Rector ng Pontificio Collegio Filippino, humiling ng panalangin para sa formation of Priest sa Rome

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,051 total views

Umapela si Pontificio Collegio Filippino Rector Fr. Gregory Gaston sa bawat mananampalataya na ipanalangin ang paghuhubog at pagpapanibago ng mga pari upang patuloy na makapaglingkod sa kawan ng Panginoon.

Ito ang panawagan ng Pari kaugnay sa pagtatapos ng limang araw na International Conference for the Ongoing Formation of Priests sa Roma na dinaluhan ng may 800 lingkod ng Simbahan mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang may 50 pari at obispo mula sa Pilipinas.

“Ipagdasal niyo kaming mga kaparian na patuloy yung aming formation, patuloy yung aming paghuhubog, para sa ganung paraan ay patuloy kaming makapag-serve sa inyo. Patuloy kayong magdasal, patuloy kami dito kasi
international conference mga 800 nakalista sa conference galing sa buong mundo, mga 50 galing sa Philippines marami tayong mga kaparian at meron tayong mga Obispo na nandito din.” Bahagi ng mensahe ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Gaston, mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng pamilya sa paghubog sa mga nagnanais na magsilbing lingkod ng Simbahan sapagkat sa pamilya nagsisimula ang maagang paghuhubog sa mabuting asal, pagdarasal, tiyaga, at katatagan.

Paliwanag ng Pari, ang pagpasok sa seminaryo ay maituturing lamang din na pinakamaikling formation ng isang magpapari sapagkat bago pa ito ay mas makabuluhan at pangmatagalan ang pagkahubog ng bawat isa mula sa pamilya, komunidad, paaralan at parokya na kanilang kinabibilangan kung saan mahuhubog na rin ang pakikipagkapwa tao ng isang indibidwal.

“Yung seminary ay ang shortest period of formation kasi bago pumasok sa Seminary may paghuhubog na lalo na sa pamilya, sana ay turuan ninyo ang inyong anak magdasal at maging mabait, ng values, maging masipag mag-aral dapat masipag mag-aral kas inga mahaba-haba yung pag-aaralan and then sana ay nagrerespeto sa mga nakakatanda, masipag, matulungin, sana ay maraming kaibigan dapat maraming kaibigan kasi kapag pumasok sa seminary later on kapag naging pari na dapat ay open na open sa mga ibang tao” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Ayon sa Pari, naaakma din ito sa mensahe ng Santo Papa Francisco sa mga delegado na “Ang sinabi niya dapat ay human, fully human tayo hindi lamang spiritual lahat tayo ay human, mga tao tayo… sabi ni Pope Francis maraming punto niya sinabi niya rin yung Pari kahit matanda na yung Pari dapat ay marunong makipaglaro, makipaglaro sa mga kabataan hindi naman pwedeng kapag tumanda na hindi na pala siya tao, hindi na marunong makipaghalubilo sa kapwa.”

Pinangunahan ng ilang mga opisyal ng Kalipunan ng mga Obispo sa Pilipinas ang 50-delegado ng Pilipinas na dumalo sa limang araw na pagtitipon na kinabibilangan nina Jaro, Iloilo Archbishop Jose Romeo Lazo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Clergy, Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona – member ng CBCP-Episcopal Commission on Clergy, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo – chairman ng CBCP-Office on Stewardship, Daet Bishop Rex Andrew Alarcon – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth at Laoag Bishop Renato Mayugba – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Biblical Apostolate.

Nagsilbi namang isa sa tagapagsalita para sa ikatlong araw ng pagtitipon si Archbishop Lazo na tinalakay ang paksang ‘Having priests feel “at home”: the role of the Bishop and the diocesan community’.

Tema ng International Conference for the Ongoing Formation of Priests ang “Fan into a flame the gift of God that you possess” na isinagawa sa Auditorium Conciliazione, Paul VI Audience Hall sa St. Peter’s Basilica sa Roma mula noong ika-6 hanggang ika-10 ng Pebrero, 2024.

Pinangasiwaan ang pagtitipon ng Dicastery for the Clergy na pinamumunuan ni Cardinal Lazzaro You Heung-sik katuwang sina Cardinal Claudio Gugerotti, Prefect of the Dicastery for the Eastern Churches; at Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect of the Dicastery for Evangelization.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 26,864 total views

 26,864 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 55,215 total views

 55,215 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 122,945 total views

 122,945 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 146,096 total views

 146,096 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 214,315 total views

 214,315 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top