Si Hesus ang tugon at ang kaligtasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 565 total views

Inihayag ni Balanga Bishop Ruperto Santos na mapagtatagumpayan ng tao ang bawat hamong kinakaharap sa araw-araw na pamumuhay sa tulong ng Panginoon.

Sa pagninilay ng obispo sa unang Linggo ng Kuwaresma binigyang diin nito na tanging ang Diyos lamang ang makapagbibigay ng pangangailangan ng tao.

“God is our reward, God is the only answer to our needs ang He is our only salvation,” pagninilay ni Bishop Santos.

Binigyang pansin ng obispo ang pagkahumaling ng tao sa makamundong mga bagay na isang malaking tuksong kinakaharap ng mga tao sa kasalukuyan.

Sa ebanghelyo ni San Mateo kabanata apat talata isa hanggang labing-isa tinukso ng diyablo si Hesus sa materyal na mga bagay upang pasasailalim sa kanyang kapangyarihan subalit napagtagumpayan ito ni Hesus kaya’t sinabi ni Bishop Santos na kaya rin ng taong pagtagumpayan ang bawat tukso ng buhay.

“Temptation is reality in our life. Jesus was tempted, so we are. His temptations are also now our present temptations. Jesus overcame all those temptations and so we can surpass and emerge victorious over temptations,” saad ni Bishop Santos.

Ayon pa kay Bishop Santos na alalahanin lamang ang kagandahang loob ng Diyos upang mapagtagumpayan ang tukso ng pagkakamal ng mga materyal na bagay; alalahanin din na ang lahat ng bagay ay may katapusan subalit ang Diyos ay nananatili at magbibigay ng walang hanggang kagalakan at katiyakan ng bawat isa.

Dagdag pa ng obispo, tinitingnan ng Panginoon ang kalooban ng tao at hindi ang katayuan sa buhay.

“Remember God is not after our titles and honours. He looks for purity of our hearts and sincerity of our actions.”

Miyerkules de Abo nang magsimula ang 40-araw na paghahanda sa muling pagkabuhay ni Hesus; tanda ng pagkalupig ng kasalanan at matagumpay na pagtawid ni Hesus mula sa kadiliman hanggang sa liwanag ng buhay na walang hanggan. (Norman Dequia)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 43,755 total views

 43,755 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 39,624 total views

 39,624 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 75,826 total views

 75,826 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 84,620 total views

 84,620 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 110,212 total views

 110,212 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top