16,362 total views
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-22 ng Marso 2025

Sigisty years old na ako. Sa isang taon sigisty one Sa susunod sigisty two tapos sigisty three sigisty four sigisty five sigisty six sigisty seven sigisty eight at ewan, kung aabutin ko pa mag(ing) sigisty-nine.
Salamuch sa lahat ng mga nakasama at nakasabay sa paglalakbay sa buhay nitong anim na dekada, sa mga naniwala at ayaw pa ring maniwala; ang lahat ay pagpapala ng Mabuting Bathala na sa atin ay lumikha itinakda tayong maging ganap sa piling Niyang Banal.
Maraming dapat ipagpasalamat sa aking mga biyayang natanggap bagaman kulang na kulang at tiyak kakapusin aking mabubuting gawain kaya sana ako ay inyong patawarin lalo ng Panginoong butihin; wala akong panghihinayang sa aking mga nakaraan na kung aking babalikan ay hindi ko na babaguhin bagkus lahat ay uulitin pa rin!
Hindi man pansin ako ay mahiyain, alinlangan sa aking husay at galing, napipigilan palagi lumarga at magsapalaran sa maraming hamon ng buhay kaya't nitong mga nagdaan akin nang pinag-iisipan magpahingalay tigilan nang pakikibaka manahimik na lang, umiwas sa ingay at gulo ng buhay.
Bukod sa 20-percent discount ng pagiging senior sixty-cent pinakamasarap sa pagiging sigisty ang napakaraming ala-alang masarap balikan maski na marami ring masasakit at mapapait na di malilimutan na sadyang sakbibi nating palagi dapat pa ring ipagpasalamat sa maraming aral sa atin nagmulat masarap pa rin ang mabuhay kaya't sabik ko nang hinihintay walang hanggang kinabukasan maaring malasap ano man ating edad kung mamumuhay nang ganap.
-
2004 sa Parokya ng Santisima Trinidad, Malolos City. -
Holy Land, 2017. -
Diaconal ordination 1997 -
28 Pebrero 2025 -
GMA7 News, 1989.