Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Misyon sa muling pagkabuhay ni Hesus

SHARE THE TRUTH

 260 total views

Mga Kapanalig, maligayang Pasko ng Pagkabuhay!

Matapos ang ating pagninilay sa pasyón ni Hesus at pagdiriwang sa kanyang muling pagkabuhay, muli tayong babalik sa realidad ng lipunang ating ginagalawan. Ngunit hindi ito pangkaraniwang realidad dahil ang mga susunod na araw ay patungo na sa halalan. At maraming isyung kailangang harapin at matutugunan sa pamamagitan ng ating boto.

Una, ang patuloy na patayan sa mga komunidad. Maaaring hindi na sila nagiging headline ng mga balita, ngunit sa maraming mahihirap na pamayanan, tuluy-tuloy ang pagpatay sa mga sinasabing adik at pusher ng droga. Ayon sa PNP, nasa 5,000 ang napatay sa kanilang operasyon. Ayon naman sa CHR, maaaring nasa 27,000 ang napapatay, kasama na rito ang ginawa ng mga vigilante. Alinman ang paniwalaan natin, ang isang buhay na kinuha nang walang saysay ay hindi kailanman katanggap-tanggap—ngunit mukhang “normal” na sa ating bayan ang pagpatay.

Ikalawa, ang kahirapan. Sinasabing kumpara sa kabuuang populasyon, mas mababa ang porsyento ng mahihirap sa unang bahagi ng 2018 kaysa noong 2015. Isa sa limang Pilipino ang mahirap noong unang tatlong buwan ng 2018. Bagamat mas mababa ang porsyento ng populasyong kumikita ng mas mababa sa itinakdang poverty threshold, marami pa rin ang mga namumuhay sa kahirapan kung bilang ng tao o headcount ang pag-uusapan. Lubhang marami ang mahirap sa ating bayan ngunit binibigyan ba natin sila ng kaukulang pansin?

Ikatlo, ang paglaganap ng kasinungalingan. Ngayong panahon ng halalan, maraming nagpapakalat ng fake news o pekeng balita sa social media na layong lituhin at lokohin ang mga tao. Maging ang mga lider ng pamahalaan ay nagpapakalat ng fake news. Naging industriya na nga raw ang fake news dahil marami ang binabayaran upang maging online trolls. Ano ang sinasabi nito tungkol sa pagpapahalaga natin sa katotohanan? Itinatama ba natin ang mga ito o tayo mismo ang nagpapakalat?

Panghuli, ang katiwalian sa pamahalaan. Nangunguna sa mga survey ngayon ang mga kandidato sa pagka-senador na may bahid ng katiwalian o mula sa mga angkang kilaláng nagnakaw sa kaban ng bayan. Batayan pa ba natin ang katapatan at integridad sa pagpili ng mga susunod nating lider? O namanhid na tayo sa mga balita tungkol sa mga pinalalayang mandarambong at sa mga political dynasties na ginagamit ang posisyon para sa interes ng pamilya?

Katulad ng mensahe ng Pasko ng Pagkabuhay—kung paanong ang pagpapakasakit at pagpapapako ni Hesus ay hindi natuldukan sa kanyang kamatayan bagkus ay nabuhay Siyang muli—kaya rin nating pagtagumpayan ang mga patayan, kahirapan, kasinungalingan, at katiwalian. Huwag nating sanayin ang ating mga sarili sa mga ito. Huwag nating gawing normal ang mga ito.

At magagawa natin ito kung, katulad ng mga apostoles na iniwanan ni Hesus ng misyong ipalaganap ang Mabuting Balita, palalaganapin din natin ang kultura ng buhay na lalaban sa mga patayan; ang pagkakawanggawa at katarungang lalaban sa kahirapan; at ang katotohanang lalaban sa kasinungalingan at katiwalian. Tayo, mga Kapanalig, ang mga bagong apostoles, mga makabagong misyonero. Sabi nga ni St. John Paul II,  “Ang misyonaryong gawain ay mahalaga para sa lahat ng Kristiyano.” Isabuhay natin ang Mabuting Balita at maging saksi sa pagmamahal ng Diyos sa atin.

Mga Kapanalig, hudyat ang Pasko ng Pagkabuhay ni Hesus ng oras upang gawin natin ang ating misyon, at ang darating na halalan sa Mayo ay isang natatanging pagkakataon upang maipakita nating hindi mauuwi sa wala ang sakripisyong ginawa ni Hesus upang tubisin tayo sa kasalanan. Sa darating na eleksyon, piliin natin ang mga lider na nagpapahalaga sa buhay ng tao. Piliin natin ang mga may malinaw na plano para sa mga dukha. Huwag nating iboto ang mga sinungaling at sakim sa kapangyarihan at kayamanan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,026 total views

 9,026 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 16,507 total views

 16,507 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 29,647 total views

 29,647 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 35,620 total views

 35,620 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 41,374 total views

 41,374 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,027 total views

 9,027 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 16,508 total views

 16,508 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 29,648 total views

 29,648 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 35,621 total views

 35,621 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 41,375 total views

 41,375 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,718 total views

 40,718 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,802 total views

 41,802 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,183 total views

 37,183 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,187 total views

 49,187 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,229 total views

 57,229 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,786 total views

 48,786 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,211 total views

 47,211 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,997 total views

 48,997 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,922 total views

 45,922 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,236 total views

 60,236 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top