Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Miyerkules, Setyembre 11, 2024

SHARE THE TRUTH

 9,805 total views

Miyerkules ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

1 Corinto 7, 25-31
Salmo 44, 11-12. 14-15. 16-17

O kab’yak ng hari namin,
ang payo ko’y ulinigin.

Lucas 6, 20-26

Wednesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
1 Corinto 7, 25-31

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, tungkol naman sa mga walang asawa, wala akong maibibigay na utos mula sa Panginoon. Ngunit bilang isang taong mapagkakatiwalaan dahil sa habag sa akin ng Panginoon, magbibigay ako ng aking kuru-kuro.

Dahil sa matinding kahirapan sa kasalukuyan, inaakala kong mabuti pa sa isang tao ang manatili sa kanyang kalagayan. Ikaw ba’y may asawa na? Huwag kang makipaghiwalay. Wala ka pa bang asawa? Huwag mong hangaring magkaasawa. Kung ikaw ay mag-asawa, hindi ka nagkakasala, at kung ang isang dalaga’y mag-asawa, hindi siya nagkakasala. Ngunit magdaranas sila ng mga kahirapan sa buhay na ito, at iyan ang ibig kong maiwasan ninyo.

Ito ang ibig kong sabihin, mga kapatid: malapit na ang takdang panahon, kaya’t mula ngayon, ang may-asawa’y mamuhay na parang walang asawa; ang mga nananangis, na parang di nananangis; ang mga nagagalak, na parang di nagagalak; ang mga namimili, na parang walang ari-arian, at ang mga nagtatamasa sa sanlibutang ito, na parang di nila ito alintana. Sapagkat ang lahat ng bagay sa daigdig na ito’y mapaparam.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 44, 11-12. 14-15. 16-17

O kab’yak ng hari namin,
ang payo ko’y ulinigin.

O kabiyak nitong hari, ang payo ko’y ulinigin;
ang lahat mong kamag-anak at ang madla ay limutin.
Sa taglay mong kagandahan ang hari ang paibigin;
siya’y iyong panginoon, marapat na iyong sundin.

O kab’yak ng hari namin,
ang payo ko’y ulinigin.

Ang prinsesa sa palasyo’y pagmasdan mo’t anong ganda;
sinulid na gintung-ginto ang niyaring damit niya.
Sa makulay niyang damit, sa hari ay pinapunta,
haharap sa haring yaong mga abay ay kasama.

O kab’yak ng hari namin,
ang payo ko’y ulinigin.

Sama-samang masasaya, ang lahat ay nagagalak
na pumasok sa palasyo at sa hari ay humarap.
Darami ang iyong supling, sa daigdig maghahari,
kapalit ng ninuno mo sa sinumang mga lahi.

O kab’yak ng hari namin,
ang payo ko’y ulinigin.

ALELUYA
Lucas 6, 23ab

Aleluya! Aleluya!
Magalak kayo’t magdiwang
malaki ang nakalaang
gantimpala ninyong tanan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 6, 20-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, tumingin si Hesus sa mga alagad, at kanyang sinabi,
“Mapalad kayong mga dukha, sapagkat ang Diyos ang maghahari sa inyo!”
“Mapalad kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo’y bubusugin!”
“Mapalad kayong mga tumatangis ngayon, sapagkat kayo’y magagalak!”
“Mapalad kayo kung dahil sa Anak ng Tao kayo’y kinapopootan, ipinagtatabuyan at inaalimura ng mga tao, at pati ang inyong pangalan ay kinasusuklaman. Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung ito’y mangyari, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit — gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.”
“Ngunit sa aba ninyong mayayaman ngayon, sapagkat nagtamasa na kayo ng kaginhawahan!”
“Sa aba ninyong mga busog ngayon, sapagkat kayo’y magugutom!”
“Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon, sapagkat kayo’y magdadalamhati at magsisitangis!”
“Sa aba ninyo, kung kayo’y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Mayaman man o mahirap, lahat tayo ay sama-samang tinatawag ng Diyos bilang kanyang mga anak ng Kaharian. Manalangin tayo sa Ama nang may tunay na puso.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng pagpapala, lingapin Mo kami.

Ang Simbahang dumaranas ng pag-uusig nawa’y patuloy na kumapit sa pananampalataya at tipunin ang lahat sa pagkakaisa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha at mga nangagugutom nawa’y tumanggap ng kanilang kabusugan sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod ng ating mga pinuno, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga sumasampalatayang inuusig, iniinsulto, kinamumuhian, at inaabuso nawa’y magbunyi sa kasiyahan ng Kahariang naghihintay sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga matatanda nawa’y makadama ng kasiguruhan sa pamamagitan ng ating pag-ibig at pag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y tumanggap ng habag ng Panginoon sa tulong ng ating mga panalangin, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, pakinggan mo ang aming mga hinaing. Nawa’y ipahayag ng aming buhay ang kaligayahang inihanda mong maging amin sapagkat ikaw ay aming Panginoon, ngayon at magpakailanman. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Deserve ng ating mga teachers

 6,652 total views

 6,652 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 56,976 total views

 56,976 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 66,452 total views

 66,452 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 65,868 total views

 65,868 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »

18,271 positions

 78,793 total views

 78,793 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Huwebes, Oktubre 10, 2024

 59 total views

 59 total views Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang Israel. Lucas 11, 5-13 Thursday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 3, 1-5 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Nahihibang na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 9, 2024

 473 total views

 473 total views Miyerkules ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina Obispo San Dionisio at mga kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San Juan Leonardo, pari Galacia 2, 1-2. 7-14 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Lucas 11, 1-4 Wednesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional

Read More »

Martes, Oktubre 8, 2024

 1,017 total views

 1,017 total views Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 1, 13-24 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 10, 38-42 Tuesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 1, 13-24 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga

Read More »

Lunes, Oktubre 7, 2024

 1,294 total views

 1,294 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario Galacia 1, 6-12 Salmo 110, 1-2. 7-8. 9 at 10k Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 10, 25-37 Memorial of Our Lady of the Rosary (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Galacia 1, 6-12 Pagbasa

Read More »

Linggo, Oktubre 6, 2024

 1,570 total views

 1,570 total views Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Genesis 2, 18-24 Salmo 127, 1-2. 3. 4-5. 6 Tayo nawa ay basbasan ng Poon magpakailanman. Hebreo 2, 9-11 Marcos 10, 2-16 o kaya Marcos 10, 2-12 Twenty-seventh Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 2, 18-24 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Sinabi ng Panginoong Diyos: “Hindi

Read More »

Sabado, Oktubre 5, 2024

 1,426 total views

 1,426 total views Sabado ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Maria Faustina Kowalska Job 42, 1-3. 5-6. 12-16 Salmo 118, 66. 71. 75. 91. 125. 130 Tumanglaw ka sa lingkod mo at pagpalain mo ako. Lucas 10, 17-24 Saturday of the Twenty-sixth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

Biyernes, Oktubre 4, 2024

 1,845 total views

 1,845 total views Paggunita kay San Francisco de Asis Job 38, 1. 12-21; 40, 3-5 Salmo 138, 1-3. 7-8. 9-10. 13-14ab Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 10, 13-16 Memorial of St. Francis of Assisi (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Job 38,

Read More »

Huwebes, Oktubre 3, 2024

 1,967 total views

 1,967 total views Huwebes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Job 19, 21-27 Salmo 26, 7-8a. 8b-9abk. 13-14 Makikita ang Maykapal sa kanyang lupang hinirang. Lucas 10, 1-12 Thursday of the Twenty-sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Job 19, 21-27 Pagbasa mula sa aklat ni Job Sinabi ni Job: “Aking mga kaibigan, ako’y

Read More »

Miyerkules, Oktubre 2, 2024

 3,378 total views

 3,378 total views Paggunita sa mga Anghel na Tagatanod Job 9, 1-12. 14-16 Salmo 87, 10bk-11. 12-13. 14-15 Panginoon, ako’y dinggin sa pagsamo ko’t dalangin. Mateo 18, 1-5. 10 Memorial of the Holy Guardian Angels (White) Mga Pagbasa mula sa Miyerkules ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) at Hanay ng mga Banal UNANG PAGBASA Job

Read More »

Martes, Oktubre 1, 2024

 4,411 total views

 4,411 total views Paggunita kay Santa Teresita ng Sanggol na si Hesus, dalaga Job 3, 1-3. 11-17. 20-23 Salmo 87. 2-3. 4-5. 6. 7-8 Panginoon, ako’y diggin sa pagsamo ko’t dalangin. Lucas 9, 51-56 Memorial of St. Therese of the Child Jesus (White) Mission Day for Religious Sisters Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-26 na Linggo

Read More »

Lunes, Setyembre 30, 2024

 5,279 total views

 5,279 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Job 1, 6-22 Salmo 16, 1. 2-3. 6-7 Daing ko’y ‘yong dinirinig tuwing ako’y humihibik. Lucas 9, 46-50 Memorial of St. Jerome, Priest and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Job

Read More »

Linggo, Setyembre 15, 2024

 7,818 total views

 7,818 total views Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 50, 5-9a Salmo 115, 1-2. 3-4. 5-6. 8-9 Kapiling ko habambuhay ang Panginoong Maykapal. Santiago 2, 14-18 Marcos 8, 27-35 Twenty-fourth Sunday in Ordinary Time (Green) National Catechetical Day (Catechist’s Sunday) UNANG PAGBASA Isaias 50, 5-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Binigyan ako ng

Read More »

Sabado, Setyembre 14, 2024

 8,755 total views

 8,755 total views Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal Mga Bilang 21, 4b-9 Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Filipos 2, 6-11 Juan 3, 13-17 Feast of the Exaltation of the Cross (Red) UNANG PAGBASA Mga Bilang 21, 4b-9 Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang Noong mga

Read More »

Biyernes, Setyembre 13, 2024

 9,171 total views

 9,171 total views Paggunita kay San Juan Crisostomo, obispo at pantas ng Simbahan 1 Corinto 9, 16-19. 22b-27 Salmo 83, 3. 4. 5-6. 12 Ang templo mo’y aking mahal, D’yos na Makapangyarihan. Lucas 6, 39-42 Memorial of St. John Chrysostom, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang

Read More »

Huwebes, Setyembre 12, 2024

 9,550 total views

 9,550 total views Huwebes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Kamahal-mahalang Ngalan ng Birhen 1 Corinto 8, 1b-7. 11-13 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 23-24 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 6, 27-38 Thursday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Holy Name of Mary (White)

Read More »
Scroll to Top