Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Napapanahon ng wakasan ang oldest communist insurgency

SHARE THE TRUTH

 187 total views

Napapanahon na upang mawakasan ang higit 50-taong communist insurgency o rebolusyon ng mga komunistang rebelde sa bansa.

Ito ang reaksyon ni Atty. Rene Sarmiento, Chairperson ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at miyembro ng GRP Peace panel kaugnay sa inaasahang muling pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front matapos ipatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakalipas na taon.

Paliwanag ni Atty. Sarmiento, napakahalaga ng pag-uusap o dayalogo ng magkabilang panig upang mawakasan na ang pinaka-mahaba at matandang rebolusyon sa bansa na maituturing na ring “the oldest communist insurgency in the world”.

“Napaka-halaga po ng pag-uusap, alam niyo ba na ang Communist Insurgency sa Pilipinas ay the oldest Communist insurgency in the world ito ay 50 years old dati Colombia 52 years old ang communist insurgency doon, ngayon natapos na po dahil sa peace talks, so sa World tayo ang pinaka-mahaba, pinaka-matandang communist insurgency kaya dapat po matapos na rin po ito…” pahayag ni Sarmiento sa panayam sa Radyo Veritas.

Disyembre taong 1968 ng itinatag ni Jose Maria Sison, isang dating student activist at dating miyembro ng Partido Komunista ng Pilipinas ang Communist Party of the Philippines na layunin na maireporma ang presensya ng mga komunista sa bansa at pabagsakin ang Marcos regime.

Makalipas lamang ang halos tatlong buwan ay itinatag naman noong March 1969 ang New People’s Army upang magsilbing armed wing ng grupo; habang taong 1973 naman ng itinatag ang National Democratic Front of the Philippines na siyang umbrella organization ng CPP-NPA na layunin namang maging kinatawan ng kumunistang grupo sa larangan ng politika.

Tanging ang usapang pangkapayapaan ang nakikitang solusyon ng Simbahan Katolika upang magkaroon ng ganap na pagkakasundo ang iba’t ibang kumunistang grupo at ang pamahalaan.

Dahil dito umaasa ang mga Obispo sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa na tuluyang nang magkaroon ng positibong resulta ang planong pagpapatuloy ng peace talks sa pagitan ng mga kumunistang grupo at pamahalaan upang matamasa ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,210 total views

 5,210 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 18,350 total views

 18,350 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 24,323 total views

 24,323 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 30,078 total views

 30,078 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 37,340 total views

 37,340 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, nanawagan sa mga mag-asawa na patatagin ang matrimony ng kasal

 1,685 total views

 1,685 total views Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga mag-asawa at pamilya na huwag sumuko sa isa’t isa at sa kanilang pangakong sinumpaan sa harapan ng Diyos at kanilang mga mahal sa buhay. Ito ang bahagi ng panawagan ni Cebu Auxiliary Bishop Midyphil Billones – CBCP Regional Representative for

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Peace talks sa komunistang grupo, panawagan ng CLPI kay Pangulong Marcos

 3,779 total views

 3,779 total views Nanawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Council of Leaders for Peace Initiative (CLPI) na isang grupo ng mga indibidwal na bigyang prayoridad ang pagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa bansa. Ito ang panawagan ng grupo na kinabibilangan din ng ilang Obispo ng Simbahang Katolika sa ikatlong State of the Nation Address ni

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, hinimok na makiisa sa rosary fluvial procession para sa kapayapaan

 9,210 total views

 9,210 total views Nagpaabot ng pasasalamat si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa lahat ng tumugon at nakikibahagi sa 50-Day Rosary Campaign para sa kapayapaan sa inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Ayon sa dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, mahalaga ang pakikiisa ng bawat mananampalataya sa pananalangin ng kapayapaan at kaligtasan

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Panindigan na pag-aari ng Pilipinas ang WPS, hamon ng Obispo sa pamahalaan

 9,375 total views

 9,375 total views Nanindigan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi maaring balewalain ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hauge Netherlands na pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea noong June 12, 2016. Ito ang binigyan diin ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Office

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

MAPODE, umanib sa SCAD

 13,412 total views

 13,412 total views Lumahok sa Super Coalition Against Divorce (SCAD) ang prayer group ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance and Exorcism (MOPODE) bilang pakikiisa sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Opisyal na inanunsyo ang pakikilahok at pagsali sa kowalisyon ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Matagumpay na pagpupulong ng CBCP, panalangin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

 14,260 total views

 14,260 total views Nagpaabot ng panalangin ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa 128th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa sa Mindanao. Ayon kay LAIKO Vice-President for Mindanao Atty. Proculo Sarmen, mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Banal na Espiritu para sa mga Obispo na nagsisilbing pastol

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Lagman, binatikos ng SCAD

 14,614 total views

 14,614 total views Binigyang diin ng Super Coalition Against Divorce (SCAD) na ang paninindigan ng iba’t ibang mga faith-based groups laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas ay nakabatay sa katotohanan at hindi sa pagkukunwari o “religious hypocrisy”. Ito ang tugon ng grupo sa patutsada ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman sa paninindigan ng Couples

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

De Lima, kakasuhan ang mga nagpakulong sa kanya

 27,017 total views

 27,017 total views Inihayag ni dating Senador Leila De Lima ang planong pagsasampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng kanyang pagkakakulong sa loob ng nakalipas na pitong taon. Ito ang ibinahagi ni De Lima sa programang ‘Oras ng Bayan’ sa himpilan ng Radyo Veritas. Inihayag ng dating Senador ang paninirang puri, pagkasira ng reputasyon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

St. John the Baptist church sa Camalig Albay, idineklarang importany cultural property

 19,867 total views

 19,867 total views Opisyal na idineklara ng National Museum of the Philippines bilang isang Important Cultural Property ang St. John the Baptist Church sa Camalig, Albay na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Diyosesis ng Legazpi. Naganap ang paghahawi ng tabing sa panandang pangkasaysayan noong ika-24 ng Hunyo, 2024 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Suporta sa naiwang pamilya ng EJK victims, paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation

 18,979 total views

 18,979 total views Paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang suporta sa pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings sa marahas na implementasyon ng war on drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte. Sa ilalim ng Program Paghilom ay nagkakaloob ng iba’t ibang tulong at suporta ang organisasyon para sa naiwang asawa, magulang at anak ng mga

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Partisipasyon at paninindigan ng mga layko sa usaping panlipunan, paiigtingin

 23,445 total views

 23,445 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang lalong pagpapaigting sa kamalayan at aktibong partisipasyon ng layko sa mga usaping panlipunan sa bansa. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla sa mga nakahanay na gawain ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Ipagdasal ang mga opisyal ng pamahalaan at simbahan, panawagan ng military bishop sa mamamayan

 20,404 total views

 20,404 total views Hinimok ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga opisyal ng pamahalaan at Simbahan upang maging mabuting lingkod at tagapaggabay sa bawat isa. Ito ang bahagi ng mensahe ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa paggunita ng ika-126 na

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, hinamon ang mga Pilipino na manindigan sa pananakop ng dayuhang bansa

 21,884 total views

 21,884 total views Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagiging katiwala ng bawat Pilipino sa kalayaang biyaya ng Panginoon sa bansa. Ito ang paalala ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo – chairman ng CBCP-Office on Stewardship sa pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa ika-12

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SLP, palalawakin ang kaalaman ng mamamayan laban sa divorce

 22,003 total views

 22,003 total views Naninindigan ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on the Laity laban sa panukalang pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Ipinahayag ni Francisco Xavier Padilla, pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang paninindigan sa kasagraduhan ng kasal na maisasantabi sa isinusulong na absolute divorce sa bansa. Pagbabahagi

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Maling pamamahayag ng isang TV station, pinuna ng CBCP President

 20,506 total views

 20,506 total views Pinuna ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang maling pamamahayag ng isang media outlet kaugnay sa naganap na tension sa pagsasagawa sana ng transition sa pamunuan ng St. Joseph Parish sa Gagalangin Tondo, Maynila noong ika-4 ng Hunyo, 2024. Sa personal na Facebook

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top