PWDs sa Panahon ng Taghirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 852 total reads

Panahon ng kahirapan ngayon, kapanalig. Marami sa atin, namamaluktot para magkasya ang kakaunting kita. Ang mga PWDs kaya, may ibabaluktot pa ba para sumakto ang kita? May kita nga ba sila?

Sa ating bansa, batay sa National Disability Prevalence Survey (NDPS) noong 2016, mga 12 percent ng mga Filipinos may edad 15 pataas ay nakakaranas ng severe disability. Halos isa sa dalawa naman ay may moderate disability, habang 23 percent ay may mild disability. Nakita rin ng pagsusuri na ito na karaniwan, mas nakakaranas ang mga kababaihan ng severe at moderate disability kaysa sa lalake, at halos isa sa tatlong tao na may severe disability ay may edad 60 pataas.

Hindi biro ang maging PWD, kapanalig, lalo pa’t sa bansa gaya ng sa atin. Maraming mga hamon at balakid sa kanilang hanay ang humahadlang sa kanila na mamuhay ng marangal.

Kapanalig, tungkulin natin na tiyakin na makamtan ng mga PWDs ang kanilang mga karapatan. Sa katunayan, pinapa-alalahan tayo ng Deus Caritas Est o God is Love, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan, na wala dapat puwang ang kahirapang nagnanakaw ng dangal ng buhay sa ating lipunan. Upang ating magawa ito, kailangan nating suriin ang mga hamon sa PWDs, lalo ngayong panahon ng pandemya at kahirapan.

Marami sa kanilang hanay ang nawalan ng trabaho. Maaring masabi mo na, halos lahat naman, nawalan. Kaya lamang kapanalig, mas immediate ang pangangailangan ng PWDs ng trabaho dahil hindi gaya sa iba, mas mahirap para sa kanila ang kumita. Mas limitado ang oportunidad sa kanilang hanay. Isang halimbawa ay ang massage sectors kung saan marami sa mga bulag ang kaugnay. Dahil sa quarantine, wala na silang trabaho, at matumal din ang oportunidad. Kung may oportunidad man, mas mahirap lumabas upang maabot ito. Ang ating mga lansangan ay hindi PWD friendly.



Kulang din sa suporta ang mga kabahayan na may PWD. Maliban sa ayuda at minsanang relief, ang pagkabahala o anxiety sa kabahayang may PWD ay mas madalas at mas malalim. Mas bulnerable kasi ang tahanang may PWD sa panahon ng pandemya. Lagi silang nasa laylayan ng lipunan, at kadalasan, napag-iiwanan. Kaya sana nga, alam ng mga barangay kung sino at saan sa kanilang lugar ang may PWD, at dapat kapag nagmumudmod sila ng assistance, ito ang una nilang prayoridad. Maliban sa assistance, kailangan nila ng mas maraming oportunidad upang mas aktibong makalahok sa merkado at lipunan.

Kapanalig, ang kaunlaran ng pinakabulnerableng sektor ay kaunlaran ng lahat. Ang lipunang nagpapabaya sa PWDs ay hindi makakamtan ang tunay na kaunlaran. Nawa’y ating mapagtanto na mas kailangan nila ng ating atensyon at tulong ngayon, dahil sa panahon kahirapan, ang bulnerableng gaya nila ang laging naiiwan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 78,221 total reads

 78,221 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 172,909 total reads

 172,909 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 217,177 total reads

 217,177 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 240,286 total reads

 240,286 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 311,901 total reads

 311,901 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

TRUTH AWARDS

 78,222 total reads

 78,222 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 172,910 total reads

 172,910 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 217,178 total reads

 217,178 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 240,287 total reads

 240,287 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »
Scroll to Top