175 total views
Nagbabala ang pamunuan ng Manila Cathedral sa publiko hinggil sa kumakalat na pekeng Facebook Account ng Katedral na nagbebenta ng mga religious items.
Batay sa Facebook post ng The Manila Cathedral, ang opisyal na account ng Simbahan, ginagamit ang pangalan ng Katedral para sa pangongolekta ng salapi kapalit ang “miraculous medal” na binasbasan ng mga Pari at Obispo ng Vatican sa loob ng 100 araw.
Saad pa sa post wala ring grupong “Youth for Manila Cathedral” na naatasang mangalap ng pondo para sa pagsasaayos ng Simbahan at sa iba pang programa nito.
Iginiit ng The Manila Cathedral, na walang medalya binasbasan ng mga Pari, Obispo at maging ng Santo Papa na nagmula sa Vatican na ibenebenta para sa kawanggawa ng Simbahan.
Samantala, kinundena ng Kan’yang Kabunyian Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle sa homiliya noong Huwebes Santo ang laganap na fake news sa lipunan kung saan binigyang diin na pagnanakaw ng pagkatao ang paggawa ng mga fake news at fake accounts.
Batay sa ulat ng Digital 2019 sa pag-aaral ng We Are Social at Hootsuite na ginawa noong 2018, nangunguna ang Pilipinas pinakagumagamit ng internet kung saan naglalaan ng sampung oras at dalawang minuto bawat araw mula sa higit 9 na oras noong 2017.
Patuloy naman nagpaalala ang mga lider ng Simbahang Katolika sa Pilipinas sa mamamayan na maging mapagmatyag sa social media upang makaiwas sa mga pekeng impormasyon at pananamantala ng ilang indibidwal.
Kadalasang ginagamit ang pangalan ng ilang Simbahan sa bansa, mga Pari at Obispo upang makapangolekta ng salapi para sa pansariling interes.
Narito ang kabuuang babala ng The Manila Cathedral:
WARNING: FAKE ACCOUNT
We were informed that there is an account using the name “Manila Cathedral” and selling a “miraculous medal” blessed by priests and bishops from the Vatican. They are also saying that they are the “Youth for Manila Cathedral” and that they will donate the proceeds for the renovation of the Manila Cathedral. They even grab pictures from our Facebook Page and post it on their fake page.
1. The said Facebook Page is NOT of the Manila Cathedral therefore it is FAKE.
2. There is NO existing group “Youth for Manila Cathedral” that will donate proceeds for the renovation of the Cathedral.
3. There is no such thing as medals blessed by bishops, priests, or the Pope for sale. This is a sin called Simony.