SK elections, magiging zero political dynasty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 571 total reads

Naniniwala ang Legal Network For Truthful Elections (LENTE) na malaki ang maitutulong ng Anti-Dynasty provision sa SK Reform Law upang mabigyan ng kredibilidad ang mga kabataang tatakbo sa Sangguniang Kabataan mula sa usapin ng Political Dynasty sa bansa.

Ayon kay Atty. Rona Ann Caritos, Executive Director ng LENTE isa sa pinaka-tututukan ng grupo sa nakatakdang halalang pambarangay ang pagpapatupad sa unang pagkakataon ng SK Reform Law.

Ipinaliwanag ni Atty. Caritos na dahil sa naturang Anti-Dynasty Provision ay hindi na maaring kumandidato sa anumang posisyon sa Sangguniang Kabataan ang mga kabataang may kamag-anak na halal na opisyal.

Dahil dito, hindi na maaring sabihin na mga S-K ay tanging breading ground lamang ng mga anak ng mga politico.

“Pinaka-importante pong provision dyan ay meron pong Anti-Dynasty Provision so kapag meron pong kamag-anak na Kapitan o ibang politiko yung tatakbong bata, hindi po siya puwedeng tumakbo. So yun pong laging sinasabi na tinatapon sa SK na breading ground ng mga anak ng Mayor, anak ng Kapitan para sila yung palitan. Bawal na kapag may kamag-anak kang politiko, hindi ka na talaga puwedeng tumakbo sa SK…” paliwanag ni Caritos sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, bukod sa mga napagpasyahan ng COMELEC na paggamit sa mga Certificate of Candidacy o COC na inimprenta para sana sa ipinagpalibang Barangay at SK Elections noong October 2017 ay tututukan rin ng iba’t-ibang organisasyon ang pagpapatupad sa unang pagkakataon ng SK Reform Law.

Nasasaad sa bagong SK Reform Law na maaari lamang tumakbo para sa katungkulan ay ang mga may edad 18 hanggang 24-taong gulang kung saan bahagi ng Certificate of Candidacy na lalagdaan partikular ng mga SK Candidates ang pagtiyak na wala silang kamag-anak sa mga halal na opisyal na maaaring maging batayan ng posibleng diskwalipikasyon sa kanilang posisyon.

Nauna na ring nanindigan ang Simbahang Katolika na sadyang naaangkop lamang ang regular na pagsasagawa ng Halalang Pambarangay at Sangguniang Kabataan para magkaroon ng mas malawak na karanasan ang mga mamamayan sa pagpili ng mga lider na iluluklok sa katungkulan batay sa kanilang mga nagawa para sa pamayanan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 54,469 total reads

 54,469 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 178,634 total reads

 178,634 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 264,002 total reads

 264,002 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 310,743 total reads

 310,743 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 358,609 total reads

 358,609 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 453,896 total reads

 453,896 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top