Sama-samang itama ang mga maling ideyolohiya sa lipunan

SHARE THE TRUTH

 380 total views

Hindi lamang ang pananalangin para sa kapayapaan at para sa buhay ang dapat magkaisang gawin ng mga mamamayan kundi maging ang pagtatama sa mga maling ideyolohiya na kumakalat sa lipunan.

Ito ang panawagan ni Rev. Father Carlos Reyes, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission for Inter-Religious Dialogue kaugnay sa pagkalat ng ideyolohiya ng terorismo lalo na ng ISIS sa Pilipinas.

Ayon sa Pari, dapat na magsama-sama ang bawat Filipino mapa-Kristiyano Katoliko man o hindi upang tulungan ang mga kapatid na Muslim laban sa pagkalat ang ideyolohiyang sumisira sa persepsiyon ng mga mamamayan sa pananampalatayang Islam.

“Kailangang tulungan po natin ang mga kapatid natin, mga kaibigan natin na Muslim upang maituwid itong ideyolohiya na hindi naman tinatanggap ng karamihan ng mga Muslim yung ideyolohiya ng ISIS, so kailangan talagang manalangin tayo at yung panalangin natin ay talagang para sa kapayapaan hindi para sa kamatayan, hindi para maging exclusive yung ibang mga hindi kasama sa ating paniniwala, lahat tayo ay mga tao na nilalang ng Diyos…”pahayag Father Reyes sa panayam ng Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Pari na ang pananalangin para sa bayan ay dapat para sa pangkabuuan at hindi lamang para sa iilang sektor o kaparehong denominasyon sapagkat bawat isa ay pareho-pareho nilalang ng Diyos.

Matatandaang binigyang diin ni Pope Francis na walang anumang relihiyon ang nagtuturo ng karahasan at pagdudulot ng kapahamakan sa kapwa.

Kaugnay nito sa tala ng Philippine Statistics Authority o PSA noong 2011, may tinatayang 82.9 na porsiyento ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ay mga Katoliko habang may 5-porsyento naman ang mga Muslim na karamihan ay nasa rehiyon ng Mindanao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 80,156 total views

 80,156 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 91,160 total views

 91,160 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 98,965 total views

 98,965 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 112,204 total views

 112,204 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 123,711 total views

 123,711 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top