Serbisyong para sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

 213 total views

Mga Kapanalig, sa Section 1 Article XI ng ating Saligang Batas, malinaw na sinasabing “public office is a public trust.” Ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan ay dapat na nananagot sa ating mga mamamayan. Dapat na naglilingkod sila nang buong katapatan, nang may pananagutan, nang may integridad. Dapat na maging halimbawa sila ng payak na pamumuhay.

Noong nakaraang linggo, nakapanlulumo ang sinapit ng isang pulis na nakasakay sa chopper ng PNP na bumagsak sa bayan ng Real sa Quezon. Sugatan naman ang dalawa niyang kasama. Bumiyahe sila upang sunduin si PNP Chief Dionardo Carlos sa eksklusibong Balesin Island Club sa Polilio, Quezon, kung saan siya nagbabakasyon. (Alam ba ninyong nagsisimula sa tatlong milyong piso ang halaga ng membership sa nasabing club?) Paliwanag ng hepe, kinailangan niyang magpasundo gamit ang sasakyan ng PNP dahil ang inupahan niyang private chopper ay hindi siya masusundo sa oras na gusto niya. Pinapayagan naman daw ng rules and regulations ng PNP ang pagpapasundo sa isang opisyal kahit pa galing siya sa isang pribadong gawain katulad ng pagbabakasyon. Ipinagtanggol din siya ng kalihim ng Department of the Interior and Local Government (o DILG), at sinabing kasama sa mga pribilehiyo ng PNP chief ang gamitin ang police chopper kahit pa sa mga bagay na walang kinalaman sa pagganap niya ng kanyang tungkulin.

Ang bumagsak na helicopter ay pinondohan ng ating buwis, at ang gastos upang magamit iyon—mula sa suweldo ng mga piloto hanggang sa gasolinang gagamitin—ay mula rin sa ating buwis. (Nakalulungkot na nagbuwis din ng buhay ang isang pulis para sunduin ang PNP chief.) Maaaring naaayon sa batas at mga regulasyon ang pagsundo sa hepe ng PNP gamit ang opisyal na sasakyan ng pamahalaan para sa isang pribadong biyahe, ngunit hindi ba salungat ito sa sinasabi natin kanina tungkol sa public trust na dapat na pinapahalagahan ng ating mga lingkod-bayan?

Isa lamang ito sa mga pagkakataong nagagamit ang gamit ng pamahalaan—at ang pera ng taumbayan—para sa mga bagay na wala namang kinalaman sa pagtupad ng mga lider at kawani ng pamahalaan sa kanilang tungkulin. Ngayon ngang panahon ng kampanya, may mga government vehicles na ipinapagamit ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa mga motorcade at caravan ng kanilang manok sa eleksyon. Malinaw na ipinagbabawal sa Omnibus Election Code ang paggamit ng mga sasakyang pagmamay-ari ng pamahalaan para sa pangangampanya.

Maging ang oras na ginugugol ng mga pulitiko para sa mga magagarbo nilang party at pagtitipon ay oras na dapat nakalaan sa pagtatrabaho. Sabihin na nating naka-leave sila sa mga araw na iyon, pero ano ang sinasabi ng kanilang marangyang pamumuhay tungkol sa mga pinahahalagahan nila bilang mga nangakong maglilingkod sa mga tao, lalo na sa mga mahihirap? Paano nila naaatim na sabihing inuuna nila ang kalagayan ng maliliit sa lipunan habang kayang-kaya nilang pumunta sa mamahaling resort at magbayad ng pribadong jet o—ang mas masaklap—gumamit ang sasakyan ng pamahalaang dapat ginagamit sa pagseserbisyo sa mamamayan?

Mga Kapanalig, wika nga sa Ebanghelyo ni San Lucas, “Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng marami; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin ng lalong marami.” Ang ating mga lider at kawani ng pamahalaan ay pinagkatiwaan ng mamamayan ng malaking tungkuling paglingkuran ang bayan, kaya’t dapat lamang natin silang papanagutin. Sabi nga ng yumaong Pangulong Noynoy Aquino, ang taumbayan ang “boss” ng mga nasa pamahalaan. At paalala naman ni Pope Francis, “true power is service.” Ang kapangyarihang tangan ng mga nasa pamahalaan ay dapat na ginagamit sa paglilingkod, hindi upang mamuhay sa pribilehiyo o isulong ang maruming pamumulitika.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Financial Inclusion

 4,410 total views

 4,410 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »

Benepisyo ng Digital Technology

 8,655 total views

 8,655 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »

Alin ang mas matimbang?

 15,570 total views

 15,570 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »

Kultura ng pagpapanagot

 30,948 total views

 30,948 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 43,372 total views

 43,372 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 4,411 total views

 4,411 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 8,656 total views

 8,656 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 15,571 total views

 15,571 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 30,949 total views

 30,949 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 43,373 total views

 43,373 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 55,885 total views

 55,885 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 57,091 total views

 57,091 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 67,082 total views

 67,082 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 52,467 total views

 52,467 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive mobility

 67,226 total views

 67,226 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa content?

 57,720 total views

 57,720 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabuhayan sa Bangketa

 77,117 total views

 77,117 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Street People

 88,232 total views

 88,232 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buhay sa Slum Settlements

 92,153 total views

 92,153 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga katutubong pinaasa at pinalayas

 75,080 total views

 75,080 total views Mga Kapanalig, nagulat at nanlumo ang 44 na miyembro ng tribong Ati sa isla ng Boracay nang palayasin sila sa lupang inakala nilang napakasamay na nila. Linggo ng Palaspas nang dumating ang mga guwardyang naglagay ng mga piraso ng yero upang paligiran ang lupa. Hindi sila pinapasok ang mga katutubo kahit pa namagitan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top