Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

San Nicolas de Tolentino parish church, itinalagang ika-19 Minor Basilica ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

 619 total views

Hamon sa bawat mananampalataya at deboto na higit kilalanin at palalimin ang ugnayan sa Panginoon.

Ito ang mensahe ni Nueva Segovia Archbishop Marlo Peralta kasunod ng pagdeklara sa Minor Basilica ng parokya ni San Nicolas de Tolentino na Archdiocesan Shrine of Santo Cristo Milagroso de Sinait.

Ayon sa arsobispo, mahalagang maunawaan ng mananampalataya ang tunay na kahulugan ng pagkakapako ni Kristo sa krus alang-alang sa kaligtasan ng sanlibutan.

“Let’s go beyond the image [crucified Christ], mas mahalaga na maintindihan natin ang mensahe ni Hesus lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan lahat ay naghihirap; palalimin natin ang ating debosyon kay Hesus,” pahayag ni Archbishop Peralta sa panayam ng Radio Veritas.

Binigyang diin ng arsobispo na malaking biyaya ito sa mananampalataya sa arkidiyosesis at mga deboto lalo ngayong ipinagdiriwang ng bansa ang 500 Years of Christianity kung saan isa ang parokya ni San Nicolas de Tolentino sa mga itinalagang pilgrim churches ng arkidiyosesis.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Umaasa si Archbishop Peralta na samantalahin ng mga deboto ang pagkakataong mas kilalanin ang pananampalatayang kristiyano sa pamamagitan ng pagdalaw at pagninilay sa bagong minor basilica.

“Kailangang malaman ng mga tao na it is part of their deepening of faith na makikita at maiugnay ang paghihirap ng pandemya sa nakapakong Kristo; the value of suffering,” ani ng arsobispo.

Matatandaang ika-3 ng Mayo kasabay ng kapistahan ng Santo Cristo ay inanunsyo ni Archbishop Peralta ang minor basilica status ng simbahan na pinagluklukan ng imahe ng 400-year-old Santo Cristo Milagroso de Sinait.

Batay sa kasaysayan, natagpuan ang imahe sa dalampasigan ng Dadalaquiten sa pagitan ng Sinait Ilocos Sur at Badoc ng Ilocos Norte noong 1620.

Kasamang natagpuan ang imahe na Mahal na Birhen na kasalukuyang nakaluklok sa Badoc Ilocos Norte. Ang parokya ng San Nicolas Tolentino ay itinatag ng mga Agustinong misyonero noong 1574 at natapos taong 1598 isa sa kinikilalang pinakamatandang simbahan sa buong bansa.

Naniniwala si Archbishop Peralta na ang pagkilala sa Minor Basilica ng San Nicolas de Tolentino ay pagkilala ng Kanyang Kabanalan Francisco sa malalim na pananampalataya ng mga Ilocano.

“Ito rin ang isang pagkilala ng Holy Father sa malakas na pananampalataya ng mga Ilocanos,” dagdag ni Archbishop Peralta.

Nakatakda naman sa Setyembre 10, 2021 ang elevation ng minor basilica kasabay ng kapistahan ni San Nicolas de Tolentino ang patron ng parokya. Ito na ang ika – 19 minor basilica ng Pilipinas at ikapitong basilica na itinalaga ng Santo Papa mula ng manungkulan ito noong 2013

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 18,734 total views

 18,734 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 27,402 total views

 27,402 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 35,582 total views

 35,582 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 31,521 total views

 31,521 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 43,572 total views

 43,572 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,980 total views

 5,980 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 11,587 total views

 11,587 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 16,742 total views

 16,742 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top