Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Seguridad at peace and order sa Negros Oriental, tiniyak

SHARE THE TRUTH

 2,451 total views

Tiniyak ng Department of National Defense (DND) at Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines (CSAFP) ang pagpapanatili ng kapayapaan sa lalawigan ng Negros Oriental kasabay ng pagkamit ng katarungan sa pagpatay kay Governor Roel Degamo.

Ayon kay DND Acting Secretary Carlito Galvez, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapaigting ng seguridad upang mabawasan ang anumang criminal activities sa lugar.

“Also we have just deployed a 50-man specially-trained strong light reaction company, kung alam nyo po yung light reaction company they were involved in the battle of Marawi, from the deployment of HTE Armed Forces of the Philippines to monitor the remaining suspects, as the president had said that we will give justice to the family and sabi nya na for the suspects, you can run but you cannot hide, we will find you,” ayon sa pahayag Galvez.

Ipinagutos rin ng Punong Ehekutibo ang paglikha ng Joint Task Force ng AFP at Philippine National Police upang agad na madakip ang mga nalalabing suspects.

Tiniyak naman ni CSAFP General Andres Centino na nakatalaga na sa Negros Oriental ang 3rd Infantry Division ng Philippine Army at dalawang pang hanay mula rin sa AFP upang magbantay sa seguridad at mapanatili ang kapayapaan sa lugar.

“The joint task force will be headed by the Commander of 3rd Infantry Division Brigadier General Marion Sison and he will be assisted by two brigade commanders Brigadier General Leo Pena and Colonel Edralin, they are Brigade Commanders having operational control over six battalions in the island, we assure that the AFP in collaboration with the PNP and other law enforcement agencies will continue to protect the people and safeguard the peace and security in our community,” pahayag ni General Centino.

Apat na suspek na ang naaresto ng mga awtoridad habang pinaghahanap pa ang ibang kasabwat sa pagpaslang sa gobernador.

Naunang kinundena ni Dumaguete Bishop Julito Cortes ang kaganapan ng pagpaslang kay Governor Degamo dahil narin patunay ito ng pagpapatuloy ng ‘Culture of Violence’ sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 26,064 total views

 26,064 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 42,152 total views

 42,152 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 79,814 total views

 79,814 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 90,765 total views

 90,765 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 25,448 total views

 25,448 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top