Santo Padre Pio, tinaguriang Saint of the Millennium

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 475 total views

Labis na kahanga-hanga ang ipinamalas na pananampalataya ng mga Filipino sa Nationwide tour ng Incorrupt Heart ni St. Pader Pio mula Luzon, Visayas, at hanggang Mindanao.

Ito ang inihayag ni Father Joselin Gonda – Rector ng National Shrine of Saint Padre Pio sa Santo Tomas Batangas, matapos niyang masaksihan ang pagbisita ng puso ng Santo sa tatlong Rehiyon ng Bansa.

Sinabi ng Pari na inaasahan na ng mga namamahala ang dami ng mga deboto ni St. Padre Pio, subalit nasorpresa sila dami ng dumating na mga mananampalataya.

Naniniwala din si Father Gonda na ang Santo ay maituturing na Saint of the Millenium, dahilan kung bakit labis ang pagnanais ng mga Filipino na masilayan at makapagdasal sa kanyang puso.

“Extraordinary yung response ng mga tao, sobrang dami nung nagpunta at nag-venerate we are very surprised sa dami ng nagpunta at dumating. Padre Pio is the St. of the millenium kasi siya yung Santo na inabot na ng ating panahon. He is well known for miracles and healing received by people na nagdedebosyon sa kanya kaya very popular si Padre Pio.” Pahayag ni Father Gonda sa Radyo Veritas.

Ibinahagi din ng pari ang kanyang kagalakan dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga deboto sa pambansang dambana ni St. Padre Pio simula nang makabalik dito ang incorrupt heart noong ika-18 ng buwan.

Inihayag ni Father Gonda na nasaksihan nito ang pag-asang naidulot ng Santo sa mga Filipino na nagpupunta sa dambana.

Marami sa mga mananampalataya ang humaharap sa mga suliranin, humihingi ng kagalingan sa iba’t-ibang aspeto ng kanilang buhay, at umaasa na sa tulong ng panalangin ni St. Padre Pio ay makatatanggap sila ng himala mula sa Panginoon.

Sinabi ni Father Gonda na ito ang tanda ng hindi nagmamaliw na pag-ibig at pananampalataya ng mga Filipino sa Panginoon, at sa tulong ng Santo ay lalo pa itong napag-aalab at napapalapit ang bawat isa sa Diyos.

“Padre Pio has offered a lot of hope to the Filipinos. Pinakita ng kanyang pagbisita na hindi tumitigil ang pananampalataya ng mga tao. Hindi nawawalan ng pag-asa ang mga tao, ang tingin ko, a Filipino people who is suffering they are always people waiting for miracles to happen, they always ask for miracles, for blessing coming from God, and Padre Pio provides that symbol.” Dagdag pa ni Father Gonda.

Ngayong Biyernes ika-26 ng Oktubre nakatakda nang umalis ang incorrupt heart ni St. Padre Pio sa Pilipinas.

Pinaalalahanan ni Father Gonda ang mga mananampalataya na wala nang veneration sa araw na ito dahil matapos ang farewell mass ng alas nuebe ng umaga ay agad nang aalis ang mga Italian friars dala ang incorrupt heart ni St. Padre Pio.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 44,647 total views

 44,647 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 119,261 total views

 119,261 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 199,340 total views

 199,340 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 242,479 total views

 242,479 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 240,912 total views

 240,912 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 348,132 total views

 348,132 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top