12,591 total views
Muling kinilala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kahandaan at kakayahan ng San Carlos Diocesan Social Action Foundation, Inc. (SCDSAFI) na tumugon sa pangangailangan ng nasasakupan sa pamamagitan ng iba’t ibang mga programa sa lugar.
Sa isinagawang DSWD monitoring visit ng DSWD Field Office VI Standards Section Staff sa tanggapan noong ika-12 ng Setyembre, 2024, muling nakapasa at kapuri-puri ang pagtalima ng San Carlos Diocesan Social Action Foundation, Inc. (SCDSAFI) sa ipinatutupad ng kagawaran na Enhanced Guidelines in the Monitoring of Social Welfare and Development Agencies.
Kinilala rin ng regional office ng DSWD ang pambihirang pagtugon ng tanggapan sa pangangailangan at sitwasyon ng mga mamamayan sa pamamagitan ng kaledad na mga social welfare and development programs nito sa nasasakupang lugar ng Diyosesis ng San Carlos sa Negros Occidental.
“The San Carlos Diocesan Social Action Foundation, Inc. (SCDSAFI) has once again demonstrated its commitment to excellence by successfully passing the Department of Social Welfare and Development (DSWD) monitoring visit on September 12, 2024. The visit, conducted by the DSWD Field Office VI Standards Section Staff, aimed to assess the foundation’s compliance with the Enhanced Guidelines in the Monitoring of Social Welfare and Development Agencies. The thorough evaluation confirmed that SCDSAFI continues to uphold the required standards for the quality delivery of its social welfare and development programs.” Pagbabahagi ng SCDSAFI.
Sa naganap na monitoring visit ng DSWD Field Office VI Standards Section ay iprinesinta rin ng San Carlos Diocesan Social Action Foundation ang komprehensibong dokumentasyon nito na isa lamang patunay sa dedikasyon na mapanatili ang mataas na pamantayan na itinakda ng DSWD sa pagtiyak ang ligtas, epektibo, at taus-pusong paghahatid ng serbisyo sa komunidad.
“During the monitoring, SCDSAFI showcased its comprehensive documentation. The successful completion of this assessment affirms SCDSAFI’s dedication to maintaining the high standards set by the DSWD, ensuring safe, effective, and compassionate service delivery to the community.” Dagdag pa ng SCDSAFI.
Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng SCDSAFI sa DSWD Field Office VI para sa patuloy na paggabay at pangangasiwa upang maisakatuparan ng institusyon ng Simbahan ang pangako sa pagpapanatili ng pamantayan sa naangkop na pagtulong sa komunidad ng naaayon sa ipinag-uutos ng pambansang kagawaran.
Tiniyak naman ng San Carlos Diocesan Social Action Foundation ang patuloy ng pakikipagtulungan sa DSWD para pagsilbihan ang komunidad nang may integridad, transparency, at kahusayan.
Ang San Carlos Diocesan Social Action Foundation, Inc. (SCDSAFI) ang nagsisilbing social arm ng Diyosesis ng San Carlos sa Negros Occidental na pinangangsiwaan ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza.