Sama-samang tiyakin ang maayos at mapayapang halalan, panawagan ng Obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Patuloy na ipagdasal sa Panginoon ang mapayapa at maayos na kabuuang proseso at resulta ng halalan sa bansa.

Ito ang panawagan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco kaugnay sa kasalukuyang National and Local Elections 2022.
Ayon sa Obispo, dapat na igalang ang sagradong proseso ng halalan sa bansa gayundin ang magiging resulta nito na kumakatawan sa pulso at kalooban ng sambayanang Pilipino.

Nanawagan si Bishop Ongtioco ng sama-samang pagbabantay at pagtiyak ng kaayusan at katapatan ng kabuuang proseso ng halalan.

“Tayo ay nagpapasalamat sa Diyos, sa ngayon mapayapa po para sa mapayapang, mabuting resulta ng National and Local Elections. Mayroon tayong proseso kaya ginagalang natin ang prosesong ito, sagrado ito kaya ipagdasal natin patuloy itong payapa, maayos na eleksyon hanggang sa matapos po ang pagbibilang. Sa inyong lahat sama-sama tayong magtulungan para sa mapayapa at maayos na eleksyon. Nagpapasalamat tayo maayos po, thank you.” pahayag ni Bishop Ongtioco.

Una ng binigyang diin ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara na mahalagang igalang ang kagustuhan at desisyon ng taumbayan batay sa magiging resulta ng halalan.

Pagbabahagi ni Bishop Vergara, anuman ang maging resulta ng eleksyon ay dapat na magkaisa ang sambayanan upang tumulong sa mga bagong halal na opisyal ng bayan.

Batay sa tala ng Commission on Elections (COMELEC) aabot sa 67-milyong ang bilang ng mga botanteng inaasahang makikibahagi sa National and Local Elections 2022 kabilang na ang nasa mahigit 1.6 na milyong mga rehistradong Overseas Filipino Workers na binigyang ng isang buwang pagkakataon upang makaboto mula noong April 10, 2022 hanggang sa mismong araw ng halalan ngayong May 9, 2022.

Attached video & photos of Cubao Bishop Honesto Ongtioco:

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top