Truth hurts but fake news kills

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 456 total reads

Ang kasinungalingan ay nakamamatay.

Ito ang binigyang diin Rev. Fr. Jerome Secillano–Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Permanent Committee on Public Affairs sa patuloy na paglaganap ng “fake news” o mga maling balita at impormasyon sa lipunan.

Ayon sa Pari, kung ang katotohanan ay nakakasakit ang kasinungalingan naman ay nakamamatay sapagkat mas malaki at malawak ang epekto ng panloloko at panglilinlang kumpara sa paglalahad ng katotohanan.

Paliwanag ni Fr. Secillano, dahil sa paglaganap ng fake news sa lipunan ay mas naaangkop na tanging sa salita lamang ng Diyos magtiwala ang mananampalataya sapagkat ito lamang ang mananatiling totoo dahil ang Diyos ang katotohanan na dapat kapitan at paniwalaan ng sanlibutan.

“Yung emphasis sa fake news, paano ba magiging fake ang salita ng Diyos? Ang Diyos ay Diyos ng Katotohanan, kaya kung yung Simbahan ay nagbabahagi ng salita ng Diyos, ang ibinabahagi ng Simbahan ay katotohanan, ngayon ang katotohanan ay medyo masalimuot din kasi maaring may masagasaan, may maapektuhan ika nga ‘truth hurts’ pero kapag may Fake News, kapag may kasinungalingan, Lies Kill…”pahayag ni Fr. Secillano sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, lumabas sa pinakabagong Digital 2018 report ng London, United Kingdom-based consultancy na We Are Social na nangunguna pa rin ang Pilipinas sa social media usage sa buong mundo kung saan umaabot sa 9 na oras at 29 na minuto kada araw ang ginugugol ng nasa 67-milyong internet users sa bansa.

Malaking porsyenoto nito ay may social media account na ginagamit para magpost at magshare ng mga impormasyon.

Samantala, nauna ng hinamon ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang bawat isa na labanan ang Fake News sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng good news o ang mabuting balita ng Panginoon sa pagsasabuhay dito hindi lamang sambitin at ipalaganap kundi ipakita sa gawa.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 507 total reads

 507 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 636 total reads

 636 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 2,660 total reads

 2,660 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 59,066 total reads

 59,066 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 182,573 total reads

 182,573 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 267,927 total reads

 267,927 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top