Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pulitikang kumikiling sa kapayapaan at buhay ng tao

SHARE THE TRUTH

 181 total views

Mga Kapanalig, katulad ng sinabi ng mga pulis sa kaso ng pagpatay kay AKO Bikol party-list representative Rodel Batocabe noong Disyembre, pulitika rin ang nakikita nilang nasa likod ng tangkang pagpatay kay Mayor Lakambini Reluya ng San Fernando, Cebu. Noong isang linggo, in-ambush ang sasakyan ng alkalde habang bumibiyahe sa Talisay, Cebu. Nakaligtas sina Mayor Reluya at dalawa pa niyang kasama, ngunit hindi ang kanyang asawa at dalawa pang tauhan. Bago ang krimen, nakatatanggap na raw ng death threats ang alkalde na muling tatakbo sa halalan sa Mayo. Maituturing nga itong kaso ng election-related violence.

Kinundena ng Malacañang ang ambush at ipinangakong gagamitin ng mga awtoridad ang “full force and effect” ng batas upang panagutin ang mga kandidatong gumagamit ng karahasan, mawala lamang ang kanilang mga makakalaban. Huwag naman sana ngunit hindi malayong madagdagan pa ang ganitong mga pangyayari habang papalapit tayo sa araw ng halalan. Ayon sa Philippine National Police o PNP, may 18 bayan at siyudad na itinuturing nilang “areas of grave concern” ngayong eleksyon, samantalang dalawang lugar na ang opisyal nang tinawag na “hotspot” ng Commission on Elections o Comelec. Ngunit hindi lamang ang mga lugar na ito ang babantayan ng awtoridad. Ngayong nagsimula na ang election period, mas hihigpit ang pagbabantay ng mga pulis. Mahigit 18,000 pulis ang ipakakalat sa buong bansa at maraming checkpoints ang ilalagay sa mga pangunahing lansangan. Umiiral na rin ang gun ban, ngunit maaari pa ring kumuha ng bodyguards ang mga kandidato basta’t may permiso sila mula sa Comelec. Sapat kaya ang mga ito upang hindi na maulit ang nangyari kina Congressman Batocabe at Mayor Reluya?

Mga Kapanalig, ang malayang halalan ay mapayapang paraan ng pakikilahok nating mga mamamayan sa ating lipunan. Hindi dahas at bala kundi balota ang gamit natin upang piliin ang mga mamumuno sa atin at upang papanagutin sila sa pamamagitan ng pagpili ng mga taong mas karapat-dapat kaysa sa kanila. Itinuturing maging ng mga turo ng Simbahan ang malayang halalayan bilang porma ng social control sa ating mga lider. Kaya’t nakadidismayang mga pulitiko mismo—lalo na ang mga ganid sa kapangyarihan—ang dumudungis sa kapayapaang itinataguyod ng malaya at demokratikong halalan.

Pagkakataon para sa ating mga botante ang panahon ng kampanya upang kilatisin ang mga nais makuha ang ating boto. At maliban sa kanilang plataporma at track record, maging batayan nawa natin sa pagboto ngayong Mayo ang pagkiling ng mga kandidato sa kapayapaan at sa pagtataguyod ng buhay ng tao. Hamon ito sa kasalukuyan nating kalagayan dahil marami sa mga lider natin ang nais pairalin ang karahasan at takot sa ating bayan o pinipiling manahimik sa harap ng kaliwa’t kanang patayan. Ngunit hindi ito dahilan upang hindi natin piliin ang mga kandidatong naniniwalang posible ang isang pulitikang malinis at nagsusulong ng kapayapaan.

Sa madaling salita, patunay na hindi dalisay ang hangarin ng mga kandidatong nais maglingkod sa taumbayan kung hindi nila sinusunod ang mga tuntunin sa panahon ng eleksyon gaya ng paggamit ng armas o armadong grupo sa ngalan ng kapangyarihan. Hudyat sana iyon ng hindi natin pagboto sa kanila.

Mga Kapanalig, nakasalalay sa ating mga botante hindi lamang ang tagumpay ng idaraos na eleksyon kundi ang pagkakaroon ng pulitikang nagsusulong ng kapayapaan at nagtataguyod ng kasagraduhan ng buhay ng tao. Kasama tayo sa mga nananawagan para mabigyan ng katarungan ang mga pulitiko at inosenteng biktima ng karahasang dala ng marumi at makasariling pamumulitika. At kasabay ng pananalangin para sa mapayapa at malinis na eleksyon sa Mayo, piliin natin ang mga pangalan sa ating balota na malinis lumaban at naninindigan para sa buhay ng tao at sa kapayapaan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 5,111 total views

 5,111 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 11,084 total views

 11,084 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 16,839 total views

 16,839 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 24,102 total views

 24,102 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 32,087 total views

 32,087 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 5,112 total views

 5,112 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 11,085 total views

 11,085 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 16,840 total views

 16,840 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 24,103 total views

 24,103 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 32,088 total views

 32,088 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,403 total views

 35,403 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,407 total views

 47,407 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,449 total views

 55,449 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,006 total views

 47,006 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,431 total views

 45,431 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,217 total views

 47,217 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,142 total views

 44,142 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,456 total views

 58,456 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,146 total views

 62,146 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,749 total views

 60,749 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top