Dangal ng Domestic Workers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,517 total reads

Kasambahay sa ibang bayan: ito ang realidad ng marami nating mga kababayan na kinailangan lisanin ang sariling pamilya upang maglingkod sa ibang pamilya sa labas ng bansa.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot ng 2.4 million ang bilang ng mga OFWs na nagtrabaho sa ibang bansa noong 2015. Sa bilang na ito, 51.1% ay mga babae. Mga pitong porsyento ng mga babaeng OFWs ay nasa edad 15 hanggang 24 years at 29.5 percent naman ang may edad 25 hanggang 29 years. Higit pa sa kalahati ng mga babaeng OFWs ay mga laborers o unskilled workers, o mga domestic workers. Noong 2009, ang pangunahing destinasyon ng mga domestic workers mula sa Pilipinas ay Hong Kong, Kuwait, United Arab Emirates, Saudi Arabia at Qatar.

Kapanalig, marangal na trabaho ang domestic help. Ngunit natatanggal ang dangal ng marami nating mga kababayang domestic helpers dahil sa pangmamaltrato ng kanilang mga amo. Ayon nga sa Center for Migrant Advocacy, marami pa ring mga insidente ng pang-aabuso sa mga Pilipinang domestic workers.

May mga kaso ng overworked domestic workers, kung saan hindi lamang iisang bahay ang kanilang kailangang linisin at imintina. Halos hindi sila makatulog o makakain sa dami ng kanilang trabaho. May mga kaso din kung saan nasasaktan ng mga amo ang trabahante dahil sa pagkamamali, maliit man o malaki. Mayroong din mga kaso ng pangmo-molestiya o panggagahasa.

Ayon sa UN Committee on the Elimination of Violence against women and children, kulang ang ating support system para sa mga OFWs pati na ang proteksyon para sa mga unskilled migrants. Minumungkahi nga nito na i-ayos pa natin at palawigin ang proteksyon para sa karapatan ng mga kababaihang OFWs sa pamamagitan ng mga bilateral agreements at memorandums of understanding (MOU).

Kapanalig, bilang isang bansa na tao ang isa sa mga pangunahing ini-export, kailangan marunong tayong mag-“assert” at mangalaga ng karapatang pantao. Ang mga OFWs natin sa ibang bansa ay bulnerable, ngunit kahit ganito ang kanilang sitwasyon, malabong bumaba ang kanilang bilang. Sa hirap ng buhay sa ating bayan, pihadong tuloy tuloy ang exodus patungo sa ibang bansa ng marami nating mga kababayan. Ang pagkakaroon ng mga bilateral agreements at memorandum na kikilala at mangangalaga sa kanilang karapatan ay maaring maging epektibong proteksyon para sa kanila, mga kapwa-Pilipino na tinatawag nating bayani.

Ang Rerum Novarum, bahagi ng Panlipunang Turo ng Simbahan ay nag-aalay ng mahalagang gabay sa isyung ito: “Ang hustisya o katarungan ay tinatawag tayo at ang administrasyon na pangalagaan ang interes ng mga manggagawa. Ang pangngangalaga ng kanilang kapakanan ay paniniguro na mararamdaman din nila ang mga benepisyo at biyaya ng kanilang mga ambag sa ating lipunan.” Nagbibigay ito ng saysay, halaga, at dangal sa kanilang paghihirap sa ibang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 73,306 total reads

 73,306 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 151,819 total reads

 151,819 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,267 total reads

 185,267 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 220,564 total reads

 220,564 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,124 total reads

 444,124 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 73,307 total reads

 73,307 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 151,820 total reads

 151,820 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,268 total reads

 185,268 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 220,565 total reads

 220,565 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top