300 total views

Homiliya para sa Ika-5 Linggo ng Pagkabuhay, Mayo 7, 2023, Juan 14:1-12

Isa daw sa pinakamalakas magpaikli sa buhay ng tao ay pagwo-worry o pagkabalisa. Ito raw and pinaka-common na klase ng mental health issue na nararanasan ng lahat ng tao sa buong mundo. Ang madalas gamitin na technical term para dito sa Ingles ay ANXIETY DISORDER, o kawalan ng panloob na katiwasayan. Iyun bang hindi makatulog, di-makakain, di-makatrabahong mabuti, walang kapanatagan, laging parang balisa o ninenerbyos na baka may mangyaring masama. At ang pinaka-common form daw ng anxiety ay SEPARATION ANXIETY (takot na mawalay).

Ang madalas daw na pagmulan ng anxiety o pagkabalisa ay pagkatakot sa kamatayan, lalo na pag nagkakasakit na ang tao o nagkakaedad, o nakakaranas na ng “life-threatening situations” o mga karanasan ng pagkakalagay sa bingit ng panganib. Dahil ang buhay natin ay nakakabit sa buhay ng ibang tao, natatakot tayong mawalay. Naitatanong natin, “Paano na lang kami, pag nawala ka? Paano na lang kayo pag nauna na ako?”

Lahat daw ng tao ay may ganitong klase ng pagkabalisa, dahil para sa ating lahat, ang buhay sa mundo ay nagsimula sa pagkawalay natin sa buhay sa sinapupunan. Dati kasi tayong nakakabit o nakarugtong sa nanay, napatid tayo sa pusod nang tayo ay isilang. Kaya siguro may tendency tayong mangunyapit o kumapit nang mahigpit. Itong ganitong pangamba ang madalas magdulot ng insecurity sa atin. Takot tayong bumitiw, baka kasi tayo maiwan, o mawalay.

May kakilala ako, naging traumatic sa kanya ang pag-alis ng tatay niya. Kasama siyang naghatid sa airport, ayaw bumitaw. Nagkatotoo pa naman ang kinatatakutan niya. Sa ibang bansa, nagkaroon ng ibang pamilya ang tatay niya at hindi na umuwi. Kaya malakas ang kanyang separation anxiety. Madalas daw niyang mapanaginipan na parang iniwan siya, para siyang pusang iniligaw.

Pagnilayan natin ang paraan ni Hesus ng pagtugon sa pagkabalisa ng kanyang mga alagad, ayon sa ebanghelyo. Una: ang pagkabalisa ni Tomas. Parang ganito ang dating ng sinasabi ni Tomas sa unang bahagi ng ebanghelyo.

“Mauuna ka sa amin? Susunod kami? Baka maligaw kami! Baka malihis kami ng landas. Baka magkalayo tayo at hindi na magkitang muli. Ituro mo sa amin ang daan!” At ang sagot ni Jesus ay ganito, “Hindi ko lang ituturovang daan; sasamahan ko kayo.”

Kaya big word ngayon ang salitang ACCOMPANIMENT. Kahit kasi inexplain na sa atin ang daan, pwede nating makalimutan. O kahit meron nang hawak na mapa papunta sa pupuntahan, pwede pang maligaw ang tao. Ang waze nga pumapalpak din kapag walang signal at hindi makapag-recalculate.

Iba ang feeling pag sinabihan ka—“Don’t worry sasamahan na kita.” Iba ang feeling na may kasama ka, kaantabay, kaagapay. Sa piling ng ating mga mahal sa buhay, panatag ang loob natin. Ganoon ang pagiging alagad—iyung panatag ang loob mo sa piling ni Hesus. At napapanatag din ang loob ng iba sa pamamagitan mo, dahil ramdam sa iyo ang Panginoong nakikilakbay sa atin.

Kaya pala hindi sinabi ni Hesus “Ituturo ko sa iyo ang daan, katotohanan at buhay.” Ang sabi niya, “Ako ang daan, katotohanan, at buhay.” Walang dahilan para ikaw ay mabalisa kung kasama mo ako. Sa piling niya, ang kaharian ng Diyos ay narito na. Mararanasan na, hindi bukas kundi ngayon na.

Sa unang pagbasa may problema daw sa community na ipinaabot sa mga apostol. May napapabayaan; may nagugutom at may nalalamangan. Hindi ito ipinagwalang-bahala ng mga apostol. Hindi nila sinabing maaayos din iyan sa wakas ng panahon. Anong wakas? Ayusin natin ngayon na. Basta’t may magagawa, gawin ito ngayon na, huwag ipagpabukas. Kaya humirang sila ng mga diyakono na mangangasiwa at tutugon sa mga pangangailangan.

Hindi kailangang maghintay ng kabilang buhay upang maranasan ang paghahari ng Diyos. Pwede nating isabuhay ang buhay sa mundo sa paraang sumasaatin na ang kaharian at sinusunod ang kalooban ng Diyos, upang ang dito sa lupa ay para nang sa langit. Ito rin ang sinasabi ng ating ikalawang pagbasa sa sulat ni San Pedro, “na tayo’y maging mga buhay na batong na pinagsama-sama upang bumuo ng isang templo, isang pagkaparing nag-aalay ng mga sakripisyong katanggap-tanggap sa Diyos sa pamamagitan ni HesuKristo.” Sa madaling salita, kay Kristo bilang ating panulukang bato, ang bukas ay nagiging ngayon na.

Sa pangalawang bahagi ng ebanghelyo, tututukan naman natin ang pagkabalisa ni Felipe. Parang ganito ang sinasabi niya: “Lord, sakali mang makaabot nga kami sa pupuntahan mo, e baka hindi naman kami makilala ng tatay mo. Baka hindi niya kami patuluyin. Baka pag kumatok kami ay pagsarhan kami ng pinto. O baka ibang pinto ang katukan namin dahil hindi namin kabisado ang mukha niya. Baka sabihin niya, hindi ko kayo kilala.”

Ito ang isa pang madalas magdulot sa atin ng pagkabalisa. Ang takot na baka hindi tayo tanggapin. Baka hindi tayo pumasa o makitang karapat-dapat. Baka tayo ma-etsapwera.

Ang sagot ni Hesus kay Felipe ay, “Ako at ang Ama ay iisa.” Kay Hesus nakikita ang Diyos na hindi nakikita. Ito ang sinabi ni San Pablo sa mga Taga Kolosas, “Siya ang mukha ng Diyos na hindi nakikita, ang panganay ng buong sangnilikha.” At ang mukha ng Diyos na ipinakilala ni Hesus ay mahabagin at mapagmalasakit. Hindi isang Diyos na huhusga sa atin. May lugar siya para sa lahat, wala siya itatapon o isasantabi. Sabi nga ni San Juan, “hindi naman isinugo ng Diyos ang kanyang anak upang parusahan ang daigdig kundi upang iligtas ito.

Kaya kaisa ni Hesus, sa atin ding mga alagad dapat ding makita ang mukha ng Diyos na mahabagin, tumatanggap at nagpapatawad. Kaisa ni Hesus ang Diyos na hindi nakikita ay makikita rin sa atin, sa ating mga gawain. Sa pagiging alagad, mas nakikilala natin siya, mas napaglilingkuran, at nasusundan nang nang mas malapitan upang makatulad natin siya, upang maging “kamukha” natin siya, upang matulad tayo sa kanyang hugis at wangis. At nangyayari ito kapag natututo tayong magmahal kung paano niya tayo minahal.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Haka-haka lang ang kahirapan?

 7,939 total views

 7,939 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot mo sa tanong na ito ng Social Weather Stations (o SWS): “Saan ninyo ilalagay ang inyong pamilya sa kard na ito: hindi mahirap o mahirap?” Nang huling tinanong ‘yan ng SWS noong Marso, 46% ang nagsabing sila ay “mahirap” habang 23% ang nagsabing silay ay “hindi mahirap”. Ang

Read More »

Maliit na Kabuhayan

 22,824 total views

 22,824 total views Maliit man ang kabuhayan, ito naman ang pinanggagalingan ng yaman ng maraming pamilyang Pilipino. Ang small business, kapanalig, ay karaniwang source of livelihood na natin. Minsan ito na ang main source of income, minsan, side gig lamang ito para may pandagdag pang-gastos. Ang kasabihan na ang maliit ay nakakapuwing ay totoo pagdating sa

Read More »

Technical Vocational Education and Training

 33,063 total views

 33,063 total views Kapanalig, marami sa atin sa technical and vocational education umaasa para magkaroon ng trabaho. Tinatayang umabot sa mahigit pa sa 1.2 million ang technical vocational education and training (tech-voc) graduates at halos isang milyon na rin ang certified skilled workers noong 2023. Ang laking tulong ng tech-voc sa maraming pamilya. Dahil dito, nagkakaroon

Read More »

Paglago ng Artificial Intelligence

 21,839 total views

 21,839 total views Maraming inobasyon at modernong teknolohiya ang nagdadala ng malawakang pagbabago sa job landscape hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo ngayon. Malaking hamon ito sa mga bansang gaya sa atin na nangangailangan ng mas maraming trabaho at oportunidad para sa maraming mamamayan. Isa ngang halimbawa ngayon ay ang mabilis na paglaganap ng

Read More »

“Climate crisis is a child crisis”

 41,436 total views

 41,436 total views Mga Kapanalig, para maiwasan nang makulob ang ating mga estudyante sa mainit na silid-aralan tuwing Abril at Mayo, ia-adjust na ng Department of Education (o DepEd) ang darating na school year. Ang paparating na school year 2024-2025 ay magsisimula sa July 29 ngayong taon at matatapos sa March 31 ng susunod na taon.

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

INAMPON

 122 total views

 122 total views Homiliya para sa Holy Trinity Sunday, 26 Mayo 2024, Mat 28:16-20 Sa araw na ito ng Kapistahan ng Banal na Santatlo, tutukan natin ng pagninilay, hindi ang misteryo ng Santatlo, kundi ang epekto nito sa atin, ayon kay San Pablo: ANG DIWA NG PAGIGING AMPON NG DIYOS AT TAGAPAGMANA NG KANYANG KAHARIAN. Pag-ampon

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YES OR NO?

 435 total views

 435 total views Homily for Friday of the 7th Wk in Ordinary Time, 24 May 2024, Mk 10:1-12 Today’s Gospel is bound to go viral again in the social media because it is about a hot issue that is presently being debated and has already undergone a third reading and voting by our legislators in the

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUHAY KO, ALAY KO

 436 total views

 436 total views Homiliya para sa Kapistahan ng Panginoong Hesukristo bilang Paring Pang-magpakailanman, 23 Mayo 2024, Mk 14:22-25 SACERDOTE: Ito ang tawag sa mga sinaunang pari. Mula ito sa salitang Latin na SACERDOS , ibig sabihin—sagradong regalo o banal na handog. Siguro dahil ang papel ng mga pari sa templo ay ang mag-alay sa Diyos ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

I CONFESS…

 437 total views

 437 total views Homily for Wed of the 7th Wk in Ordinary Time, 22 May 2024, Mk 9:38-40 Somebody once asked me, “Bishop, I was told by a friend that I need to make a confession at each time I wish to receive holy communion? Is that true?” My answer was “YES and NO.” Why NO?

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAING NG SANGNILIKHA

 802 total views

 802 total views Homiliya para sa Linggo ng Pentekostes, 19 ng Mayo 2024, Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay araw ng pagdiriwang ng pagdating ng regalong dulot ng pagkabuhay ni Kristo at pag-akyat niya sa langit: ang Espiritu bumaba at lumukob sa mga alagad upang magpatuloy sa pamamagitan nila ang misyon ni Kristo. Ano ang misyon na

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WALANG ISAHAN

 799 total views

 799 total views WALANG ISAHAN Homily for Thu of the 7th week of Easter, 16 May 2024, Jn 17:20-26 Totoong importante ang “unity” o pagkakaisa. Pero ang importanteng punto ng ating mga pagbasa ngayon ay ito lang: “Hindi lahat ng pagkakaisa ay mabuti.” Ito ang palaisipan tungkol sa alamat ng Tore ng Babel sa Bibliya, di

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE GREATEST

 799 total views

 799 total views THE GREATEST Memorial of St. John Baptiste de La Salle, 15 May 2024 (Sirach 39:6-10, Romans10:10-18, & Matthew 18:1-5) Our special Gospel reading for this memorial from Mt 18, 1-5, must have been one of the biblical texts that inspired St. Jean-Baptiste De la Salle to carry out a very specific kind of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ASENSO TAYO

 799 total views

 799 total views ASENSO TAYO Homiliya Para sa Linggo ng Pag-akyat sa Langit, Araw ng mga Ina at Araw ng Pandaigdigang Komunikasyon, 12 Mayo 2024, Mark 16:16-20 Medyo overloaded ang dating ng Linggong ito: Ascension, Mother’s Day, at World Communications Sunday. Kaya pasensya na kung medyo overloaded din nang konti itong homily na ito. May tatlong

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AWAKENING

 2,064 total views

 2,064 total views Homily for Tuesday of the 6th Week of Easter, 07 May 2024, Jn 16:5-11 Pope Francis, in his dialogue with parish priests, told a story about a man who had a conversion experience and told the then archbishop how it happened and how he believed that he was being called by the Lord

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SINASAMBA KITA

 2,448 total views

 2,448 total views Homiliya para sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay, Ika-5 ng Mayo 2024, Juan 15:9-17 (Pista ng Mahal na Ina ng Grasya) Kagagaling namin sa Roma, sa International Synodal Consultation for Parish Priests. Ang huling araw ang pinakahinihintay ng mga pari—ang audience with the Holy Father. Habang nakapila kami, isa-isa kaming sinasabihan ng audience

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WALANG PINAPANIGAN?

 13,399 total views

 13,399 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, Ika-7 ng Marso, Lk 11:14-23 Pinagaling daw ni Hesus ang isang pipi kaya nakapagsalita ito. Ang dating walang imik ngayon ay nagkaroon ng tinig. Ano ang reaksyon ng iba? Trabaho daw ng dimonyo ang pagpapagaling na ginawa niya. Madalas pa ring mangyari ang ganyan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“TEN COMMITMENTS”

 12,231 total views

 12,231 total views Homily for Wed of the Third Week of Lent, 6 March 2024, Mt 5:17-19 May nakilala akong isang app developer. May binabalak daw siyang gawin na kakaibang app, idodonate daw niya sa Catholic Church if we are interested: “Online Confession App”. Gagawin daw niyang user-friendly. Automatic daw, magla-log-in lang ang penitent at may

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAY IT FORWARD

 12,217 total views

 12,217 total views Homily for Tuesday of the Third Week of Lent, Mt 18:21-35 Today’s Gospel reminds me of the old version of the Lord’s Prayer. I am referring in particular to that part in the prayer that says “And forgive us our sins as we forgive those who sin against us.” The old version says,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOU ARE THE MAN!

 12,216 total views

 12,216 total views Homily for Friday of the 2nd Week of Lent, 1 March 2024, Mt 21:33-43, 45-46 Today’s Gospel reading reminds me of that story in the 2nd book of Samuel chapter 11 about the sin of David. Remember that passage about David having an affair with Bathsheba, the wife of his soldier Uriah? How

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BANGUNGOT

 12,217 total views

 12,217 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma, 29 Pebrero 2024, Lukas 16:19-31 “Bangungot” ang tawag natin sa masamang panaginip. “Nightmare” sa English. Parang bangungot ang dating ng kuwento ng mayaman sa ebanghelyo. Sorry, wala siyang pangalan. Obvious ang “bias” ng awtor—ang may pangalan sa kuwento ay ang mahirap, ang busabos na

Read More »

Latest Blogs