maaaring maiwasan ko ang parusa ng tao, ngunit sa mabuhay ako o mamatay, hindi ako makaiiwas sa parusa ng Makapangyarihan sa lahat. Kaya’t tatanggapin ko na ngayon ang marangal na kamatayan na siyang magiging putong ng aking katandaan. Sa gayun, mag-iiwan ako ng isang dakilang halimbawa sa mga kabataan – ang marangal at buong pusong paghahandog ng buhay alang-alang sa banal na utos ng Diyos.”

Matapos niyang sabihin ito, lumapit agad siya sa inihandang pagpapatayan sa kanya. Ang mga kaibigang nagmalasakit sa kanya ay nainis na rin; para sa kanila’y kaululan lamang ang mga sinabi niya. Kaya’t ginulpi nila siya hanggang sa mamatay. Ngunit bago nalagutan ng hininga, sinabi ni Eleazar, “Ang Panginoon ang nakababatid ng lahat. Alam niya ang katakut-takot na hirap na tiniis ko sa pagpaparusang ito, kahit ito’y maaaring maiwasan ko. Alam din niyang maligaya kong tiniis itong hirap dahil sa aking pagmamahal sa kanya.”

Namatay nga si Eleazar, ngunit siya’y nag-iwan ng isang halimbawa ng pagiging uliran sa tapang at di malilimutang katangian ng pag-uugali, hindi lamang para sa mga kabataan kundi para rin sa buong bansa.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 3, 2-3. 4-5. 6-7

Ako’y itinataguyod
ng aking Panginoong D’yos.

O Panginoon ko, kay raming kaaway,
sa abang lingkod mo ay kumakalaban;
ang palagi nilang pinag-uusapan,
ako raw, O Diyos, di mo tutulungan!

Ako’y itinataguyod
ng aking Panginoong D’yos.

Ngunit ang totoo, sa lahat ng oras,
iniingatan mo at inililigtas;
sa aki’y tagumpay ang iginagawad,
mahina kong loob ay pinalalakas.
Kaya ikaw, Poon, nang aking tawagan,
sinagot mo ako sa bundok na banal.

Ako’y itinataguyod
ng aking Panginoong D’yos.

Ako ay humimlay, agad nakatulog,
ligtas na nagising ang iyong kinupkop;
libo mang kaaway, wala akong takot,
humanay man sila, sa aking palibot.
Halika, O Diyos, iligtas mo ako,
lahat kong kaaway ay pasukuin mo.

Ako’y itinataguyod
ng aking Panginoong D’yos.

ALELUYA
1 Juan 4, 10b

Aleluya! Aleluya!
Inibig tayo ng Ama,
isinugo ang Anak n’ya
bilang panubos sa sala.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 19, 1-10

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, pumasok si Hesus sa Jerico, at naglakad sa kabayanan. Doo’y may isang mayamang puno ng mga publikano na nagngangalang Zaqueo. At pinagsikapan niyang makita si Hesus upang makilala kung sino ito. Ngunit siya’y napakapandak, at dahil sa dami ng tao, hindi niya makita si Hesus. Kaya’t patakbo siyang nagpauna at umakyat sa isang puno ng sikomoro upang makita si Hesus na magdaraan doon. Pagdating ni Hesus sa dakong iyon, siya’y tumingala at sinabi sa kanya, “Zaqueo, bumaba ka agad, sapagkat kailangan kong tumuloy ngayon sa bahay mo.” Nagmamadali siyang bumaba, at tuwang-tuwang tinanggap si Hesus. Lahat ng nakakita nito ay nagbulung-bulungan. “Nakikituloy siya sa isang makasalanan,” wika nila. Tumayo si Zaqueo at sinabi, “Panginoon, ibibigay ko po sa mga dukha ang kalahati ng aking ari-arian. At kung ako’y may nadayang sinuman, apat na ibayo ang isasauli ko sa kanya.” At sinabi sa kanya ni Hesus, “Ang kaligtasa’y dumating ngayon sa sambahayang ito; lipi rin ni Abraham ang taong ito. Sapagkat naparito ang Anak ng Tao upang hanapin at iligtas ang naligaw.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Nobyembre 21
Ang Pagdadala kay Maria sa Templo

Sa araw na ito, sa paggunita natin sa Pagdadala kay Maria sa Templo, hilingin natin sa Ama na ipagkaloob sa atin ang biyaya ng pagiging bukas-loob sa pag-aalay ng ating buhay sa Diyos.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, baguhin Mo kami upang maging katulad ni Maria, aming ina.

Ang paglilingkod ng mga lalaki at babae nawa’y ialay ng Simbahan bilang karapat-dapat na handog sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng sumasampalataya kay Kristo nawa’y dinggin ang tinig ng Diyos na nananawagan sa lahat upang maging banal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang halimbawa ni Maria nawa’y magningning sa pamamagitan ng buhay ng mga taong itinalaga sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y maramdaman ang presensya ni Kristo sa pamamagitan ng ating nakapagpapasiglang presensya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y maging karapat-dapat ang kanilang sakripisyo sa pamamagitan ng ating matuwid na pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, ipagkaloob mo na kami, tulad ni Maria, ay tumugon ng pagsang-ayon sa iyong kalooban at tuparin ito sa aming mga buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Extreme weather

Loading

Isa sa mga pinakamalaking problema ng ating bayan kapanalig ay ang pagdalas ng pagdalaw ng extreme weather sa ating bansa. Ngayon, hindi na lamang bagyo ang ating pinangangambahan at pinaghahandaan. Ang mga super storms at torrential rains, kapanalig, ay mabilis na rin nagdadala ng malawakang sakuna sa maraming mga lugar sa ating bansa. Ang tagtuyot

Read More »

Asal Kalye

Loading

Hindi na uso ang road ethics sa ating mga lansangan kapanalig. Araw araw, sumasabay sa ingay ng mga busina at tambutso ang galit at kabastusan ng marami nating mga kababayang nasa lansangan. Ano na ba ang nangyari sa atin at bakit ang asal kalye sa ating bayan ay synonymous na sa masamang ugali? Ang laki

Read More »

Edukasyon

Loading

Isa na naman tayo sa mga kulelat pagdating sa math, science, at reading, kapanalig. Ayon sa pinakahuling resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA) 2022, pang 77 sa 81 countries ang Pilipinas. Ang assessment na ito ay ginagawa ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD) sa hanay ng mga mag-aaral na may edad

Read More »

End Violence Against Women

Loading

Mga Kapanalig, kasalukuyang idinadaos sa bansa ang 18-Day Campaign to End Violence Against Women (o VAW) sa pangunguna ng Philippine Commission on Women (o PCW).  Nagsisimula ito noong Nobyembre 25, kasabay ng International Day for the Elimination of VAW, at magtatapos sa Disyembre 12, kasabay naman ng International Day Against Trafficking. Ngayong taon, layunin ng

Read More »

Makatarungang PUV Modernization Program

Loading

Mga Kapanalig, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (o LTFRB) “non-negotiable” daw ang consolidation process sa Public Utility Vehicle (o PUV) Modernization Program. Layunin ng consolidation process na bumuo ng kooperatiba o korporasyon ang mga tsuper at operator ng PUVs upang makatanggap sila ng mga subsidiya at pautang mula sa gobyerno na maaaring

Read More »

Watch Live

Related Story

LUNES, DISYEMBRE 11, 2023

Loading

Lunes ng Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon o kaya Paggunita kay San Damaso I, Papa Isaias 35, 1-10 Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Ang Poong D’yos ay darating upang tayo ay tubusin. Lucas 5, 17-26 Monday of the Second Week of Advent (Violet) or Optional Memorial of St. Damasus I, Pope (White) UNANG PAGBASA Isaias 35,

Read More »

LINGGO, DISYEMBRE 10, 2023

Loading

Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (B) Isaias 40, 1-5. 9-11 Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa. 2 Pedro 3, 8-14 Marcos 1, 1-8 Second Sunday of Advent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 40, 1-5. 9-11 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias “Aliwin ninyo ang aking bayan,” sabi

Read More »

SABADO, DISYEMBRE 9, 2023

Loading

Sabado ng Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon o kaya Paggunita kay San Juan Diego Isaias 30, 19-21. 23-26 Salmo 146, 1-2. 3-4. 5-6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Mateo 9, 35 – 10, 1. 6-8 Saturday of the First Week of Advent (Violet) or Optional Memorial of St. Juan Diego, Hermit (White) UNANG PAGBASA Isaias

Read More »

BIYERNES, DISYEMBRE 8, 2023

Loading

Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria Genesis 3, 9-15. 20 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Umawit sa D’yos ng awa, ang gawain n’ya’y dakila. Efeso 1, 3-6. 11-12 Lucas 1, 26-38 Solemnity of the Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary Principal Patroness of the Philippines (White) UNANG PAGBASA Genesis 3,

Read More »

HUWEBES, DISYEMBRE 7, 2023

Loading

Paggunita kay San Ambrosio, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 26, 1-6 Salmo 117, 1 at 8-9. 19-21. 25-27a Pinagpala’ng dumarating sa ngalan ng Poon natin. Mateo 7, 21. 24-27 Memorial of St. Ambrose, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Huwebes ng Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon UNANG

Read More »

MIYERKULES, DISYEMBRE 6, 2023

Loading

Miyerkules ng Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon o kaya Paggunita kay San Nicolas, obispo Isaias 25, 6-10a Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Lagi akong mananahan sa bahay ng Poong mahal. Mateo 15, 29-37 Wednesday of the First Week of Advent (Violet) or Optional Memorial of St. Nicholas, Bishop (White) UNANG PAGBASA Isaias 25, 6-10a Pagbasa

Read More »

MARTES, DISYEMBRE 5, 2023

Loading

Martes sa Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon Isaias 11, 1-10 Salmo 71, 2. 7-8. 12-13. 17 Mabubuhay s’yang marangal at sasagana kailanman. Lucas 10, 21-24 Tuesday of the First Week of Advent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 11, 1-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sa araw na iyon, sa lahi ni Jesse

Read More »

LUNES, DISYEMBRE 4, 2023

Loading

Lunes ng Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon Isaias 2, 1-5 Salmo 121, 1-2. 3-4a. (4b-5. 6-7.) 8-9 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Mateo 8, 5-11 Monday of the First Week of Advent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 2, 1-5 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang pangitain ni Isaias

Read More »

LINGGO, DISYEMBRE 3, 2023

Loading

Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (B) Isaias 63, 16b-17. 19b; 64, 2b-7 Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16. 18-19 Akitin mo, Poong mahal, iligtas kami’t tanglawan. 1 Corinto 1, 3-9 Marcos 13, 33-37 First Sunday of Advent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 63, 16b-17. 19b; 64, 2b-7 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Read More »

SABADO, DISYEMBRE 2, 2023

Loading

Sabado ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Daniel 7, 15-27 Daniel 3, 82. 83. 84. 85. 86. 87 Dakilai’t papurihan ang Poon magpakailanman. Lucas 21, 34-36 Saturday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday

Read More »

BIYERNES, DISYEMBRE 1, 2023

Loading

Biyernes ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Daniel 7, 2-14 Daniel 3, 75. 76. 77. 78. 79. 80. 81 Dakilai’t papurihan ang Poon magpakailanman. Lucas 21, 29-33 Friday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Daniel 7, 2-14 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel Akong si Daniel ay nakakita

Read More »

HUWEBES, NOBYEMBRE 30, 2023

Loading

Kapistahan ni Apostol San Andres Roma 10, 9-18 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig. Mateo 4, 18-22 Feast of Saint Andrew, Apostle (Red) UNANG PAGBASA Roma 10, 9-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma Mga kapatid, kung ipahahayag ng iyong mga labi na si Hesus

Read More »

MIYERKULES, NOBYEMBRE 29, 2023

Loading

Miyerkules ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Daniel 5, 1-6. 13-14. 16-17. 23-28 Daniel 3, 62. 63. 64. 65. 66. 67 Dakilai’t papurihan ang Poon magpakailanman. Lucas 21, 12-19 Wednesday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Daniel 5, 1-6. 13-14. 16-17. 23-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel

Read More »

MARTES, NOBYEMBRE 28, 2023

Loading

Martes ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Daniel 2, 31-45 Daniel 3, 57. 58. 59. 60. 61 Dakilai’t papurihan ang Poon magpakailanman. Lucas 21, 5-11 Tuesday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Daniel 2, 31-45 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel Noong mga araw na iyon, sinabi ni

Read More »

LUNES, NOBYEMBRE 27, 2023

Loading

Lunes ng Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Daniel 1, 1-6. 8-20 Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56 Purihin at ipagdangal ang Diyos magpakailanman. Lucas 21, 1-4 Monday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Daniel 1, 1-6. 8-20 Ang simula ng aklat ni propeta Daniel Nang ikatlong taon ng pamamahala

Read More »