Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SABADO, ABRIL 15, 2023

SHARE THE TRUTH

 360 total views

Sabado sa Walong Araw na Pagdiriwang
ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Mga Gawa 4, 13-21
Salmo 117, 1 at 14-15. 16ab-18. 19-21

Pinupuri kita, D’yos ko,
pagkat ako’y dininig mo.

Marcos 16, 9-15

Saturday within the Octave of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 4, 13-21

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, nagtaka ang mga pinuno at matatanda at mga eskriba sa katapangang ipinakita nina Pedro at Juan, lalo na nang mabatid nilang mga karaniwang tao lamang ang ito at hindi nag-aral. Napagkilala nilang sila’y kasamahan ni Hesus noong nabubuhay pa. At nang makita nila ang taong pinagaling, na nakatayo sa tabi ng dalawa, wala silang masabi laban sa kanila. Kaya’t pinalabas muna sa Sanedrin ang mga alagad, saka sila nag-usap. “Ano ang gagawin natin sa mga taong ito?” tanong nila. “Sapagkat hayag na sa buong Jerusalem at hindi natin maitatatwa na isang pambihirang kababalaghan ang naganap sa pamamagitan nila. Para hindi na kumalat ito, balaan natin sila na huwag nang magsalita kaninuman tungkol sa pangalang ito.” Kaya’t muli nilang ipinatawag sina Pedro, at binalaan na huwag nang magsasalita o magtuturo pa tungkol kay Hesus.

Subalit sumagot sina Pedro at Juan, “Kayo na po ang humatol kung alin ang matuwid sa paningin ng Diyos: ang sumunod sa inyo o ang sumunod sa Diyos. Hindi maaaring di namin ipahayag ang aming nakita’t narinig.” At sila’y binalaan nang lalo pang mahigpit saka pinalaya. Wala silang makitang paraan upang maparusahan ang dalawa, sapagkat ang mga tao’y nagpupuri sa Diyos dahil sa nangyari.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 117, 1 at 14-15. 16ab-18. 19-21

Pinupuri kita, D’yos ko,
pagkat ako’y dininig mo.

o kaya: Aleluya!

O pasalamatan
ang Panginoong Diyos, pagkat siya’y mabuti;
ang kanyang pag-ibig
ay napakatatag at mananatili.
Dahilan sa Poon
ako’y pinalakas, at ako’y tumatag;
siya, sa buhay ko, ang Tagapagligtas.
Dinggin ang masayang
sigawan sa tolda ng mga hinirang:
“Ang Poon ay siyang lakas na patnubay!

Pinupuri kita, D’yos ko,
pagkat ako’y dininig mo.

Ang lakas ng Poon
ang siyang nagdulot ng ating tagumpay,
sa pakikibaka sa ating kaaway.”
Aking sinasabing
di ako papanaw, mabubuhay ako
upang isalaysay
ang gawa ng Diyos na Panginoon ko.
Pinagdusa ako
at pinarusahan nang labis at labis,
ngunit ang buhay ko’y di niya pinatid.

Pinupuri kita, D’yos ko,
pagkat ako’y dininig mo.

Ang mga pintuan
ng banal na templo’y inyo ngayong buksan,
ako ay papasok,
at itong Panginoo’y papupurihan.
Ito yaong pintong
pasukan ng Poon, ang Panginoong Diyos;
tanging ang matuwid
ang pababayaang doo’y makapasok!
Aking pinupuri
Ikaw, O Poon, yamang pinakinggan,
dininig mo ako’t pinapagtagumpay.

Pinupuri kita, D’yos ko,
pagkat ako’y dininig mo.

ALELUYA
Salmo 117, 24

Aleluya! Aleluya!
Araw ngayong gawa ng D’yos,
magdiwang tayo nang lubos.
Purihin ang Manunubos.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 16, 9-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Umagang-umaga ng araw ng Linggo, matapos na muling mabuhay si Hesus, siya’y unang napakita kay Maria Magdalena. Pitong demonyo ang pinalayas ni Hesus sa babaing ito. Pumunta siya sa mga alagad ni Hesus, na noo’y nahahapis at umiiyak, at ibinalita ang kanyang nakita. Ngunit hindi sila naniwala sa sinabi ni Maria na buhay si Hesus at napakita sa kanya.

Siya’y napakita rin sa dalawang alagad na naglalakad patungo sa bukid, ngunit iba ang kanyang kaanyuan. Bumalik sa Jerusalem ang dalawa at ibinalita sa kanilang kasamahan ang nangyari, ngunit sila ma’y hindi pinaniwalaan.

Pagkatapos, napakita siya sa Labing-isa samantalang kumakain ang mga ito. Pinagwikaan niya sila dahil sa hindi nila pananalig sa kanya, at sa katigasan ng ulo, sapagkat hindi sila naniwala sa mga nakakita sa kanya pagkatapos na siya’y muling mabuhay. At sinabi ni Hesus sa kanila, “Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Sabado

Manalangin tayo ngayon sa Diyos na ating Ama sa Espiritu ng kanyang Anak na Muling Nabuhay upang makibahagi sa ating buhay, lunasan ang ating mga pag-aalinlangan, at ibalik ang ating pananampalataya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, bigyan Mo kami ng kapangyarihan
sa pamamagitan ng Espiritu ni Jesus.

Ang Simbahan nawa’y mapuspos ng Espiritu ng Panginoong Muling Nabuhay habang ipinahahayag niya ang Panginoon sa buong mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang italaga ang ating sarili kay Kristo bilang katunayan ng ating pag-ibig sa kanya, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y hindi maghinanakit sa mga sumasalungat sa atin, bagkus ay ipanalangin ang kanilang pagbabagong-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y paginhawahin sa kanilang pagdurusa bunga ng kanilang pananampalataya sa Panginoong Muling Nabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y maranasan ang mapanligtas na kapangyarihan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, pagkalooban mo kami ng tapang na magpatotoo sa pagdating ng iyong Kaharian. Marapatin mo na lagi naming matupad ang iyong kalooban upang kami ay maging karapat-dapat sa iyong mga biyaya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 15,425 total views

 15,425 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 21,649 total views

 21,649 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 30,342 total views

 30,342 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 45,110 total views

 45,110 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 52,232 total views

 52,232 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Setyembre 15, 2024

 325 total views

 325 total views Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 50, 5-9a Salmo 115, 1-2. 3-4. 5-6. 8-9 Kapiling ko habambuhay ang Panginoong Maykapal. Santiago 2, 14-18 Marcos 8, 27-35 Twenty-fourth Sunday in Ordinary Time (Green) National Catechetical Day (Catechist’s Sunday) UNANG PAGBASA Isaias 50, 5-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Binigyan ako ng

Read More »

Sabado, Setyembre 14, 2024

 1,302 total views

 1,302 total views Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal Mga Bilang 21, 4b-9 Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Filipos 2, 6-11 Juan 3, 13-17 Feast of the Exaltation of the Cross (Red) UNANG PAGBASA Mga Bilang 21, 4b-9 Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang Noong mga

Read More »

Biyernes, Setyembre 13, 2024

 1,788 total views

 1,788 total views Paggunita kay San Juan Crisostomo, obispo at pantas ng Simbahan 1 Corinto 9, 16-19. 22b-27 Salmo 83, 3. 4. 5-6. 12 Ang templo mo’y aking mahal, D’yos na Makapangyarihan. Lucas 6, 39-42 Memorial of St. John Chrysostom, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang

Read More »

Huwebes, Setyembre 12, 2024

 2,184 total views

 2,184 total views Huwebes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Kamahal-mahalang Ngalan ng Birhen 1 Corinto 8, 1b-7. 11-13 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 23-24 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 6, 27-38 Thursday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Holy Name of Mary (White)

Read More »

Miyerkules, Setyembre 11, 2024

 2,487 total views

 2,487 total views Miyerkules ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 7, 25-31 Salmo 44, 11-12. 14-15. 16-17 O kab’yak ng hari namin, ang payo ko’y ulinigin. Lucas 6, 20-26 Wednesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 7, 25-31 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa

Read More »

Martes, Setyembre 10, 2024

 2,719 total views

 2,719 total views Martes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 6, 1-11 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Lucas 6, 12-19 Tuesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 6, 1-11 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San

Read More »

Lunes, Setyembre 9, 2024

 2,287 total views

 2,287 total views Lunes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pedro Claver, pari 1 Corinto 5, 1-8 Salmo 5, 5-6. 7. 12 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y aking sundan. Lucas 6, 6-11 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Peter Claver, Priest (White) UNANG PAGBASA 1

Read More »

Linggo, Setyembre 8, 2024

 2,316 total views

 2,316 total views Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 35, 4-7a Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Santiago 2, 1-5 Marcos 7, 31-37 Twenty-third Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 35, 4-7a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob: “Huwag kang

Read More »

Sabado, Setyembre 7, 2024

 2,630 total views

 2,630 total views Sabado ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Corinto 4, 6b-15 Salmo 144, 17-18. 19-20. 21 Sa tumatawag sa Poon, ang D’yos ay handang tumulong. Lucas 6, 1-5 Saturday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary

Read More »

Biyernes, Setyembre 6, 2024

 2,866 total views

 2,866 total views Biyernes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 4, 1-5 Salmo 36, 3-4. 5-6. 27-28. 39-40 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 5, 33-39 Friday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 4, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo

Read More »

Huwebes, Setyembre 5, 2024

 3,502 total views

 3,502 total views Huwebes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 18-23 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Ang daigdig lahat doon, ang may-ari’y ating Poon. Lucas 5, 1-11 Thursday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 18-23 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Miyerkules, Setyembre 4, 2024

 3,758 total views

 3,758 total views Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 1-9 Salmo 32, 12-13. 14-15. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Lucas 4, 38-44 Wednesday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 1-9 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Martes, Setyembre 3, 2024

 4,141 total views

 4,141 total views Paggunita sa Dakilang Papa San Gregorio, pantas ng Simbahan 1 Corinto 2, 10b-16 Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab. 13kd-14 Mat’wid ang Poong dakila sa lahat ng kanyang gawa. Lucas 4, 31-37 Memorial of St. Gregory the Great, Pope and Doctor (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG

Read More »

Lunes, Setyembre 2, 2024

 4,554 total views

 4,554 total views Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 1-5 Salmo 118, 97. 98. 99. 100. 101. 102 Iniibig ko nang lubos tanang utos mo, Poong D’yos Lucas 4, 16-30 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 2, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Setyembre 1, 2024

 5,213 total views

 5,213 total views Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 4, 1-2. 6-8 Salmo 14, 2-3a. 3kd-4ab. 5 Sino kayang tatanggapin sa templo ng Poon natin? Santiago 1, 17-18. 21b-22. 27 Marcos 7, 1-8. 14-15. 21-23 Twenty-second Sunday in Ordinary Time (Green) World Day of Prayer for the Care of Creation UNANG PAGBASA Deuteronomio 4, 1-2. 6-8

Read More »
Scroll to Top