Labanan ang kasamaan ng kabutihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 581 total reads

Tuklasin ang kapangyarihan ng pag-ibig na ipinamalas ng muling nabuhay na si Kristo.

Ito ang hamon ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya ngayong Linggo ng Pagkabuhay ng Panginoon.

Ayon sa Arsobispo, tila nawawala na at hindi na madama ngayon ang pag-ibig sa mundo, dahil sa lumalaganap na mga suliranin tulad ng kagutuman, kawalan ng hanapbuhay, pagkalulong sa masamang bisyo, labis na pagkamuhi, pang-aabuso, maling pagpaparatang, kurapsyon, human-trafficking at pagpatay.

Gayunman, naniniwala ito na ang mga natitirang mumunting gawain ng kabutihan ay maaari nang ipantapat sa walang habas na paglaganap ng kasamaan sa mundo.

“What difference can one act of kindness make in the face of unrelenting evil? It can make all the difference in ways we can’t even imagine, how because these small acts of care and love are crowned by the total self-giving of Christ crucified on the cross.” bahagi ng Easter message ni Cardinal Tagle.

Kaugnay nito, hinihimok ng Kardinal ang lahat ng mga Kristiyano na ipinadama sa kapwa ang kabutihang ipinadama ni Hesus sa mga mahihirap at may sakit nang Siya ay nabubuhay pa.

Binigyang diin nito na ang personal na pagpapadama ng pag-ibig at pagkalinga sa kapwa ay makapghahatid ng pag-asa.

“We are called as Christians to encounter others and walk with them humbly, without judgement or pretensions of having the answer to all their problems. It is through these encounters that our hearts are opened and presented with a new horizon and a renewed energy to move forward. It is through these encounters of love and caring that persons, families and communities are transformed from prisoners of despair into bearers of hope.” Dagdag pa ng Kardinal.

Samantala sa personal na mensahe ni Cardinal Tagle sa mga kapanalig, umapela din ito na buksan ang mga mata ng mananampalataya sa maliliit na gawa ng pag-ibig dahil ito ang papawi sa kadiliman.

Sinabi pa nito na kahit wala ang enggrandeng pagdiriwang sa Pagkabuhay ng Panginoon, ang munting pagdiriwang at munting pamamaraan ng pagpapanibago, pagpapabuti ng buhay, pagiging makatotohanan, makatarungan at mapagmahal, ang magiging dahilan ng selebrasyon ng Pagkabuhay ni Hesus.

“Ang atin pong pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Hesus ay hindi kailangang enggrande, hindi kailangang maghanap ng malalaki agad na solusyon, ikaw sa iyong munting pamamaraan, maging makatotohanan, maging makatarungan, maging mapagmahal, maging magalang, maging tunay na tao, tunay na Pilipino, tunay na Kristiyano, kahit yan ay sa maliit na bagay ikaw ang muling pagkabuhay ni Kristo sa ating mundo. Ikaw nawa ang maging celebration ng Easter.” Pahayag ni Cardinal Tagle sa Radyo Veritas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 32,849 total reads

 32,849 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 70,757 total reads

 70,757 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 106,056 total reads

 106,056 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 332,326 total reads

 332,326 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 223,689 total reads

 223,689 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 36,064 total reads

 36,064 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 28,955 total reads

 28,955 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top