Kabataan, hinimok na aktibong makilahok sa Barangay at SK elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 433 total reads

Hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth o CBCP-ECY ang mga kabataan na makilahok sa nakatakdang Sangguniang Kabataan Elections sa darating na Mayo.

Ayon kay Rev. Fr. Conegundo Garganta – Executive Secretary ng kumisyon ang Sangguniang Kabataan ay isang magandang simula upang hubugin ang kakayahan at kamalayan ng mga kabataan sa pamumuno at paglilingkod sa bayan mula sa pagsisilbi sa kanilang kapwa kabataan.

Sinabi ni Father Garganta na naaangkop lamang na makilahok sa naturang gawain ang mga kabataan upang lumawak ang kanilang kaisipan sa pagiging isang ganap na miyembro ng lipunan.

“Nais po nating tawagin ng pansin ang atin mga kabataan lalo na ang mayroong hangarin at kalooban na lumahok sa gawain lalo na sa darating na gawain for Sangguniang Kabataan SK Election, alam po natin na ito ay isang magandang plataporma para makapagsimula na humubog ng isipan at kakayahan sa pamumuno lalo na sa pagsasaayos ng ating mga maliliit na lugar o pook na nasasakupan…” panawagan ni Father Garganta sa panayam sa Radyo Veritas.

Paliwanag ng Pari, ang pamumuno sa Barangay at Sangguniang Kabataan ay isang opurtunidad upang mapalawak ang kakayahan at malasakit ng bawat mamamayan sa pamayanan.

Iginiit ng Pari na bagamat maituturing na maliit na posisyon at tungkulin lamang ang pamumuno sa isang Barangay ay isa naman itong paraan para lalong mapalalim ang pagmamalasakit at pagmamahal sa bayan at kapwa.

Dahil dito umaasa si Fr. Garganta na aktibong makikibahagi ang lahat partikular na ang mga kabataan sa nakatakdang halalan upang maibahagi ang kalakasan, talino at kakayahang ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat isa.

Kaugnay nito batay sa inisyal na datos ng Commission on Elections o COMELEC ay mahigit 2-milyon ang bilang ng mga registered voters para sa Sangguniang Kabataan mula sa kabuuang 59.5-milyong rehistradong botante sa bansa.

Matatandaang sa naganap na Encounter with the Youth sa UST ni Pope Francis noong ika-18 ng Enero taong 2015 ay hinamon nito ang mga kabataan na mag-isip, makiramdam at kumilos upang tunay na makapagbahagi sa kapwa, partikular na sa mga nangangailangan at maging sa kapakanan ng buong bayan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 55,348 total reads

 55,348 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 180,096 total reads

 180,096 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 265,463 total reads

 265,463 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 312,203 total reads

 312,203 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 360,069 total reads

 360,069 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 455,272 total reads

 455,272 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top