394 total views
Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
Tito 2, 1-8. 11-14
Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29
Nasa Dโyos ang kaligtasan
ng mga matโwid at banal.
Lucas 17, 7-10
Tuesday of the Thirty-second Week in Ordinary Timeย (Green)
UNANG PAGBASA
Tito 2, 1-8. 11-14
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Tito
Pinakamamahal, ang ituro moโy yaong wastong aral. Sabihin mo sa matatandang lalaki na silaโy maging mahinahon, marangal, matimpi, matatag sa pananampalataya at pag-ibig, at matiyaga. Sa matatandang babae naman sabihin mong silaโy mamuhay nang maayos, huwag maninirang-puri at huwag mahilig sa alak; magturo sila ng mabuti upang maakay nila ang mga kabataang babae na magmahal sa sariling asawa at mga anak. Ang mga babaing itoโy kailangan din nilang turuang maging mahinahon, malinis ang isipan, masipag, mabait, at masunurin sa kani-kanilang asawa upang walang masabi laban sa salita ng Diyos.
Pagbilinan mo rin ang mga kabataang lalaki na silaโy magpigil sa sarili. Sa lahat ng paraan, magpakita ka ng magandang halimbawa. Maging tapat ka sa iyong pagtuturo at huwag itong aariing biro. Wastong pangungusap ang lagi mong gagamitin upang hindi mapintasan ninuman ang sinasabi mo. Sa gayun, mapapahiya ang ating mga kalaban sapagkat wala silang maipaparatang sa atin.
Sapagkat inihayag ng Diyos ang kanyang kagandahang-loob na nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng tao. Ito ang siyang umaakay sa atin upang talikdan ang likong pamumuhay at damdaming makalaman. Kayaโt makapamumuhay tayo ngayon nang maayos, matuwid at karapat-dapat sa Diyos samantalang hinihintay natin ang ating inaasahan โ ang dakilang Araw ng paghahayag sa ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Hesukristo sa gitna ng kanyang kaningningan. Ibinigay niya ang kanyang sarili upang iligtas tayo sa lahat ng kalikuan at linisin para maging kanyang bayan na nakatalagang gumawa ng mabuti.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29
Nasa Dโyos ang kaligtasan
ng mga matโwid at banal.
Umasa ka sa Diyos, ang mabutiโy gawin,
at mananahan kang ligtas sa lupain.
Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan,
at ang pangarap moโy iyong makakamtan.
Nasa Dโyos ang kaligtasan
ng mga matโwid at banal.
Iingatan ng Diyos yaong masunurin,
ang lupang minanaโy di na babawiin.
Ang gabay ng tao sa kanyang paglalakad,
ay ang Panginoon, nang upang maligtas;
sa gawain niya, ang Diyos nagagalak.
Nasa Dโyos ang kaligtasan
ng mga matโwid at banal.
Ang mabutiโy gawin, masamaโy itakwil,
at mananahan kang lagi sa lupain.
Ang mga matuwid, ligtas na titira
at di na aalis sa lupang minana.
Nasa Dโyos ang kaligtasan
ng mga matโwid at banal.
ALELUYA
Juan 14, 23
Aleluya! Aleluya!
Ang sa akiโy nagmamahal
tutupad sa aking aral.
Amaโt akoโy mananahan.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 17, 7-10
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, sinabi ng Panginoon, โIpalagay nating kayoโy may aliping nag-aararo, o nagpapastol kaya ng tupa. Pagkagaling niya sa bukid, sasabihin ba ninyo sa kanya, โHalika at nang makakain ka naโ? Hindi! Sa halip ay ganito ang sinasabi ninyo: โIpaghanda mo ako ng hapunan; magbihis ka, at silbihan mo ako habang akoโy kumakain. Kumain ka pagkakain ko.โ Pinasasalamatan ba ang alipin dahil sa ginawa niya ang iniutos sa kanya? Gayun din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo, โKamiโy mga aliping walang kabuluhan; tumupad lamang kami sa aming tungkulin.โโ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes
Manalangin tayo sa ating Amang nasa Langit upang matularan natin si Kristo na kanyang Anak sa diwa ng paglilingkod na may pagmamahal.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, panatilihin Mo kami sa paglilingkod sa Iyo.
Ang Papa, mga obispo, at mga pari nawaโy maging tapat sa paglilingkod nang may kasipagan at dedikasyon sa kalipunan ng mga sumasampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pinuno ng ating lipunan nawaโy maging tunay na lingkod na may kasipagan sa pagsasakatuparan ng kabutihang pangkalahatan kaysa unahin ang kanilang sariling pakinabang, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawaโy lumago sa ating pagsusulong ng katarungan at pag-ibig sa pamamagitan ng ating lubos na paglilingkod sa kapwa sa bawat araw ng ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nagbibigay ng paglilingkod sa mga maysakit nawaโy sumaksi kay Jesus na siyang lingkod ng lahat, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating mga tapat na yumao nawaโy biyayaan ng ating Banal na Guro ng makalangit na gantimpala para sa kanilang mapagmahal na paglilingkod sa lupa, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoong Diyos, tulungan mo kaming maging lingkod sa bawat isa kasama si Jesus na aming Panginoon ngayon at magpakailanman. Amen.