Rehabilitation plan sa Boracay, dapat ilatag ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 474 total views

Nararapat lamang ang gagawing rehabilitasyon ng pamahalaan sa isla ng Boracay sa lalawigan ng Aklan.
Ito ang inihayag ni Leon Dulce – National Coordinator ng Kalikasan Peoples Network for the Environment kaugnay sa nalalapit na pagpapasara sa isla sa darating na ika-26 ng Abril.

Ayon kay Dulce, tunay na nangangailangan ng pag-sasaayos at rehabilitasyon ang isla dahil taong 90’s pa lamang ay lumabas na sa pag-aaral ng mga eksperto ang maaaring kahinatnan nito kung walang maayos na batas na ipatutupad para sa pangangalaga ng kalikasan.

“Matindi ang pollution ngayon sa Boracay, totoo na kailangan ng rehabilitasyon dito, totoo na kailangan na ng drastic measures kasi since early 90’s pa, tukoy na kaagad ng mga eksperto na meron talagang kailangang intervention na gawin.” Pahayag ni Dulce sa Radyo Veritas.

Gayunman, sinabi ni Dulce na bago tuluyang ipasara ng pamahalaan ang buong isla ay kinakailangang maglatag ito ng kongkretong plano sa mga lokal na residenteng maaapektuhan ng closure.

Aniya mahalagang maipaalam sa mamamayan ng Boracay ang magaganap sa loob ng anim na buwan at ano ang kanilang aasahan matapos ang pagpapasara ng isla.

“Kung seryoso talaga ang pamahalaan na linisin ang Boracay, kailangan nitong magpresenta ng masusing pag-aaral, mahusay na proposal kung paano niya itataguyod yung rehabilitasyon ng isla, kung paano niya tinitingnan ang 6 months closure na ito exactly ano yung mga components ng kanilang magiging rehabilitation why does it need a full closure for 6 months.” dagdag pa ni Dulce

Batay sa tala ng pamahalaan humigit kumulang 30-libong mga manggagawa ang maaapektuhan ng closure.

Samantala, umaasa naman ang Simbahang Katolika sa Boracay na maipapaalam din sa kanila ang mga programa ng Department of Environment and Natural Resources, Department of Tourism at Department of Interior and Local Government para sa rehabilitasyon ng isla.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 86,866 total views

 86,866 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 86,866 total views

 86,866 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 86,866 total views

 86,866 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 84,239 total views

 84,239 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 76,917 total views

 76,917 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 285,551 total views

 285,551 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top