Sa gitna ng krisis sa langis, Obispo nanawagan ng pagkakaisa at reporma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,380 total views

Nanawagan ng pagkakaisa at reporma ang Obispo ng Diyosesis ng Gumaca sa gitna ng krisis sa langis at transportasyon dulot ng nagaganap na kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Sa pamamagitan ng isang liham pastoral, binigyang-diin ni Gumaca Bishop Euginius Cañete na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ay nagdudulot ng matinding hirap sa mga drayber, komyuter, at manggagawa.

Ayon sa Obispo, hindi lamang ito krisis sa enerhiya kundi krisis sa karapatang makapagtrabaho at makapamuhay nang may dignidad.

“Hindi lamang ito krisis ng langis, kundi krisis ng pagbiyahe upang maghanapbuhay. Ang transportasyon ay karapatan, hindi pribilehiyo. Ito ang daan upang makapagtrabaho, makapag-aral, makapagpagamot, at makapiling ang pamilya. Kapag pumalpak ang sistema ng transportasyon, ang mahihirap ang unang naiiwan.” Bahagi ng liham pastoral ni Bishop Cañete.

Hinimok din ni Bishop Cañete ang pamahalaan na magpatupad ng makatarungang reporma sa transportasyon at ekonomiya na tunay na maglilingkod sa mamamayan.

Nanawagan din ang Obispo ng sama-samang pagkilos mula sa pagtutulungan sa komunidad, pagtitipid sa konsumo ng langis, hanggang sa pananalangin at bolunterismo sa komunidad.

“Buong lakas nating ipinahahayag ang panawagan para sa tunay at sistemikong reporma sa transportasyon. Kailangan nating magtatag ng sistemang naglilingkod sa nakararami, kumikilala sa karapatan ng mga drayber, komyuter, at manggagawa, at nakaugat sa kabutihang panlahat.” Dagdag pa ni Bishop Cañete.

Sa kabila ng krisis, pinaalalahanan din ni Bishop Cañete ang mga mananampalataya na manatiling matatag sa pag-asa, sapagkat ang Muling Pagkabuhay ni Kristo ay paanyaya sa pagbabagong-buhay ng lipunan tungo sa katarungan at pagkakaisa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 139,846 total views

 139,846 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 264,257 total views

 264,257 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 303,060 total views

 303,060 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 374,713 total views

 374,713 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top