613 total views
Nanawagan si Virac Bishop Luisito Occiano sa mga mananampalataya ng diyosesis na makiisa sa pandaigdigang panalangin para sa kapayapaan sa pamamagitan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo ganap na alas-siyete ng gabi sa Abril 11, 2026.
Ayon sa Obispo, ito ay bilang pakikiisa sa panawagan ni Pope Leo XIV para sa isang sama-samang panalangin ng Simbahan sa gitna ng umiigting na tensyon at kaguluhan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Hinimok din ni Bishop Occiano ang lahat ng parokya at mission churches sa Diyosesis ng Virac na magsagawa ng prayer vigil upang higit pang mapalakas ang pananalangin para sa kapayapaan ng daigdig.
“As the Bishop of Virac, I request everyone to join the Holy Father in praying the Rosary online at 7pm on that day. In all parishes and mission churches, you are encouraged to organize a prayer vigil.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Occiano.
Paliwanag ng Obispo, mahalaga ang pagkakaisa ng Simbahan sa panalangin, lalo na sa pagninilay sa kapangyarihan ng muling pagkabuhay ni Kristo bilang pinagmumulan ng pag-asa at kapayapaan sa sanlibutan.
Hiniling din ni Bishop Occiano ang pakikiisa ng lahat ng parokya, relihiyosong komunidad, at mga layko upang matiyak ang malawak na pakikilahok sa gawain ng pananalangin at pakikiisa ng buong Simbahan.
“Let us unite in prayer, reflecting on the power of Christ’s resurrection and the urgency of peace in our world. May our collective cry for peace resound across the globe. I kindly request that you communicate this invitationn to all parishes, religious communities, and lay faithful, encouraging broad participation in this important moment of ecclesial unity and intercession.” Dagdag pa ni Bishop Occiano.
Pagbabahagi ni Bishop Occiano maaaring makiisa ang lahat sa nakatakdang Global Prayer Vigil for Peace sa ika-11 ng Abril, 2026 sa pamamagitan ng pananalangin ng Santo Rosaryo, Eucharistic adoration, pagdalo sa pagdiriwang ng banal na misa, at ibang gawaing espiritwal.






