Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,006 total reads

Kapanalig, bigyang atensyon naman natin ang mga kababayang nating dumadaan sa mga krisis pangkalusgan sa ating bayan. Sa ngayon, dahil ang ating bayan ay may young population, hindi  masyado nababalitaan o napapansin sa mainstream media o social media ang hirap na pinagdadaanan ng maraming mga Filipino na may pinagdadaanang malala at chronic diseases. Hindi natin nakikita ang napakabahang pila na tinitiis ng marami nating kababayan sa mga public hospitals para lamang magpa check-up o makakuha ng treatment at laboratory tests. Madalang magviral ang mga ganitong pangyayari sa social media, kahit pa araw-araw ito nangyayari.

Ayon sa World Bank, maraming may non-communicable diseases sa ating bansa, at tinatantyang kinitikil nito ang buhay ng may mga 300,000 na katao sa Pilipinas kada taon, ang mga sakit na ito ay  diabetes, heart disease, stroke, cancer, at mga chronic diseases na nakaka-apekto sa baga.

Kapanalig, napakamahal at matagal ang gamutan na ito. At kahit may kaya ka pa, maaaring masaid ang pera mo dito. Kaya nga marami sa ating kababayan, kaysa magpatingin sa doctor o kahit sa health center, tinitiis na lang ang sakit. Kung di na matiis, nangungutang na lang.

Sa mga ganitong pagkakataon, mahalagang mahalaga ang mga government services gaya ng Universal Health care, ang matatag na PhilHealth pati na rin ng Department of Social Development and Welfare. Lingid sa ating kaalaman, mahalaga rin dito at malaking tulong ang mga guaranty letters mula sa mga opisina ng LGU, ng congressman, senador, at mga kagawaran gaya ng PCSO. Kahit madaling araw marami ang mga pumipila para dito para sa magkaroon ng budget para sa mga libreng gamot at laboratory tests.

Kapanalig, sana mas mapadali pa natin ang mga sistema at serbisyo para sa mga krisis pangkalusugan ng ating mga kababayan. Mas lalong hirap ang ating mga kababayang may sakit dahil kailangan pa nila pagdaanan ang samut-saring proseso at pila kahit pa sila ay may pinagdaanang malubhang sakit. Isang halimbawa ay para sa mga kababayan nating nagda-dialysis na. Ilang oras sila sa dialysis centers ilang beses sa isang linggo. Napakalaking tulong ng PhilHealth package para dito, kaya lamang kung pipila pa sila para sa mga ibang labtest na kanilang kukunin, o para sa iba pang gamot na kailangan nilang bilhin, wala na silang ibang magagawa, kasama ang kanilang caregivers, sa kanilang buong linggo. Paano na ang kanilang mga trabaho na kailangan pa rin nila upang tustusan ang pang-araw araw na gastos?

May gabay ang Laborem Exercens sa usaping pangkalasugan. Ayon dito:  Dapat easily available o abot kamay ang ang medical assistance para sa mamamayan, at kung maaari, ito ay maging napakamura o free of charge o libre. Sabay nito, kailangan din natin kilalanin ang right to rest, pati na ang right to insurance at pension para sa mga may edad at manggagawa. Kapanalig, dapat ang serbisyong pangkalusugan sa ating bayan ay nagbibigay buhay, at hindi nagpapaikli ng buhay ng mamamayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 3,048 total reads

 3,048 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 55,013 total reads

 55,013 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 140,379 total reads

 140,379 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 187,115 total reads

 187,115 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 234,987 total reads

 234,987 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 336,303 total reads

 336,303 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 55,014 total reads

 55,014 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 140,380 total reads

 140,380 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 187,116 total reads

 187,116 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 234,988 total reads

 234,988 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top