Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Proteksyunan ang Marikina watershed

SHARE THE TRUTH

 274 total views

Mga Kapanalig, sariwa pa sa alaala ng mga kababayan natin sa Kasiglahan Village, isang resettlement site ng gobyerno sa Rodriguez, Rizal, ang kalunus-lunos na sinapit nila noong nanalasa ang Bagyong Ulysses noong 2020. Rumaragasang bahang may kasamang makapal na putik at malalaking troso ang sumira sa kanilang mga bahay. Maraming residenteng inanod ng tubig at hindi na muling nakita. Ilang buwan ang kanilang hinintay upang makatayong muli kahit papaano mula sa trahedyang iyon.

Ito ang ayaw na muling mangyari ng mga alkaldeng sumama sa isang panawagang kanselahin na ng Department of Environment and Natural Resources (o DENR) ang tatlong large-scale quarrying agreements sa Masungi Georeserve at iba pang bahagi ng Upper Marikina Watershed. Kabilang sa pumirma sa isang liham sa DENR ang mga mayor ng Marikina, Pasig, at Muntinlupa, gayundin ang bise-alkalde ng Angono at mga kapitan ng ilang barangay sa Marikina. Hindi kasama ang mayor ng Rodriguez.

Sa sulat, sinabi ng mga mayor na ang kanilang mga constituents ang laging nasasalanta sa baha tuwing may malakas na bagyo at ulan sa Upper Marikina Watershed. Sa kanilang mga bayan kasi bumababa ang tubig mula sa naturang watershed. Dagdag pa nila, ang pagkakalbo ng kagubatan sa watershed at pagbabaw ng mga ilog doon ang nagpapalalâ sa bahang nararanasan sa kani-kanilang bayan. Idiin nilang dapat protektahan ang Upper Marikina Watershed na bahagi ng bulubunduking Sierra Madre na nagsisilbing proteksyon natin sa malalakas na bagyo. Dapat daw isaalang-alang ang kapakanan ng mga tao ngayon at sa hinarahap.

Bagamat sinuspindi na ng DENR ang mga Mineral Production Sharing Agreements (o MPSA) na sumasakop sa mahigit 1,300 ektarya ng kagubatan, hindi ito garantiyang mapipigilan ang anumang quarrying operations sa protected watershed. Sa ngayon nga, may banta ng quarrying sa Masungi Georeserve, isang protected forest area na Rizal. Sa ngayon, pinangangasiwaan ang lugar sa tulong ng mga pribadong organisasyon at mga multi-sectoral environmental groups, ngunit ilang beses nang nagtangka ang mga may interes sa quarrying na pasukin ang lugar.

Sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’, hiniram ni Pope Francis ang mga salita ni Ecumenical Patriarch Bartholomew na ang pagsira sa kalikasan—kasama na ang pagkalbo sa mga gubat—ay maituturing na kasalanan. Dagdag pa niya, “to commit a crime against the natural world is a sin against ourselves and a sin against God.” Ang pagkakasala sa kalikasan ay pagkakasala rin laban sa ating mga sarili at laban sa Panginoon. Sabi nga sa Mga Pahayag 11:18, hahatulan ng Diyos “ang mga nagwawasak sa daigdig.” Ito na ang nangyayari sa atin ngayon sa tuwing may mga kalimidad. Bumabalik na sa ating mga tao ang ating pagpapabaya sa harap ng kasakiman ng iilan.

Ang masaklap, ang mga taong wala namang kinalaman o bahagi sa mga kasalanang ito ang labis na nasasalanta sa tuwing may mga kalamidad. Laging ikinakatwiran ng gobyerno at mga may-ari ng malalaking negosyo na makatutulong sa kaunlaran ang mga proyektong katulad ng pagmimina at quarrying. Ngunit aanhin natin ang kaunlarang ito kung ang kapalit naman ay buhay at kaligtasan ng mas marami? Aanhin natin ang kaunlarang ito kung ang kapalit nito ay ang pagsira sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon? Nakalulungkot na may mga taong ang iniisip lamang ang pansamantalang ganansya sa halip na ang pangmatagalang epekto ng kanilang pagsira sa kalikasan.

Mga Kapanalig, madagdagan pa sana ang mga lider nating maglalakas-loob na manindigan para sa pangangalaga hindi lamang ng Upper Marikina Watershed kundi pati ng napakaselang kalikasan ng ating bansa. Maraming taon ang bibilangin upang maibalik sa dati ang nasira nating kalikasan, ngunit ang mahalaga ay ang magsimula ngayon na.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,298 total views

 5,298 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 18,438 total views

 18,438 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 24,411 total views

 24,411 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 30,166 total views

 30,166 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 37,428 total views

 37,428 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,299 total views

 5,299 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 18,439 total views

 18,439 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 24,412 total views

 24,412 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 30,167 total views

 30,167 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 37,429 total views

 37,429 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,011 total views

 41,011 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,392 total views

 36,392 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,396 total views

 48,396 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,438 total views

 56,438 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,995 total views

 47,995 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,420 total views

 46,420 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,206 total views

 48,206 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,131 total views

 45,131 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,445 total views

 59,445 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,135 total views

 63,135 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top