Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 57,126 total reads

Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday.

Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala ng tao sa kalikasan sa pananalasa ng bagyong Butchoy, Carina at Habagat sa 12-rehiyon ng Pilipinas kung saan naitala ng Department of Agriculture at DPWH, National Irrigation Authority ang pinsala sa imprastraktura, agriculture at fishery sa 5-bilyong bilyong piso habang 40-katao ang namatay at mahigit 10-katao naman ang nawawala.

Noong a-uno ng Setyembre 2024 pumasok sa PAR ang bagyong Enteng na nagdulot ng matinding pagbaha sa Bulacan, Laguna, Rizal at Metro Manila kung saan 13-katao ang nasawi.

Kapanalig, huwag na nating hintayin ang panibagong trahedya… huwag tayong magmasid lamang… dumadaing ng tulong ang kalikasan.

Bilang tropical country, laging sinasabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) na 20 o mahigit pang bagyo at sama ng panahon ang tumatama sa bansa na ipinagkikibit balikat lamang ng mga tao lalu ng mga namumuno sa pamahalaan.

Taon-taon paulit-ulit na nangyayari sa bansa ang ganitong trahedya na dapat maging “eye opener” sa lahat ng mamamayan na pangalagaan ang sangnilikha… pero sa halip na protektahan, mismong mga tao ang sumisira kapalit ng sinasabing development at kita. Laganap sa Pilipinas ang mining, illegal logging, quarrying at conversion ng mga agricultural land to commercial at residential.

Sa pagbubukas ng “season of creation”, ipinaalala ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula na ang isang tagapagtanggol ng kalikasan o mabuting tagapangasiwa ng kalikasan ay nagtataglay ng kabutihang-asal, pag-asa, nakikinig at kumikilos para ikabubuti ng daigdig-ang nag-iisa nating tahanan.

Iginiit ni Cardinal Advincula ang pakikinig sa hinaing ng nagdurusang daigdig dahil sa mga tinamong pinsala mula sa pagmamalabis ng mga tao.

Ipinaalala ng Kardinal na “Kung hindi tayo makikinig, hindi tayo makatutugon. Kung hindi tayo makikinig, baka maging mali ang ating pagtugon. Let us listen to their cries and we will be able to respond properly, appropriately, and in a timely manner,”

Sa encyclical na “Laudato Si” na binubuo ng anim na bahagi o chapters., hinihimok ni Pope Francis ang “Santa Iglesia” na isabubay ang pananampalataya sa pamamagitan ng pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

Tinukoy sa Laudato Si ang dahilan ng mga environmental problem o nararanasang ecological crisis ng mundo… Ito ay ang “reflective” na paggamit ng teknolohiya, pagmanipula at pag-kontrol sa kalikasan, pananaw na magkahiwalay ang kalikasan sa tao, mababaw na economic theories at moral relativism.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 27,654 total reads

 27,654 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 254,705 total reads

 254,705 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 148,172 total reads

 148,172 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 242,202 total reads

 242,202 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 285,141 total reads

 285,141 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ang bigat ng betrayal of public trust

 27,656 total reads

 27,656 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 254,707 total reads

 254,707 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 148,174 total reads

 148,174 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 242,204 total reads

 242,204 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »
Scroll to Top