Rehabilitation plan sa Boracay, dapat ilatag ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 503 total views

Nararapat lamang ang gagawing rehabilitasyon ng pamahalaan sa isla ng Boracay sa lalawigan ng Aklan.
Ito ang inihayag ni Leon Dulce – National Coordinator ng Kalikasan Peoples Network for the Environment kaugnay sa nalalapit na pagpapasara sa isla sa darating na ika-26 ng Abril.

Ayon kay Dulce, tunay na nangangailangan ng pag-sasaayos at rehabilitasyon ang isla dahil taong 90’s pa lamang ay lumabas na sa pag-aaral ng mga eksperto ang maaaring kahinatnan nito kung walang maayos na batas na ipatutupad para sa pangangalaga ng kalikasan.

“Matindi ang pollution ngayon sa Boracay, totoo na kailangan ng rehabilitasyon dito, totoo na kailangan na ng drastic measures kasi since early 90’s pa, tukoy na kaagad ng mga eksperto na meron talagang kailangang intervention na gawin.” Pahayag ni Dulce sa Radyo Veritas.

Gayunman, sinabi ni Dulce na bago tuluyang ipasara ng pamahalaan ang buong isla ay kinakailangang maglatag ito ng kongkretong plano sa mga lokal na residenteng maaapektuhan ng closure.

Aniya mahalagang maipaalam sa mamamayan ng Boracay ang magaganap sa loob ng anim na buwan at ano ang kanilang aasahan matapos ang pagpapasara ng isla.

“Kung seryoso talaga ang pamahalaan na linisin ang Boracay, kailangan nitong magpresenta ng masusing pag-aaral, mahusay na proposal kung paano niya itataguyod yung rehabilitasyon ng isla, kung paano niya tinitingnan ang 6 months closure na ito exactly ano yung mga components ng kanilang magiging rehabilitation why does it need a full closure for 6 months.” dagdag pa ni Dulce

Batay sa tala ng pamahalaan humigit kumulang 30-libong mga manggagawa ang maaapektuhan ng closure.

Samantala, umaasa naman ang Simbahang Katolika sa Boracay na maipapaalam din sa kanila ang mga programa ng Department of Environment and Natural Resources, Department of Tourism at Department of Interior and Local Government para sa rehabilitasyon ng isla.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 7,835 total views

 7,835 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 181,769 total views

 181,769 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 159,402 total views

 159,402 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 223,290 total views

 223,290 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 242,518 total views

 242,518 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 318,125 total views

 318,125 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top