Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, DISYEMBRE 6, 2023

SHARE THE TRUTH

 6,920 total views

Miyerkules ng Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

o kaya Paggunita kay San Nicolas, obispo

Isaias 25, 6-10a
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

Lagi akong mananahan
sa bahay ng Poong mahal.

Mateo 15, 29-37

Wednesday of the First Week of Advent (Violet)

or Optional Memorial of St. Nicholas, Bishop (White)

UNANG PAGBASA
Isaias 25, 6-10a

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sa araw na iyon:
sa Bundok ng Sion,
aanyayahan ng Panginoon ang lahat ng bansa,
gagawa siya ng isang piging para sa lahat
na ang handa’y masasarap na pagkain at inumin.
Sa bundok ding ito’y papawiin niya ang kalungkutang
naghahari sa lahat ng bansa.
Lubusan na niyang papawiin ang kamatayan,
papahirin ng Panginoon ang luha ng lahat;
aalisin niya sa kahihiyan ang kanyang bayan.
Kung magkagayon, sasabihin ng lahat:
“Siya ang ating Diyos na ating pinagtitiwalaan,
ang inaasahan nating magliligtas sa atin;
magalak tayo at ipagdiwang ang kanyang pagliligtas.”
Iingatan ng Diyos ang bundok na ito.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

Lagi akong mananahan
sa bahay ng Poong mahal.

Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang.
Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan.

Lagi akong mananahan
sa bahay ng Poong mahal.

At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan
sa matuwid na landisa’y doon ako inaakay.
Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.

Lagi akong mananahan
sa bahay ng Poong mahal.

Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang,
ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway;
Nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw.

Lagi akong mananahan
sa bahay ng Poong mahal.

Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan,
sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay;
doon ako sa templo mo lalagi at mananahan.

Lagi akong mananahan
sa bahay ng Poong mahal.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Panginoong nagliligtas
sa ati’y darating tiyak
mapalad syang makaharap.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 15, 29-37

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nagbalik si Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. At siya’y umahon sa burol at naupo. Nagdatingan ang napakaraming tao na may dalang mga pilay, bulag, pingkaw, pipi, at marami pang iba. Inilagay nila ang mga maysakit sa harapan ni Hesus at kanyang pinagaling sila. Namangha ang mga tao nang makita nilang nagsasalita na ang mga pipi, gumaling na ang mga pingkaw, nakalalakad na ang mga pilay, at nakakikita na ang mga bulag. At nagpuri sila sa Diyos ng Israel.

Tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi, “Nahahabag ako sa mga taong ito, sapagkat tatlong araw na ngayong kasama ko sila at wala na silang makain. Hindi ko ibig na sila’y paalising gutom; baka sila mahilo sa daan.” At sinabi ng mga alagad, “Saan po tayo kukuha rito ng tinapay na makasasapat sa gayong karaming tao?” “Ilan ang tinapay ninyo riyan?” tanong ni Hesus sa kanila. “Pito po,” sagot nila, “at ilang maliliit na isda.” Ang mga tao’y pinaupo ni Hesus sa lupa. Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nagpapasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang mga iyon at ibinigay sa mga alagad para ipamahagi sa mga tao. Kumain ang lahat at nabusog; at nang tipunin nila ang mga tinapay na lumabis, nakapuno sila ng pitong bakol na malalaki.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Adbiyento
Miyerkules

Sa himala ng pagpapakain ng limanlibong tao, ipinakikita ng Panginoon na ibibigay sa atin ng Ama ang lahat ng ating kailangan. Hingin natin sa kanya ang lahat ng biyayang maipagkakaloob niya sa atin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos na nagbibigay sa amin ng lahat, pagpalain mo kami.

Ang mga paring nag-aakay sa atin nawa’y patuloy tayong busugin ng epiritwal na pagkaing nagmumula sa Hapag ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y makahanap ng mga paraan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mahihirap natin kapatid, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdaranas ng epiritwal na pagkagutom nawa’y matagpuan si Kristo sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagkakatipon dito nawa’y ibigin si Kristo sa Eukaristiya bilang paghahandog niya ng sarili sa maraming tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng yumao nawa’y makasalo sa piging sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming makapangyarihan, ibinigay mo sa amin ang tinapay mula sa Langit bilang pagkain para sa aming paglalakbay dito sa lupa. Gabayan mo ang aming mga hakbang patungo sa katarungan at kapayapaan. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 17,468 total views

 17,468 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 25,568 total views

 25,568 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 43,535 total views

 43,535 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 72,701 total views

 72,701 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 93,278 total views

 93,278 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Watch Live

Related Post

Lunes, Mayo 12, 2025

 178 total views

 178 total views Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kina San Nereo at San Achilles, mga martir o kaya Paggunita kay San

Read More »

Linggo, Mayo 11, 2025

 625 total views

 625 total views Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K) Mga Gawa 13, 14. 43-52 Salmo 99, 2. 3. 5 Lahat tayo’y kanyang bayan,

Read More »

Sabado, Mayo 10, 2025

 1,156 total views

 1,156 total views Sabado sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Juan ng Avila, Pari at Pantas ng Simbahan Mga Gawa 9,

Read More »

Biyernes, Mayo 9, 2025

 1,502 total views

 1,502 total views Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 1-20 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral.

Read More »

Huwebes, Mayo 8, 2025

 2,100 total views

 2,100 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 26-40 Salmo 65, 8-9. 16-17. 20 Sangkalupaang nilalang galak sa Poo’y isigaw.

Read More »

Miyerkules, Mayo 7, 2025

 1,600 total views

 1,600 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 1b-8 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.

Read More »

Martes, Mayo 6, 2025

 2,255 total views

 2,255 total views Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 7, 51 – 8, 1a Salmo 30, 3kd-4. 6ab at 7b at 8a.

Read More »

Lunes, Mayo 5, 2025

 2,443 total views

 2,443 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 8-15 Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30 Mapalad ang sumusunod sa utos ng

Read More »

Linggo, Mayo 4, 2025

 2,348 total views

 2,348 total views Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K) Mga Gawa 5, 27b-32. 40b-41 Salmo 29, 2 at 4. 5 at 6. 11 at

Read More »

Sabado, Mayo 3, 2025

 3,190 total views

 3,190 total views Kapistahan nina Apostol San Felipe at Santiago 1 Corinto 15, 1-8 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig.

Read More »

Biyernes, Mayo 2, 2025

 3,408 total views

 3,408 total views Paggunita kay San Atanasio, obispo at pantas ng Simbahan Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y

Read More »

Huwebes, Mayo 1, 2025

 1,077 total views

 1,077 total views Paggunita kay San Jose, manggagawa Genesis 1, 26 – 2, 3 o kaya Colosas 3, 14-15. 17. 23-24 Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14

Read More »

Miyerkules, Abril 30, 2025

 4,657 total views

 4,657 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, papa Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5.

Read More »

Martes, Abril 29, 2025

 5,039 total views

 5,039 total views Pagggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na!

Read More »

Lunes, Abril 28, 2025

 5,652 total views

 5,652 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pedro Chanel, pari at martir o kaya Paggunita kay San Luis Maria

Read More »
Scroll to Top