Publiko, pinag-iingat sa kandilang may nakakalasong kemikal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 355 total views

Nasasaad sa panlipunang katuruan ng simbahan na bagamat pabor ang Simbahan na kumita ang isang mamumuhunan ay kinakailangan na ang negosyo ay hindi nagdudulot ng kapahamakan sa kalusugan o sa buhay ng tao.

Dahil dito, pinaalalahanan ng grupong Ecowaste Coalition ang mamamayan na suriing mabuti ang mga kandila at pintura na gagamitin ngayong papalapit na ang undas.

Ayon kay Daniel Alejandre, Zero waste campaigner ng grupo karaniwang hinahaluan ng lead ang mga kandila at pintura upang maging matingkad ang kulay nito na mas kaakit-akit ito sa mata ng mga mamimili.

Paliwanag ni Alejandre, masama sa kalusugan lalo na ng mga bata, buntis at matatanda ang makalanghap ng usok ng kandilang mayroon lead.

Aniya, upang maiwasan ito ay mahalagang siyasatin ang lable ng mga kandila, o di kaya ay huwag nang bumili ng kandilang labis na matingkad ang kulay.

“Isa din sa paalala ng EcoWaste Coalition, ang mga kandila na ganitong klase ay masama sa kalusugan at nagdudulot ng sakit lalong lalo na sa mga buntis, mga bata at nakakatanda dahil ang kandila kapag naaapuyan at may content na lead, na e-expose sa usok yung chemical na sya nating nalalanghap,” pahayag ni Alejandre sa Radyo Veritas.

Sa mga pintura naman, ay mahalagang hanapin ang tatak na nagsasaad na “Lead Safe Paint” ito.

Sa United States Consumer Product Safety Commission 90 parts per million of lead ang itinalagang limitasyon para sa mga pintura at kagamitan ng tao.

Ayon kay Alejandre,matagumpay ang kasalukuyan nilang kampanya para sa lead safe paint dahil marami ng lokal na pamahalaan ang tumatalina at nakakaunawa ng epekto ng lead o tingga sa kalusugan ng tao.

“Matagumpay itong kampanyang ito dahil marami nang local government na tumatalima sa mga probisyon, at nakakaintindi na sa posibleng dulot ng lead sa mga tao. Meron na tayong mga pintura at yung mga pinturang ito ay mayroon ng logo sa pagiging lead safe o ligtas sa tingga at piliin po natin yung pintura na may logo ng lead safe paint.” Dagdag pa ni Alejandre.

Sa linggo ika-28 ng Oktubre pormal na ilulunsad ng EcoWaste Coalition ang kampanya nitong “Igalang ang sementeryo, igalang ang kalikasan.”

Naniniwala ang grupo na pangunahing pa ring dapat bantayan ay ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran lalo na sa lugar kung saan binibigyang pagpapahalaga at inaalala ng bawat isa ang kanilang mahal sa buhay na yumao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 113,176 total views

 113,176 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 113,176 total views

 113,176 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 113,176 total views

 113,176 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 109,805 total views

 109,805 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 100,179 total views

 100,179 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 286,349 total views

 286,349 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top