MIYERKULES, NOBYEMBRE 22, 2023

SHARE THE TRUTH

Loading

Paggunita kay Santa Cecilia, dalaga at martir

2 Macabeo 7, 1. 20-31
Salmo 16, 1. 5-6. 8b at 15

Paggising ko, Poong sinta,
sa piling mo’y magsasaya.

Lucas 19, 11-28

Memorial of St. Cecilia, Virgin and Martyr (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
2 Macabeo 7, 1. 20-31

Pagbasa mula sa Ikalawang aklat ng Macabeo

Noong mga araw na iyon, isang ina at ang kanyang pitong anak na lalaki ang ipinahuli ng hari. Sila’y pinahirapan para piliting kumain ng karneng baboy na ipinagbabawal ng Diyos.

Ang di malilimot at higit na kahanga-hanga ay ang ina. Nasaksihan nito ang sunud-sunod na pagpaparusang ginawa sa kanyang pitong anak hanggang sa ang mga ito’y mamatay sa loob lamang ng isang oras. Ngunit hindi nasira ang kanyang loob dahil nagtitiwala siya sa Panginoon. Malakas ang kanyang loob kahit na siya’y babae; kasintapang siya ng lalaki. Sa wika ng kanyang mga ninuno, isa-isa niyang pinalakas ang loob ng kanyang mga anak. Ganito ang sabi niya, “Hindi ko alam kung paano kayo naging tao sa aking sinapupunan. Hindi ako ang naglagay ng iba’t ibang sangkap ng inyong katawan at nagbigay sa inyo ng buhay. Ang lumikha ng buong santinakpan ang siya ring lumilikha ng tao at lahat ng bagay. Dahil sa kanyang kagandahang-loob ay ibabalik niyang muli ang inyong hininga at buhay, yamang hindi ninyo inaalintana ang sariling buhay dahil sa kanyang Kautusan.”

Sa pandinig ni Antioco, ang pangungusap na ito ng ina ay isang pag-aglahi sa kanya, kaya’t sinikap niyang mahimok ang bunsong anak ng babae na talikdan ang kanyang relihiyon. Ipinangako niya na payayamanin siya at patatanyagin; pagkakalooban pa ng mataas na tungkulin at ituturing na isang kaibigan ng hari. Subalit hindi siya inintindi ng anak, kaya’t nilapitan ng hari ang ina. Sinabi niyang payuhan nito ang anak kung gusto niyang ito’y mabuhay. Sa kahihimok ng hari, napahinunod ang ina na kausapin ang anak. Bilang pag-uyam sa malupit na hari, dumikit siya sa kanyang anak at pabulong na kinausap ito sa sariling wika, “Anak, mahabag ka sa iyong ina na siyam na buwang nagdala sa iyo sa kanyang sinapupunan. Tatlong taon kitang pinasuso. Pinalaki kita, pinapag-aral at inaruga hanggang ngayon. Masdan mo ang kalangitan at ang daigdig at lahat ng bagay na naroon. Alam mong ang lahat ng iyan ay nilikha ng Diyos, tulad din naman ng sangkatauhan. Huwag kang matakot sa berdugong ito. Ipakita mong karapat-dapat ka sa iyong mga kapatid na nagdusa hanggang kamatayan, upang sa muling pagkabuhay ay makapiling kita kasama nila.”

Hindi pa man natatapos magsalita ang ina, sinabi ng anak, “Ano pang iyong hinihintay, Haring Antioco? Hindi ko susundin ang utos mo; ang susundin ko’y ang mga utos na ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ni Moises! Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng pagpapahirap na ito sa mga Judio! Ngunit tandaan mo na hindi ka makatatakas sa parusa ng Diyos!”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 16, 1. 5-6. 8b at 15

Paggising ko, Poong sinta,
sa piling mo’y magsasaya.

Dinggin mo po, Panginoon, ang tapat kong panawagan,
Poon, ako ay dinggin mo, sa daing ko na tulungan;
pagkat ako’y taong tapat, di nandaya kailanman,
kaya ako’y sumasamong dalangin ko ay pakinggan.

Paggising ko, Poong sinta,
sa piling mo’y magsasaya.

Palagi kong sinusundan ang landas mong itinakda,
hindi ako lumilihis sa kanan man o kaliwa.
Ang daing ko, Panginoon, ay lagi mong dinirinig,
kaya ako’y dumudulog at sa iyo humihibik.

Paggising ko, Poong sinta,
sa piling mo’y magsasaya.

Kung paanong sa mata mo’y lubos ang ‘yong pag-iingat,
gayun ako ingatan mo sa lihim ng iyong pakpak.
Yamang ako ay matuwid, ang mukha mo’y mamamalas
kapag ako ay nagising, sa piling mo’y magagalak.

Paggising ko, Poong sinta,
sa piling mo’y magsasaya.

ALELUYA
Juan 15, 16

Aleluya! Aleluya!
Hinirang tayo ni Kristo
upang mamungang totoo
bilang mabubuting tao.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 19, 11-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, isinaysay ni Hesus ang isang talinghaga sa mga nakarinig ng una niyang pangungusap. Ginawa niya ito sapagkat malapit na siya sa Jerusalem, at ang akala ng mga tao ay itatatag na ang kaharian ng Diyos. Sabi niya: “May isang mahal na taong nagtungo sa malayong lupain upang gawing hari at magbalik pagkatapos niyon. Bago siya umalis, tinawag niya ang sampu sa kanyang mga alipin. Binigyan niya ang mga ito ng tig-iisang salaping ginto at sinabihan sila, ‘Ipangalakal ninyo iyan hanggang sa pagbabalik ko.’ Poot na poot naman sa kanya ang kanyang mga kababayan, kaya’t pagkaalis niya, nagsugo sila ng mga kinatawan upang sabihin sa kinauukulan: ‘Ayaw naming maging hari ang taong ito!’

“Ngunit ginawa ring hari ang taong iyon. Umuwi siya pagkatapos, at ipinatawag ang mga aliping binigyan niya ng salaping ginto, upang malaman kung gaano ang tinubo ng bawat isa. Lumapit sa kanya ang una at ang sabi, ‘Panginoon, ang salapi ninyong ginto ay nagtubo ng sampu.’ ‘Magaling,’ sagot niya. ‘Mabuting alipin! Yamang naging matapat ka sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa sampung bayan.’ Lumapit ang ikalawa at ang sinabi, ‘Panginoon, ang inyong salaping ginto ay nagtubo ng lima.’ At sinabi niya sa kanya, ‘Mamamahala ka sa limang bayan.’ Lumapit ang isa pang alipin at nagsabi, ‘Panginoon, heto po ang inyong salaping ginto. Binalot ko po sa panyo at itinago. Natatakot po ako sa inyo, sapagkat napakahigpit ninyo; kinukuha ninyo ang hindi sa inyo, at inaani ang hindi ninyo inihasik.’ Sinagot siya ng kanyang panginoon, ‘Masamang alipin! Sa salita mong iyan kita hahatulan. Alam mo palang ako’y mahigpit. Sinabi mo, kinukuha ko ang hindi sa akin at inaani ko ang hindi ko inihasik. Bakit hindi mo inilagay sa bangko ang aking salapi? Pagbabalik ko, sana’y may tinubo ang puhunang ito.’ At sinabi niya sa mga naroroon, ‘Kunin ninyo sa kanya ang salaping ginto, at ibigay sa may sampu.’ ‘Panginoon, siya po’y mayroon nang sampung salaping ginto!’ wika nila. ‘Sinasabi ko sa inyo: ang bawat mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Tungkol naman sa mga kaaway kong aayaw na ako’y maghari sa kanila – dalhin ninyo dito at patayin sa harapan ko!’”

Pagkasabi nito, nagpauna si Hesus patungong Jerusalem.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Natitipon bilang mga anak ng Diyos Ama na tagapagbigay ng lahat ng kabutihan, may pagpipitaan tayong manalangin sa kanya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng kabutihan, basbasan Mo kami.

Ang Simbahan nawa’y hindi matakot sa mga pagsubok kaugnay ng mga pagbabago at magamit niya sa matuwid na pamamaraan ang mga biyayaang ipinagkaloob sa kanya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng tao nawa’y makibahagi sa kayamanan ng lupa nang may katarungan, pagkakaisa, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng malalim na pagpapahalaga sa simpleng buhay upang lubos nating madama ang patuloy na pagdaloy ng pag-ibig ng Diyos sa ating mga maliliit na gawang kabutihan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga doktor, mga nars, at yaong mga nasa propesyon ng pag-aalaga nawa’y gamitin ang kanilang mga biyaya sa paghahatid ng pag-ibig at habag ni Kristo sa mga dukha, nalulumbay, maysakit, at ma nasa bilangguan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinagpalang yumao nawa’y makasama sa walang hanggang kaligayahan ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, tulungan mo kaming manatiling tapat sa maliliit na bagay ng buhay upang mapagkatiwalaan mo kami sa mga higit na dakilang bagay kapag pumasok kami sa iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Extreme weather

Loading

Isa sa mga pinakamalaking problema ng ating bayan kapanalig ay ang pagdalas ng pagdalaw ng extreme weather sa ating bansa. Ngayon, hindi na lamang bagyo ang ating pinangangambahan at pinaghahandaan. Ang mga super storms at torrential rains, kapanalig, ay mabilis na rin nagdadala ng malawakang sakuna sa maraming mga lugar sa ating bansa. Ang tagtuyot

Read More »

Asal Kalye

Loading

Hindi na uso ang road ethics sa ating mga lansangan kapanalig. Araw araw, sumasabay sa ingay ng mga busina at tambutso ang galit at kabastusan ng marami nating mga kababayang nasa lansangan. Ano na ba ang nangyari sa atin at bakit ang asal kalye sa ating bayan ay synonymous na sa masamang ugali? Ang laki

Read More »

Edukasyon

Loading

Isa na naman tayo sa mga kulelat pagdating sa math, science, at reading, kapanalig. Ayon sa pinakahuling resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA) 2022, pang 77 sa 81 countries ang Pilipinas. Ang assessment na ito ay ginagawa ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD) sa hanay ng mga mag-aaral na may edad

Read More »

End Violence Against Women

Loading

Mga Kapanalig, kasalukuyang idinadaos sa bansa ang 18-Day Campaign to End Violence Against Women (o VAW) sa pangunguna ng Philippine Commission on Women (o PCW).  Nagsisimula ito noong Nobyembre 25, kasabay ng International Day for the Elimination of VAW, at magtatapos sa Disyembre 12, kasabay naman ng International Day Against Trafficking. Ngayong taon, layunin ng

Read More »

Makatarungang PUV Modernization Program

Loading

Mga Kapanalig, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (o LTFRB) “non-negotiable” daw ang consolidation process sa Public Utility Vehicle (o PUV) Modernization Program. Layunin ng consolidation process na bumuo ng kooperatiba o korporasyon ang mga tsuper at operator ng PUVs upang makatanggap sila ng mga subsidiya at pautang mula sa gobyerno na maaaring

Read More »

Watch Live

Related Story

LUNES, DISYEMBRE 11, 2023

Loading

Lunes ng Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon o kaya Paggunita kay San Damaso I, Papa Isaias 35, 1-10 Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Ang Poong D’yos ay darating upang tayo ay tubusin. Lucas 5, 17-26 Monday of the Second Week of Advent (Violet) or Optional Memorial of St. Damasus I, Pope (White) UNANG PAGBASA Isaias 35,

Read More »

LINGGO, DISYEMBRE 10, 2023

Loading

Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (B) Isaias 40, 1-5. 9-11 Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa. 2 Pedro 3, 8-14 Marcos 1, 1-8 Second Sunday of Advent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 40, 1-5. 9-11 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias “Aliwin ninyo ang aking bayan,” sabi

Read More »

SABADO, DISYEMBRE 9, 2023

Loading

Sabado ng Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon o kaya Paggunita kay San Juan Diego Isaias 30, 19-21. 23-26 Salmo 146, 1-2. 3-4. 5-6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Mateo 9, 35 – 10, 1. 6-8 Saturday of the First Week of Advent (Violet) or Optional Memorial of St. Juan Diego, Hermit (White) UNANG PAGBASA Isaias

Read More »

BIYERNES, DISYEMBRE 8, 2023

Loading

Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria Genesis 3, 9-15. 20 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Umawit sa D’yos ng awa, ang gawain n’ya’y dakila. Efeso 1, 3-6. 11-12 Lucas 1, 26-38 Solemnity of the Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary Principal Patroness of the Philippines (White) UNANG PAGBASA Genesis 3,

Read More »

HUWEBES, DISYEMBRE 7, 2023

Loading

Paggunita kay San Ambrosio, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 26, 1-6 Salmo 117, 1 at 8-9. 19-21. 25-27a Pinagpala’ng dumarating sa ngalan ng Poon natin. Mateo 7, 21. 24-27 Memorial of St. Ambrose, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Huwebes ng Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon UNANG

Read More »

MIYERKULES, DISYEMBRE 6, 2023

Loading

Miyerkules ng Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon o kaya Paggunita kay San Nicolas, obispo Isaias 25, 6-10a Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Lagi akong mananahan sa bahay ng Poong mahal. Mateo 15, 29-37 Wednesday of the First Week of Advent (Violet) or Optional Memorial of St. Nicholas, Bishop (White) UNANG PAGBASA Isaias 25, 6-10a Pagbasa

Read More »

MARTES, DISYEMBRE 5, 2023

Loading

Martes sa Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon Isaias 11, 1-10 Salmo 71, 2. 7-8. 12-13. 17 Mabubuhay s’yang marangal at sasagana kailanman. Lucas 10, 21-24 Tuesday of the First Week of Advent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 11, 1-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sa araw na iyon, sa lahi ni Jesse

Read More »

LUNES, DISYEMBRE 4, 2023

Loading

Lunes ng Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon Isaias 2, 1-5 Salmo 121, 1-2. 3-4a. (4b-5. 6-7.) 8-9 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Mateo 8, 5-11 Monday of the First Week of Advent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 2, 1-5 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang pangitain ni Isaias

Read More »

LINGGO, DISYEMBRE 3, 2023

Loading

Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (B) Isaias 63, 16b-17. 19b; 64, 2b-7 Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16. 18-19 Akitin mo, Poong mahal, iligtas kami’t tanglawan. 1 Corinto 1, 3-9 Marcos 13, 33-37 First Sunday of Advent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 63, 16b-17. 19b; 64, 2b-7 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Read More »

SABADO, DISYEMBRE 2, 2023

Loading

Sabado ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Daniel 7, 15-27 Daniel 3, 82. 83. 84. 85. 86. 87 Dakilai’t papurihan ang Poon magpakailanman. Lucas 21, 34-36 Saturday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday

Read More »

BIYERNES, DISYEMBRE 1, 2023

Loading

Biyernes ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Daniel 7, 2-14 Daniel 3, 75. 76. 77. 78. 79. 80. 81 Dakilai’t papurihan ang Poon magpakailanman. Lucas 21, 29-33 Friday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Daniel 7, 2-14 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel Akong si Daniel ay nakakita

Read More »

HUWEBES, NOBYEMBRE 30, 2023

Loading

Kapistahan ni Apostol San Andres Roma 10, 9-18 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig. Mateo 4, 18-22 Feast of Saint Andrew, Apostle (Red) UNANG PAGBASA Roma 10, 9-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma Mga kapatid, kung ipahahayag ng iyong mga labi na si Hesus

Read More »

MIYERKULES, NOBYEMBRE 29, 2023

Loading

Miyerkules ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Daniel 5, 1-6. 13-14. 16-17. 23-28 Daniel 3, 62. 63. 64. 65. 66. 67 Dakilai’t papurihan ang Poon magpakailanman. Lucas 21, 12-19 Wednesday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Daniel 5, 1-6. 13-14. 16-17. 23-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel

Read More »

MARTES, NOBYEMBRE 28, 2023

Loading

Martes ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Daniel 2, 31-45 Daniel 3, 57. 58. 59. 60. 61 Dakilai’t papurihan ang Poon magpakailanman. Lucas 21, 5-11 Tuesday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Daniel 2, 31-45 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel Noong mga araw na iyon, sinabi ni

Read More »

LUNES, NOBYEMBRE 27, 2023

Loading

Lunes ng Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Daniel 1, 1-6. 8-20 Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56 Purihin at ipagdangal ang Diyos magpakailanman. Lucas 21, 1-4 Monday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Daniel 1, 1-6. 8-20 Ang simula ng aklat ni propeta Daniel Nang ikatlong taon ng pamamahala

Read More »