Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

RGS, paiigtingin ang pagsusulong ng patas na katarungang panlipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,590 total views

Binigyang-diin ng Religious of the Good Shepherd, Philippines-Japan ang higit na pagpapaigting sa misyon na pagsusulong ng patas na katarungang panlipunan sa bansa.

Ito ang mensahe ng international congregation of religious women na kinabibilangan ni Sr. Elenita (Elen) Belardo, RGS – national director ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP) matapos ibasura ang kasong perjury na inihain laban sa madre at siyam pang indibidwal na nagsusulong ng mga karapatan ng mga marginalized sector.

Ayon sa kongregasyon, paiigtingin ng RGS pakikinig, pakikilakbay at pagsisilbing boses ng maralita at mahinang sektor sa harap ng anumang banta at political repression.

“Moving onward, as a congregation, we re-affirm our commitment “to promote justice” and to “help bring about change in whatever condemns others to live a marginalized life.”(RGS Constitutions). In the spirit of synodality, along with fellow churchworkers and human rights defenders, we continue walking with and among the poor, listening to and including voices from the margins and holding our ground despite threats and political repression,” pahayag ng RGS- Philippines-Japan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang kongregasyon sa lahat ng mga suporta at nanalangin para sa pananaig ng katarungan sa kasong perjury na inihain kay Sr. Elen Belardo, RGS na kumakatawan sa Rural Missionaries of the Philippines (RMP) at sa iba pang mga human rights defenders sa bansa.

Nagpahayag ng rin ng pagkilala at papuri ang kongregasyon sa matapang na paninindigan ng Madre laban sa pang-aapi sa marginalized sector na kinabibilangan ng mga magsasaka, mangingisda at mga katutubo.

Ibinahagi ng kongregasyon na ang pagbasura sa kasong perjury laban sa 10-human rights defender ay tagumpay ng mga marginalized sector sa bansa.

Paliwanag ng Religious of the Good Shepherd, Philippines-Japan, “The acquittal is not only a victory of those accused but of all “God’s little ones” for whom and with whom this struggle is being fought.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

A WAY TO LATE?

 28,954 total views

 28,954 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 45,562 total views

 45,562 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Ang pinsala ng pagkalimot

 55,225 total views

 55,225 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Special Division ng Sandiganbayan ang natitirang asset claims sa isa sa mga forfeiture cases laban sa yumaong diktador na

Read More »

Andaming sumasawsaw

 131,966 total views

 131,966 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Malaking kilos-protesta, itinakda ng IRLCNT

 6,662 total views

 6,662 total views Inanunsiyo ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT) ang nakatakdang pagsasagawa ng malaking kilos-protesta laban sa korapsyon at political dynasty sa bansa

Read More »
Scroll to Top