Pagpapabuti ng public service, transparency sa halip na Charter Change- Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 774 total reads

Binigyang diin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines -Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace/Caritas Philippines na hindi napapanahon na unahin ang pag-amyenda sa Saligang Batas sa patuloy na krisis sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo-chairman ng CBCP-NASA, bukod sa hindi napapanahon ay mahalaga rin ang pagkakaroon ng bahagi ng mga mamamayan sa isinusulong na pag-amyenda sa 1987 Constitution.

“How can we have decent and coherent public discourse about charter change when at least 75% of Filipinos have little or almost no knowledge of the Philippine Constitution?,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Giit ng obispo, magkakaroon lamang ng ‘genuine constitutional reform’ sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pakikibahagi ng mamamayang Filipino sa mga usaping pampulitika.

Binigyang diin rin ng Caritas Philippines na hindi ang pagbabago sa mga kasalukuyang economic provisions sa Saligang Batas ang kagyat ang tugon sa kahirapan sa bansa kundi ay ang pagsasaayos sa sistema ng serbisyo publiko, pagkakaroon ng pananagutan ng mga opisyal at pagiging transparent sa mga proyekto upang maiwasan ang katiwalian ang kurapsyon.

Nangangamba rin ang Caritas Philippines na magamit sa pansariling interes ng mga pulitiko ang Charter Change sa pamamagitan ng pagsusulong ng No Election, term-extension o revolutionary government.

“The present unstable governance is very susceptible to corruption of the mind. Therefore, the charter change can be used as a ploy for NO-EL (no election), term-extension, or a revolutionary government – all of which are detrimental to people welfare.” Ayon pa sa Caritas Philippines.

Hinikayat naman ng Caritas Philippines ang mamamayan na maging mapagmatyag at makialam sa mga usaping pulitika at ang pananalangin na magkaroon ng dalisay na hangarin ang mga opisyal ng bayan na maglingkod ng tapat, makatao, at maka-Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 49,696 total reads

 49,696 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 86,928 total reads

 86,928 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 122,227 total reads

 122,227 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 348,497 total reads

 348,497 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 239,022 total reads

 239,022 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top